Chapter 2

37 1 0
                                    

Sa dahan-dahang pagbukas ng bakal na gate nila ay parang bumagal ang pag-ikot ng mundo, excited  na ako na makita ko ulit ang mukha niya, yung ngiti niyang kayang tumunaw ng pagkatao, ang mga mata niyang parang bituin sa kalangitan pag gabi,  pagkakataon ko na 'to para magpa-impress .

At sa sandaling yun habang umiingit ang Gate ay bumibilis ang tibok ng puso ko sa 'di ko maipaliwanag na kadahilanan, hanggang sa isang kakaibang boses ang bumasag sa katahimikan ng aking kalooban:

"Magandang Araw iho! anong maitutulong ko sa'yo?". isang matandang babae na medyo puti na ang tuktok ang nagbukas ng gate ng aking tinutunton na PRINSESA ...

"Ah eh, magandang araw din ho Ate, dito po ba nakatira ang mga Sy?". magalang na tanong ko sa babaeng napagtanungan ko, sa tantya ko helper  eto ng magarang bahay o pwede na ring "kastilyo" ng prinsesa ko hehe.

Ngumiti ang ale sa akin pero di ko alam ang dahilan , siguro may kontang lang 'tong babaeng ito.

Ah Iho, mali ang address na napuntahan mo , sa kabilang street ang mga Sy ". saka tumawa ng marahan ang matanda.

"Ganun po ba? salamat na lang ho, at pasensya po sa abala " at ngumiti ako sa kanya hanggang sa isara niya ulit ang Gate ng bahay.

Badtrip! sayang moment at pagdadrama ko amp...

kaganda ng pageemote ko tapos biglang mali pala ang bahay na pinuntahan ko? ang sama naman ng tadhana ..

"Badtrep! sayang emote ko amp! anung oras na .. ala pang kasama si Jas-"

sa sandaling yun biglang nag-ring and Cellphone ko : si Tomas tumatawag.

"Hello pre! uwi ka na dito agad ! emergency! "

Wag ka mag-alala di ko ginasgasan baby mo , di pa nga ako nakapunta sa kanila eh"

"Hindi Pre, basta bilisan mo sa pag-uwi! si Jasmin nasa ospital!"

"Bakit!? pano? maayos naman siya kanina ah!"

"Sa ospital ka na lang dumiretso dun ko sasabihin ang nangyari, bilisan mo!"

at binaba niya na ang tawag , sa puntong iyon ay nahati ang aking desisyon at ang aking puso kung sino ang uunahin ko, ang babaeng di ko kilala pero bumihag sa puso ko , o ang kapatid kong nag-iisang kayamanan ng buhay ko...

"di na bale, uunahin ko si Jasmin, mas kelangan niya ako, at di ko kaya mawala siya"

kaya dali-dali kong pinaharurot ang motor ni Tomas, iniisip ko ang kapatid ko, habang nangingilid ang luha sa mata ko, siya na lang ang pamilya ko, wala na si Inay at Tatay, at kapag may nangyari pang masama sa kanta di ko mapapatawad ang sarili ko sa pagpapabaya sakanya..

Pagkalipas ng labinlimang minuto ay dumating din ako sa Ospital kung saan dinala si Jasmin nila Tomas,

una kong nakita sa bungad ng pasilyo si Tomas , nakapangalumbaba sa bench sa labas ngPediatric Ward

marahil narinig niya ang yabag ko kaya napatingin siya sa akin nung nasa harap na niya ako

"Pre," tumango siya sa akin at hinilig niya ang ulo niya sa direksyon ng pintuan

"stable na daw si Jas " napabuntong-hininga ako sa sinabi niya,

Tinapik ko na lang ang balikat ni Tomas at dahan-dahan akong pumasok sa ward , sa ikatlong kama sa kanan ay naroon ang kapatid ko, at nang nasa tabi na niya ako ay hinaplos ko ang pisngi ng kapatid ko

"Kuya? kumusta ang lakad mo? nagkita na ba kayo?"  yun ang pambungad na tanong niya sa akin

"Bunso, wag mo na muna isipin yun, pasensya ha? napabayaan ka ni kuya " yun na lang ang nasambit ko hanggang sa umagos na ang luha sa pisngi ko ,

"Oh, umiiyak ang kuya ko? kala ko ba atapang a tao kuya ko? hehe, "

"kaw talaga bunso , tao pa din naman si kuya, ayoko lang na may sakit ang kapatid ko ," pinpilit ko nang wag umiyak.

"Tahan na kuya , alam mo ba may Angel na nagdala sakin dito? "

"katanda mo na naniniwala ka pa sa ganun? asan naman siya aber? "

"SA LIKOD MO KUYA  "

at sa paglingon ko ay isa ngang anghel ang nakita ko...

=====TO BE CONTINUED :))======

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Simpleng KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon