JOURNEY 30

13 2 54
                                    

Chapter 30

Contented

The magic in the book is really true, kasi every time na magsusulat ako, umiilaw ang mga letters.

I'm here right now in the library but alone... iniiwasan ko kasi si Vans. Ewan ko, sa sobrang hiya ko sa kanya sa sinabi niya noong nakaraang araw, iniwasan ko siya kahapon at saka ngayon ngayon lang.

Lagi nalang kasi akong parang tumakbo ng ilang kilometro kapag nagtatama ang mata namin. Hindi ko alam kung papaano sasabihin din ang feelings ko sa kanya.

I should be happy, right? Because he's also feeling the same way, as I do. Actually matagal na, matagal ko ng gusto si Vans. Did he already crush me back?

Napahawak ako sa pisngi ko, pero nahihiya pa rin ako eh, kaya tumakbo ako kanina ng tinawag niya ako.

Alam ko nakakahalata na iyon, hindi rin kasi ako sumabay sa kanya sa pagpasok at pag-uwi sa school.

Huminga ako ng malalim at binalingan ulit ang libro na binigay ni ma'am Elice. Bago ko sinimulan ang story, inisip kong mabuti ang magiging plot ko at mga characters.

I want my ideal self pero gusto ko pa rin na nakikita ang existence ko so papangalanan ko nalang siyang Narizz Sy.

Narizz Sy, has a pretty face like a teen model vibes. And of course, full of self confidence type of a girl. Para mas iba naman, ginawa kong science ang gusto at paborito niyang subject. She wants to become a doctor because of her mother pero maiiba siya ng pangarap kapag namatay ang nanay niya.

I want this story to be romantic so I will create her a partner or male lead.

Ano kayang magandang name? Kuhanin ko nalang kaya sa name ni Vans? Maganda name niya eh.

Kumuha ako ng scratch paper at isinulat doon ang buong pangalan ni Vans.

"Ivann Leonardo..." bigkas ko doon habang isinusulat iyon. Nanliit pa ang mata ko at napangiti nang makaisip ako.

Vann Sullivan, handsome, caring and sweet. Has a good leadership and also knowledgable. I giggled pagkatapos kong isulat iyon. Halos lahat kasi ng traits niya kay Vans ko kinuha.

Para may trill, gagawa ako ng second lead. Sa second name naman ni Vans ko kinuha. Leonardo... so Leon nalang!

"Sorry Vans, pahiram muna ng name mo," tumawa ulit ako.

Pagkatapos kong mag gawa ng characters outline at plot, tuluyan ko na ngang sinimulan ang story. Little did I know, I am already creating my own world.

Hanggang sa matigil nalang ako sa pagsusulat dahil nahagip ng mata ko si Vans na palapit sa gawi ko.

Mariin akong napapikit. Ang tanga naman, Riz. Iiwas ka na nga lang doon ka pa pupunta sa madalas niyong tambayan. Malamang mahahanap ka niya.

Nagkamot ako ng ulo at mabilis nagligpit ng gamit. Muntik pa akong matumba dahil sa pagmamadali. Para akong hahabulin ng zombie at natatakot makagat.

Doon ako lumabas sa kabilang pinto at mabilis tumakbo. Hindi ko na nakita kung anong ginawa ni Vans pero hindi siya nakasigaw dahil nasa loob siya ng library.

Mabilis lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ako sa school. Uwian naman na, tatakbuhin ko nalang hanggang sa apartment.

"Narizzalyn!" Nanlaki ang mata ko nang makarinig ng sigaw sa likod. Ang bilis niya rin!

"Narizzalyn! Riz!" Boses iyon ni Vans at dahil doon ay mas binilisan ko pa ang lakad ko pero naramdaman kong may pumigil na sa kamay ko.

Nilingon ko si Vans saglit pero nag iwas din ng tingin.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon