"Mars, bilisan mo na! Excited nakong makita ang baby Sabina ko eh."
Naglakad na patungong pintuan si Sm. Natulos sya sa kinatatayuan ng makita kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto nila pagkabukas nya. Nagkagulatan pa silang dalawa ng makitang isa't isa.
"M - Mark!"
"Sm!" Kaagad na niyakap nyang kasintahan na matagal na nyang hinahanap.
"Anong - Paano mo nalaman ang kinaroroonan ko?" Nalilitong tanong nya sa kasintahan na mahigpit pa ring nakayakap sa kanya.
Dahan dahang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Mark saka pinakatitigan sya ng matiim nito, parang kinakabisa nito ang buong mukha nya. Maya maya ngumiti ito saka nagniningning ang mga mata nitong sinambit ang kanyang pangalan.
"Baby girl, I miss you!"
"Na miss din kita!" Akmang maglalapat ng mga labi nila ng biglang may magsalita sa likuran ni Mark.
"Excuse me, baka pwedeng papasukin mo naman kami baby girl kasi nakakangawit ang tumayo dito sa labas e!"
Ani Prince na bahagyang isiningit ang katawan sa siwang ng pintuan para makapasok lang sa loob. Nagkatinginan at nagkatawanan naman silang dalawa ng tuluyang makapasok na si Prince sa loob ng bahay.
"Halika pasok ka, umupo muna kayo kukuha lang ako ng maiinom nyo."
Ng makaupo ng mga bisita tinungo ni Sm ang kusina nagulat sya ng may biglang humila sa braso nya. Muntik na syang mapasigaw kung di nya lang naamoy ang pabango na gamit ni Mia.
"Sshh.. Wag kang maingay Mars! baka sumugod ang dalawang yun dito!" Himig pakiusap ni Mia sa kanya.
"Andyan si Prince, ayaw mong kausapin? Para magkaayos na rin kayo." Pangungumbinsi nya pa sa kaibigan.
Napasimangot naman ito saka tinalikuran sya at nagtungo sa ref para tulungan syang maghanda ng makakain ng dalawang lalaki.
"Mars, wag mong sasabihin na magkasama tayo ha! at please lang wag mong mabanggit banggit ang pangalan ko sa kanila ok!"
Iniabot sa kanya ni Mia ang isang tray na may lamang dalawang slice na cake at dalawang baso ng juice.
"Sige na labasin mo na sila, saka kayo na lang ang sumundo kay baby Sabina ha! May lakad kasi ako."
Pilit na tinatago ni Mia ang lungkot sa mga mata nito pero nakita't napansin pa rin yun ni Sm.
"Mars, salamat sa lahat lahat ng tulong mo sakin ha! Tandaan mo nandito lang ako kapag kelangan mo."
Naiiyak na niyakap ng mahigpit ni Sm si Mia gumanti din ito ng mas mahigpit at mainit na yakap sa kanya.
"Mars, goodluck! Be happy deserve mo yan. Alagaan mong mabuti ang inaanak ko ha! Basta magkikita pa tayo, akong pupunta kung saan ka man iuuwi ng mahal mo. O, sya sige na lumabas kana baka naiinip ng mga bisita."
"Lab U Mars, mag iingat ka palagi at alagaan mong mabuti ang yung sarili ha!"
"Oo na! Sige na labas kana! Mars Lab U mwah!" Mabilis kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Mia saka tinakbo ang backdoor ng bahay ng marinig nila ang boses ni Prince at Mark na papasok ng kusina.
"Baby girl." Boses ni Mark na nauunang papasok ng kusina. Kasunod nito si Prince na nakakunot ang nuo habang nakatutok ang tingin sa kakasarang pinto sa backdoor nila.
"Halina kayong dalawa, anupang tinutunganga nyo dyan. Kayo ng magbitbit ng tray." Nauna na syang lumabas ng kusina at pumwesto sa sala.
Bitbit ni Mark ang tray at inilapag yun sa mesita saka tumabi ng upo kay Sm. Kahit na hindi nagtatanong ang dalaga kusang nagkwento na sa kanya ang dalawang lalaking bisita. Naliwanagan din ang lahat.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love🗡Assassin Series 8✔💯
Teen Fiction⚔ Mark Nixon ⚔ Mark is the type of man who is afraid in the name of love. He witnessed how his assassin's friends suffered when Cupid shot into their hearts. But, when Cupid shot again, his heart was touched and he learned to love, What's even worse...