Elleaire's POV
"Ms. Pintela, get out of this classroom! Now!" Sigaw ni Professor McDinggel.
"But Professor! Hindi naman po ako 'yon! It was his fault!" Sabay tinuro ko ang kaklase kong demonyo na si Kiel.
"And what did you do this time Mr. Fuentabelle?" Sinusubukan ata ni Prof na kumalma pero kitang-kita sa mukha niyang naiirita na siya.
Gusto kong tumawa pero baka mas lalong magalit sakin. Kahit pinigilan ko, I accidentally let out a laugh.
"Why are you laughing?" Galit na tanong ni Prof sa'kin. "Nothing, Prof."
"Gan'to kasi 'yon, Prof. Eh narinig ko pong sinabi ni Elleaire na mukha kang penguin 'pag naglalakad. Pinagtanggol lang kita, Prof." Nagtawanan naman lahat ng kaklase namin. Lakas ng amats neto.
Ginalingan 'yong pag acting niya. Actually, planado lahat ng 'to. Para maka takas kami sa klase ni Prof. McDinggel. 'Di naman kami masisisi, amoy putok tapos ang ingay ingay mag turo, nagagalit palagi.
"Prof. 'Wag kang maniwala sa sinasabi niya. He told me that you look like a goblin from that Harry Potter movie he watched." Galit na galit na ata siya at namumula na 'yong mukha niya.
"You two.. BOTH OF YOU GO TO THE DETENTION ROOM! THIS INSTANT!" We grabbed our bags and got out of the room faster than how a cockroache would crawl when it's being hunted.
"Elleaire! Tara!" Hinila niya 'ko papunta sa cafeteria. Ganito lagi ang ginagawa namin kapag period ni Professor McDinggel. Thankfully, may connection si mommy sa principal kaya lagi kaming nakakalusot. We even finished junior high.
"Nakita mo ba 'yong mukha niya kanina? HAHAHA! Pulang-pula! Tapos kalbo pa! Mukhang hotdog! HAHAHAHA!" Natawa naman ako sa tawa niya. Damn. Mas nakakatawa pa 'yong tawa niya compared to his jokes!
"Hoy libre mo ah!" Sabi ko naman at umupo na sa pwesto namin.
Walang pwedeng umupo doon kundi kami. They fear the both of us and I don't know why. 'Di naman kami mga bullies.
Siguro takot lang silang maging katatawanan ng buong campus. We aren't bullies. Swear.
"Libre ka ng libre. Yaman-yaman pero ang kapal ng mukha magpa libre. Sige na nga lang." Sabay kinuha niya 'yong wallet sa bag niya.
Kiel Fuentabelle is my best friend. Since kindergarten ay classmate ko na siya. At ang pangit pa nung first encounter namin. First day ko pa sa kindergarten no'n at akala niya kasi sakanya 'yong chocolate na dala ko. Inagaw niya sa'kin at 'yon ang naging dahilan para pagalitan kami ng teacher namin. Nag rambulan kami nung kindergarten to be exact.
Kiel is a really kind best friend. Though nag confess siya dati nung grade six pa kami na may gusto siya sa'kin.
'Di naman 'yon naka sira sa friendship namin dahil agad siyang nagka-girlfriend after I rejected him. Masyado pa kaming bata at kaibigan lang din ang turing ko sakaniya. Although nag selos ako kasi agad siyang nakahanap ng iba, 'lam mo yon? pag may ibang crush na nagkakacrush sa'yo, nagseselos ka. Tangeks.
"Anong gusto mong lamunin?" Napakagago talaga nito kahit kailan. "Cheese burger, fries, coke, tska 'yong bago sa menu nila, 'yong strawberry cheesecake, tapos strawberry ice cream, 'yong may real strawberries talaga ha? Isang slice ng peperoni pizza, isang slice ng hawaian, at tubig." Huminga naman ako ng malalim at ngumiti sakaniya.
"Bilhin nalang kaya natin 'tong buong cafeteria? ano? Dami-dami mong gusto. 'Di ka naman crush ng crush mo." Inirapan niya pa 'ko bago umalis at nag-order na.
After ten minutes, naka balik na siya dala-dala ang mga pagkain na inorder niya.
"How the hell are you not getting fat? Ilang pagkain nilalamon mo tapos 'di ka naman tumataba. Mag bigay ka naman ng tips kay Grelcia." Grelcia is our school mate. She's in ninth grade. Medyo malayo-layo pa ang lalakbayin niya, bago maging grade twelve.
She's fat, well, chubby, but I find it cute somehow. Lagi siyang inaasar, but she's still confident. Kasali pa nga siya sa dance club eh.
"Just eat, Kiel." Sabi ko at patuloy na kumain.
"So anong balak mong gawin mamaya? Free naman tayo eh diba?"
"I wanna go home- I mean punta tayo sa mall! Libre mo ulit ako ha? HAHAHA!" Tumawa nalang siya at kumain nalang din.
"Hey, Elleaire." He spoke after taking a bite of his chicken sandwich.
"Ano?"
"Napapansin ko na medyo matamlay ka lately, do you have any problems? alam mo namang andito lang ako, you can tell me." Said Kiel.
"Hindi ah! I was just thinking about that middle-aged lady na laging dumadalo sa birthday ko. Kapatid kaya siya ni mommy? or is he my grandma? 'Di ko talaga alam eh. I just wanna know kasi lagi siyang nagdadala ng pinakamalaki at pinaka mamahaling gift everytime na nagce-celebrate na ng birthday ko." Sagot ko naman at inubos na 'yong ice cream. Uminom na rin ako ng tubig and got my phone out of my bag.
"Nakakapagtaka naman. Ano nga ulit pangalan nun? I'm pretty sure you know her name. Siya 'yong nakakita dati sa nawawala kong car key." Daldal ni Kiel at inubos na rin 'yong pagkain niya.
"Hindi ko na matandaan eh. Ilang buwan na kaya 'yon! Ikaw nga kinalimutan ka na niya eh AHAHAHAHA!" Pang-aasar ko.
"Ewan ko sa'yo Elle!" Inirapan niya ulit ako at inirapan ko nalang din siya.
"Ayan! Jowa ka kasi ng jowa AHAHAHAHAH! Landi ng ex mo tanga." Tumawa na rin siya tska niya pinitik 'yong noo ko.
"Aray! Kainis naman 'to!" Galit kong sabi. "Pag ako nagka pimples sisisihin talaga kita."
"Che! Tara na, kanina pa 'yong bell bingi! HAHAHAHA! Saang mall tayo?" Tanong niya.
"Mall namin, may bagong tayo na clothing store dun, libre mo 'ko ha?"
"Gagi ka, may-ari kayo ng mall tapos ako manglilibre? edi wow Elle. Akin nalang mall n'yo."
"Sabihin mo muna, "Ililibre kita ngayon, master," game?" I smirked and crossed my arms.
"Leche ka."
BINABASA MO ANG
I Was You
FantasyNaniniwala ka ba sa time travelling? or is there really a time machine for time travelling? Two people became one. One past became two. One lie became hundreds. What more is there? The past called them twins, but the present called them as one. Whi...