'I see your fake smile. Believe me, Sm, I know that smile. I know what it feels like to reply, “I’m good” when someone asks you how you are. But not because you are good, because you’re just so used to saying it, that you don’t even think about it anymore. You don’t even acknowledge the question that’s being asked. Your response is just so rehearsed, that it comes out with no effort. It breaks your heart to lie to those you love. It’s so hard to tell them everything is perfectly fine. But it’s even harder to tell them the truth. That fake smile that you’ve been wearing for years to fool everyone into thinking you’re fine, has finally fooled you. Just for that split second, when you look in the mirror and see that stranger smiling back at you, you believe it. You actually think you just might be happy. But then, your heart starts to hurt, your body starts to ache, your tears start to flood, and all the memories come back. You’re not okay. You’re not happy. You’re dying from the inside out, and nobody even bothers to notice. You feel like you’re alone and everyone has given up on you ...'
Nagpunas ng mga luha si Sm, alam nyang lahat ng sinasabi ni Mia ay totoo. Simula ng makatakas sya sa hospital na pinagdalhan sa kanya ng Mama nya, ang kaibigan nyang si Mia ang tumulong at kumopkop sa kanya. Pareho sila ng sitwasyon, parehong may pinagtataguan kaya dito sila sa isang isla ng Tasmania, Australia nanatili.
She was the naive kid. She was always seeking for adventures and was looking for new things to excite her... you cannot stop her, nobody can. She was carefree and enjoyed going out her way. She’s young but she mastered the cycle of letting people go. She forgives and forgets a lot... you cannot even fathom how she can contain huge kindness in her heart. Life isn’t always fair, most of the time it will give you thorns instead of roses. Until this day happened, the little girl was playing outside and a storm came unexpectedly. Caught off guard, the kid has no where to go. She tried fighting the storm, she tried pushing back the waves, she tried stopping the wind but the storm wouldn’t just pass, slowly, the storm consumed the little girl’s faith.
Then she gave up... she grew tired of trying because the wind seemed to grow more excruciating, the skies became more bumptious. She stopped fighting. She turned her back against everyone. She locked herself and nobody saw her again. I tried saving her, tried looking for her but efforts are all in vain. The thought that I may not be able to see her again breaks me even more. There’s a void inside my chest caused by the longing for this little girl... she was my inner child, my little self who couldn’t stand the storm of this cruel world.
"Sm, sabi ni Doc. Axel, sa makalawa pwede na daw nating ilabas si baby Sabina."
"Talaga Mia?" Biglang umaliwalas ang kaninay malungkot at madilim na aura ni Sm.
"Oo, kaya ayusin mo na yang sarili mo ha! Babalik na ulit ang baby mo kaya kelangan paghandaan mo na. Saka wag kana masyadong mag isip baka bumalik na naman ang depression sa sistema mo." Nag aalalang paalala ni Mia sa kaibigan.
"Salamat Mia ha! Sa lahat lahat ng tulong mo sakin, sorry kung nakadagdag pako sa mga alalahanin mo." Pinahid ni Sm ang luhang dumaloy sa pisngi nito.
"Anuka ba! Ok lang yun nuh! Saka para sa inaanak ko lahat gagawin ko! Ayeee. Pati ako nagiging emosyonal na rin dahil sayo eh!" Kinisap kisap agad ni Mia ang mga mata para pigilan ang nagbabantang luha.
"Salamat pa rin." Nilapitan na ni Sm ang kaibigan saka niyakap ito ng mahigpit.
"O, tama na! May chika pala ako sayo tungkol sa mga magulang mo."
Kumunot agad ang noo ni Sm. "Ano yun! Natunton na ba nila tayo dito?" Kinakabahang tanong nya.
"Hindi, iba naman 'to, lam mo Mars, yung mga sinabi nila sayo tungkol kay Mark, hindi pala totoo ang lahat ng yun, gawa gawa lang ng Papa mo yun para magalit ka at kamuhian mo ang Daddy ni Sabina. Saka yung mga pictures na pinakita sayo, hindi naman yun syota ni Mark eh, asawa na yun ni Zylven. Yun yung Princess Tamara na niligtas nila sa Thailand."
Nakatulala lang si Sm habang walang ampat ang mga luhang dumadaloy ngayon sa kanyang pisngi.
"Bakit? bakit nila ginawa yun sakin? Ganun na ba kalaki ang nagawa kong pagkakamali para sirain nilang buhay ko? Napakasama ko na bang anak dahil sa nagmahal ako ng lalakeng 10 taon ang tanda sakin? Bakit sila ganun sakin?"
"Mars, hindi mali ang magmahal at hindi kasalanan yun, sadyang di lang matanggap ng mga magulang mo na sa murang edad mo ay nagmahal at nabuntis ka. Kilala mo naman ang mga magulang mo diba? Mahalaga sa kanila ang reputasyon nila. Para sa kanila bawal kapa magmahal kasi menor de edad kapa."
Niyakap na ni Mia si Sm at inalo alo ito. Saksi sya sa hirap na pinagdaanan nito. Magkatuwang silang namuhay at nakipagsapalaran sa buhay. Nagtulungan at nagdamayan. 'Walang iwanan' yun ang pangako nila sa isa't isa.
"Kaya mong patunayan sa lahat na kahit na nagkamali ka, kaya mo pa ring magdesisyon ng tama para sa sarili mo. Ipakita mo sa mga magulang mo at sa ibang tao na may ibubuga ka rin. Na sa bawat pagkakamali mo ay may natututunan ka. Hindi naman masamang magkamali, kasi kung hindi tayo nagkakamali hindi tayo natututo. Kahit na paulit-ulit kang magkamali okay lang, basta sa bawat pagkakamali mo bumabalik ka ulit na mas mabuting tao na."
"Salamat Mars, maraming salamat talaga at di moko iniwan."
Humigpit ang pagkakayakap ni Sm kay Mia na panay naman ang haplos nito sa kanyang likuran.
"Kaya mo yan! Kaya mong abutin ang mga pangarap mo. Hindi naman masamang mangarap ng mataas kasi dahil sa mga pinanghahawakan nating mga pangarap, nagsisikap tayo sa kasalukuyan. Kahit na nahihirapan na tayo sa school, kahit gabi-gabi na lang puyat, kahit na wala ka ng oras para magsaya, okay lang. Basta ba para sa mga pangarap mo, pagsisikapan mong matupad. Hindi lang din naman tayo nangangarap para sa sarili natin kundi para narin sa mga taong malalapit sa puso natin. Kaya mong patunayan sa mga taong nanghusga, nang-api, nang-away, at nag down sayo noon na mabuti kang tao at may mararating ka sa buhay. Na mali sila na hinusgahan ka nila dahil lang sa mga pagkakamali mo noon. Na sila yung nawalan kasi nawalan sila ng tunay na kaibigan. Kaibigan na maaasahan sa lahat ng bagay, kaibigan na hindi mang-iiwan kahit sa oras ng problema."
Napabitaw si Sm sa pagkakayakap kay Mia saka pabiro na sinabing.. " Dika ba kasali sa mga kaibigan ko na nanghusga sakin hmm?" Pigil ang ngiti nya ng makitang biglang pagsimangot ni Mia.
"Gaga! Hindi ako ganun kung mag isip, napakababaw ko naman kung sa ganun lang masira ang pagkakaibigan natin. Saka parehas lang tayong nagmamahal ng bawal magkaibang level nga lang."
"Forbidden Love, ika nga. Yun ang tumama satin. Hay, kumusta na kaya si Mark ko?"
"Hahaha dati dati grabe kung murahin mo ang lalaking yun, bakit tila bumaliktad na yatang sitwasyon ngayon?" Taas kilay na sabi ni Mia bandang huli natawa na talaga.
"Kung pagtawanan mo ako parang hindi ka nakaranas maging tanga at manhid sa pagmamahal mo kay Prince ah!" Ganting panunukso nya sa kaibigan.
"Tse! Kainis ka, binabalik mo pa ang kahihiyang naranasan ko sa kutonglupa na yun." Sabay tinalikuran na ni Mia si Sm na tumatawa pa rin.
Ang totoo nyan masaya sya para sa kaibigan dahil nakatagpo ito ng lalaking tapat at handa syang ipaglaban. Alam nyang isa sa mga araw na darating bigla na lang susulpot sa tirahan nila si Mark at siguradong kabuntot nito si Prince. Ang hayop at walang pusong ex bestfriend nyang sumira at nagwasak hindi lang ng puso kundi ang buong pagkatao nya. At syang naging dahilan ng pagbabago ng kanyang sarili maging ng kanyang buhay.
💃MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
Forbidden Love🗡Assassin Series 8✔💯
Teen Fiction⚔ Mark Nixon ⚔ Mark is the type of man who is afraid in the name of love. He witnessed how his assassin's friends suffered when Cupid shot into their hearts. But, when Cupid shot again, his heart was touched and he learned to love, What's even worse...