Sick
¦~※~※~※~¦
Wala ako sa sarili ng makauwi. Nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina.
Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa contacts hanggang sa makakita ako ng unfamiliar name. Families ko lang kasi ang nasa contacts ko, kumbaga puro Montanillo ang surname or Villasue. At ang surname ng name na iyon is Monterde.
Nicolai Freil Monterde
Dinial ko iyon at isang ring pa lang ay sinagot na niya.
"K-kamusta si Yunna?" Alam kong siya iyon.
[She's fine. Don't worry.] Siya nga. Siya ang lalaki kanina.
Pero paano niya nakuha ang cellphone ko at nandito ang number niya?! Magnanakaw ba talaga siya dati?!
"Sorry." Rinig ko ang buntong-hininga niya.
[It's fine. Not your fault.]
"It's my fault, obviously."
[No, I said.] Hindi na lang ako umimik pa.
[Are you okay? Are you scared again? To me?] Maingat at mabagal na tanong niya.
"Sorry rin sa kanina. Hindi naman kasi kita kilala tapos alam mo pati loob ng bahay namin. Nagtaka lang ako. Alam mo rin pati name ko pero ni hindi kita kilala o namumukhaan man lang."
[It's fine. I'm glad you're not scared anymore.] Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko.
[Hey, hey. Are you crying?!] Nag-aalala ang boses nito.
"No." Pero sa kamalas-malasang pagkakataon, napahikbi pa ako.
[Did I let you cry?!]
"No, of course." Mabilis na tanggi ko.
Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa braso ko at niyakap ako.
"I said, it's not your fault. Why are you crying?" Hinampas ko siya sa braso.
Akala ko kung sino na, tinakot niya ako.
"It' my fault! Ako yung umatras ng umatras hanggang sa matulak ko na siya! Ako nga, eh! Mas gugustuhin ko pang magalit ka sa akin kaysa magpakabait kahit hindi totoo! Huwag ka ngang plastic!"
"I'm not. I'm true." Sabi niya pero napahikbi ulit ako.
"Ako nga kasi ang may kasalanan! Ako nga!" Umiling rin siya.
"No. Yunna is awake now and it is not your fault."
"Ako nga kasiiiii!!!" Mas napahikbi ako.
"Fine. Hit me. Throw everything to me. Please." Hindi na ako nagdalawang-isip na hampasin siya sa braso.
"Ayaw kong ma-attach sa mga tao maliban sa pamilya ko pero dahil sa ginagawa mo, umiiba!" Nakatayo lang siya doon habang hinahampas ko siya.
"Ayaw ko sa mga tao! Lalo na sa mga lalaki! Ayaw kong masaktan!" Napahikbi ako.
"Ayaw ko ng mga kaibigan, ayaw kong kagalitan ulit ako!"
"Ayaw ko sa mga tao kasi ayaw kong masaktan at ayaw kong makasakit!!"
"Ayaw ko!!!" Malakas na sigaw ko sakaniya at napaluhod. Lumuhod rin siya sa harap ko at isinandal ako sakaniya para iyakap.
"I'm different from them. I will stay by your side no matter what. I will stay with you every single day. I will and I will always will. Always. Trust me."
"I don't trust that easily. I have trust issues." Ngumiti ako ng tipid.
"But I'll try." Saka lumawak ang ngiti ko.
"I'll walk you home. Come on."
"Alam mo, nagtataka pa rin ako kung bakit kilala mo'ko tapos alam mo rin ang loob ng bahay namin pero hindi kita kilala. Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa hindi nakakaoffend na tono. At nakahinga ako ng maluwag ng tumawa siya.
"Secret." Malokong sabi nito na ikinailing ko na lang.
"Umuwi ka na nga. Shoo, alis na. Bye!" Tinakbuhan ko na siya at pumasok na sa gate namin dahil malapit na kami sa bahay, saka ako kumaway sakaniya at ganoon rin siya habang nasa bulsa ang kanang kamay.
"Nandito na'ko!" Sigaw ko ng makapasok.
"Oh tapos?" Pambabara ni Kuya saka tumawa ng malakas kaya binatukan ko na siya.
"Tapos na." Sarkastikong sabi ko saka pumalakpak.
"Nag-aaway na naman kayo riyan." Suway ni Mama kaya sabay naming itinuro ni Kuya ang isa't isa. At natawa na lang si Mama.
"'Ma, akyat na ako, ha? Pagod." Paalam ko pagkatapos magmano dito.
"Mainit ka, 'nak ah." Nag-aalala nitong sabi pero ngumiti ako.
"Malakas kaya 'to! Lagnat lang 'yan!" Patawa-tawa akong umakyat pero nagulat ako ng mapaubo.
Hays. Naulanan ba ako? Napawisan? Paano naman ako nagkaubo?
Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama, nakatulog agad ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.
Nagising ako dahil sa alog sa akin ng kung sino man siya.
"Nicolai?!" Kumunot ang noo ko at napasigaw pa.
"Let's eat. Your Mama said that you're sick. So, I'll take care of you." Pinindot pa niya ang ilong ko.
"Ano ba! Doon ka nga kay Yunna, mas kailangan ka no'n!" Oo, tama! Mas kailangan siya ng girlfriend niya, mas malala ang nangyari sa girlfriend niya.
"Yellsie and Yselle are there already." Napabuntong-hininga ako.
"Kahit na kaya. Kailangan nandoon ang boyfriend niya sa tabi niya, 'no!" Kumunot ng bahagya ang noo niya.
"I'll inform him." Kumunot rin ang noo ko.
"Here, eat your soup before it went cold." Nagscoop siya ng isa at hinipan iyon saka itinapat sa bibig ko na sinubo ko naman dahil gutom rin ako, hindi ako nakakain ng meryenda kanina.
"Is it hot?" Nag-aalalang tanong nito ng makita ang reaksiyon ko, tumango ako.
"Here." Itinapat niya ulit ang kutsara sa harap ko na parang sinasabing iluwa ko ang soup pero nilunok ko na.
"Hey. Are you fine?" Natawa ako ng bahagya.
"Napakaliit na bagay, nag-aalala ka na. Ano ka ba! Napakalakas ko kaya!" Pinitik niya ako sa noo na ikinasimangot ko.
"Why did you even get sick when you are strong, then?" Napairap ako.
"Hoy! FYI! Kahit si Spiderman, nilalagnat rin! We're only humans, we're not like superman na alien." Natawa pa siya talaga.
"Fine." Nanlaki ang mga mata ko ng yumuko siya at lumapit sa'kin ng sobra na yung tipong magkadikit na ang mga ilong namin. Nakangiti pa siya at diretso ang tingin sa mga mata ko.
"I'm your superhuman now, then. And you are my inspiration." At dahil sa kalandiang taglay niya, dinikit pa niya ang mga noo namin.
"You're hot." Nanlaki lalo ang mga mata ko.
"Your temperature, I mean." Tumawa pa siya.
"Sleep now. I'll be on your dream. Rest well, sweetheart."
YOU ARE READING
UNTITLED: I'M A MESS
Teen Fictionshe is the impossible and he is the possible untitled #1