Chapter 2

0 0 0
                                    

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dagli din akong bumalikwas ng bangon upang ipagpatuloy ang nakasanayan kong gawain sa pangaraw- araw. Bahagya kong kinusot- kusot ang sariling mga mata at saka hinayaang mag- adjust ang paningin sa liwanag.

Napapangiti ako habang inilibot ang paningin sa kabuuan ng aking kuwarto. Napako ang paningin ko nang napako ang paningin ko sa isang litrato kung saan pareho kaming nakangiti habang magkaakbay.

Napapikit akong muli at saka muling inalala ang mga pangyayaring paulit- ulit kong binabalikan.

"Anong ginagawa mo?." Nakangiti kong tanong habang pinagmamasdan ko siyang gumuhit ng mga letra sa palad niya.

"Writing your name." Aniya na ikinangiti ko.

Napangiti ako nang matapos niyang maisulat ang pangalan ko sa kamay niya. May design- design pa kasi siyang idinagdag.

"Kakaiba ang pangalan ko. If you love me, then that wouldn't be a surprise." Taas nuo kong sabi at saka hinawakan ang kamay nito. "Kasi gaya ng pangalan ko, maganda ako. At mas lalo akong gumaganda kapag kasama kita." I said.

Napangiti siya sa sinabi ko. Kung kaya't ganon din ako.

"Tama ka. Ang gusto ko ay palagi kong nakikita ang pangalan mo... dahil ang pangalan mo ay ang bagay na pinakamasarap sa tenga." Panimula niya habang nangingiti. At saka itinaas ang palad nito na kinasusulatan ng pangalan ko.

" Analette. Is an innocent and lovely maiden, graceful and winsome. Your eyes were tender as the eyes of a dove. And you appear more approachable because you're a word from very well..." Bigla nitong sabi na ikinanganga ko.

"Kung sakali mang mawalan ako ng ala- ala ngayon. Umaasa ako na sa pamamagitan ng pangalan mong nakasulat sa mga palad ko, ay maalala kitang bigla... Kasi sa totoo lang, wala akong balak kalimutan ka."

~*~

'This is so hard...'

Mapait akong ngumiti sa mga naalala ko. May mga pagkakataong sumasagi nalang bigla ang pangyayaring iyon sa isip ko. Minsan nama'y, inaalala ko ito sa tuwing gusto kong saktan ang sarili ko.

Napabuntong- hininga akong muli.

Parang kailan lang...

Ikinasisiya ko ang araw- araw na masilayan ang larawan ng lalaking pinakamamahal ko. Kung saan May kasama siya at makabuo ng panibagong masasayang ala- ala. Ikasisiya ko ang pagmasdan siya mula sa malayo kahit pa nasa kandungan na siya ng ibang babae. Ikasisiya ko ang masaktan at magpaubaya... Dahil mahal ko siya.

'Kung tunay ngang martyr ang kahulugan ng pag- ibig, magpapakamartyr ako habang- buhay...'

Napapailing nalang ako at saka pinunasan ang mga luhang patuloy na lumalabas sa mga mata ko. Umagang- umaga ay nasasaktan ako.

Masaya ako dahil kahit papano, nabigyan ako ng pagkakataong makilala ang napaka-espesyal na lalaking pinaglaanan ko ng buong puso at buhay ko. Masaya na ako at naging malaking parte siya ng buhay ko. Ayaw ko ng maghanap pa ng kung sino... Kung bibigyan man ako ng diyos ng bagong pag- ibig. Sana ay ang sarili ko nalang. Dahil sa kung anong dahilan, hindi ko magawang ibigin ang sarili ko.

'Kung bibigyan ako ng diyos ng bagong pag- ibig, bakit hindi pa ngayon?.'

Nasampal ko nalang ang sarili ko at saka umiling ng matagal. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago magdesisyong lumabas ng kuwarto.

Mula sa dahan- dahan kong paglalakad ay nabulabog ang katawan ko nang marinig ko ang sigaw ni auntie sa labas na mukhang nag kaaway. Kung kaya't sa halip na magtungo sa kusina ay minabuti kong pumunta muna ng sala.

AnaletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon