Chapter 2

0 0 0
                                    

Hinatid kami ni kuya driver sa mall. It's near the school naman kaya 10 minutes lang ang biyahe namin.

Leonor Doctolero, matagal na siyang nagt-trabaho as our driver. Ever since mommy and daddy started working, si kuya Leonor na ang driver nila. Loyal driver.

"Kuya paki sundo na rin daw po si mommy sa work kasi busy daw si dad, ay kuya d'yan nalang po kami sa tabi," sabi ko sabay tinuro 'yong sidewalk.

"Sige po, ma'am."

"Hoy! Gising na, naki tulog ka pa dito sa car ha." Tinapik ko pa ang braso ni Kiel para magising na s'ya, but he's not waking up. This man is really annoying most of the time.

"Oh my god. Kiel wake up!" I rolled my eyes as I waited impatiently for him.

Ah ayaw mo ha.

Lumapit ako sakanya at sumigaw sa mismong tenga niya. "Kiki gising na! Kiki!"

Napa-upo s'ya ng maayos and his eyes was wide open. "Ano? nasaan na 'yong aso?!" Taranta niyang sabi.

"HAHAHAHAHAHAH! ANONG ASO?! Nasa mall na tayo! My gosh, Kiel!" Napatawa na rin si kuya driver dahil sa kakulitan namin.

"Why do you have to shout? damn." Umirap s'ya sa'kin as he got out of the car.

Lumabas na rin ako sa kotse habang tumatawa. "Ingat po kayo, kuya. And tell mommy na late po ako makakauwi."

"Yes, ma'am. Huwag masyadong magpapagabi at baka mapagalitan ka na naman ng daddy mo." Payo ni kuya.

Um-oo naman ako at naglakad na kami ni Kiel papunta sa mismong mall.

"Hoy!" Kinalabit ko si Kiel.

"Oh bakit na naman?" Irita niyang sagot. "Shirt mo gusot. Hair mo magulo. Brief mo nalabas na. Tanga." Natatawa kong sabi.

"Wait- Wtf!" Inayos niya agad ang suot niya at pati na rin 'yong buhok niyang mukhang hindi sinuklay for 10 years.

We finally got into the mall, Elle N Red, isa sa mga tinayong mall nila mommy. Yes, our family is crazy rich and sabi ni daddy it's all because of me daw. I'm a blessing from God.

Marami pang branches ang Elle N Red Shopping Mall. If I graduate college na, I'll be handling one of those malls. My dream is to be a business woman pero tamad ako kaya bahala na.

"Saan ba 'yong sinasabi mong bagong tayo na clothing store? kanina pa tayo naglalakad dito." Said Kiel impatiently.

"It's somewhere near the national bookstore, sabi kasi ni mommy it's a clothing store for teens daw. Sa mga mahihilig sa aesthetic and stuff like that." Habang naglalakad kami, I saw a familiar face walking towards our direction.

I was about to walk up to the lady when Kiel pulled my hands. "Ayun oh! Lyeras!"

I shrugged off my thoughts about the lady I just saw at sumama nalang kay Kiel.

Maganda naman ang mga damit na binebenta nila, not overpriced, but not too cheap. Sakto for a teen's budget. Matalino siguro ang may ari ng clothing shop na ito.

Wala pa akong napipiling damit pero Kiel had already picked so many clothes! My gosh!

"Balak mo bang mag reseller? ang dami naman n'yan." Natatawa kong sabi kay Kiel.

"Hoy! Wag ka nga! Ang ganda ng mga damit eh!" Naiirita niyang sabi habang naghahanap pa ng iba pang mga magandang designs.

Isang damit lang ang nakakuha ng atensyon ko kaya I picked it up at tinignan ko ang bawat detalye ng design nito. My head suddenly ached as some weird memories started to flash on my mind.

"Iha ayos ka lang ba?" Nabitawan ko 'yong hawak kong damit sa gulat habang nanginginig-nginig pa 'yong kamay ko.

"A-Ah opo. May mas malaking size-" I suddenly paused when I saw the face of the lady who was standing in front of me.

"Mommy?!" Gulat kong sabi as I pouted. "Ikaw talaga! What are you doing here? akala ko ba may meeting kayo with the shareholders?" Tanong ko at niyakap si mommy.

"Alam ko kasing pupunta ka rito. Halos lahat ng tinatayong clothing store dito pinupuntahan mo eh!" Mommy smiled as she looked at me. "Eh akala ko po busy ka kaya I brought Kiel with me."

"Where is he? I wanna see my future son in law!" Pabirong sabi ni mommy. "Mommy naman eh! Nakakainis! I don't like him! Ang panget-panget nga n'yan eh. Hay nako!"

"Calm down, sweetie! Haha!"

"Elle tapos na ko, sa counter lang ako ha- Oh tita nandito po pala kayo! You should check their clothes po! Maraming magagandang design, bagay po sa katulad niyong maganda." Nambola na naman. 'Kala mo talaga eh. Pabibo.

"Ikaw ha binobola mo pa 'ko! How's your mom? matagal na kayong hindi bumibisita sa bahay." Sabi ni mommy habang tinitignan ang mga damit na hawak-hawak ni Kiel.

Pinulot ko naman 'yong damit na nabitawan ko kanina. Nawala na rin sa isip kong bilhin 'yon kaya naibalik ko sa kung saan ko kinuha.

"Good choice of designs, Kiel! Mahilig ka siguro sa mga old-fashioned designs 'no?" Tanong ni mommy.

Si mommy talaga kahit alam niya na 'yong sagot, tinatanong niya pa rin. Ano yon? pampahaba nalang ng conversation?

"Ay! Opo tita. Oh.. uhm.. magbabayad po muna ako ha? I'll be right back." Ngumiti sa amin si Kiel bago umalis para mag bayad.

"Mommy check ko lang po 'yong ibang stuff."

"Go ahead. Anyways ipapasundo pa ba kita kay kuya Leonor?" Tanong ni mommy habang tumitingin-tingin din sa mga damit.

"Oh about that, i'll be staying at Kiel's nalang po mommy kasi may project kaming gagawin," I paused for a bit when I saw that lady again, "uh- no worries mommy, Yseiah will be there."

"Is there something wrong, anak?"

"Oh uhm.. No mommy! Don't worry po, mag-iingat ako."

"Sige. I'll get going na ha. Ingat ka." She hugged me and I just stood there still looking for that lady.

I walked around the store for a bit at sa katangahan ko, may nabangga ako. "Omg! I'm so sorry po, are you alright?" I worriedly asked and picked up her wallet.

"Hindi, ayos lang ako hija." She said with a soft tone.

I gave her wallet to her and my eyes widened when I saw her face. It's her! Siya 'yong middle-aged lady na pinag-uusapan namin ni Kiel kanina! She's beautiful.

Sumakit ulit 'yong ulo ko at hindi ko na namalayang bumagsak ako sa sahig. Everything turned black as my eyes closed.

...

"Liyera halika nga rito!" Sabi ng isang babae sa batang tumatakbo at hinahabol ang aso.

"Opo!" Bigkas nito habang naka ngiti ng malawak, abot hanggang tainga ika nga.

"Uubusin ko na itong mga pagkain kapag hindi ka titigil d'yan!" Mapang-asar na sabi ng batang lalaki.

Tumigil ang mga bata sa pag-aasaran at biglang tumulo ang kanilang mga luha.

May kumuha sa babae at....

"Huwag!" Napaupo ako, hinihingal, at punong-puno ng pawis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon