PROLOGUE

7 0 0
                                    

I'm on my way back to our home when my phone suddenly rang.

"Hello Kiosk?", sagot ni Dad pagkatapos kong sagutin ang tawag niya.

"What?", maikli kong tugon habang nakatuon ang atensyon sa daan, mahirap na baka maaksidente pa 'ko.

"You're going home tonight, right? We're having a dinner with your Tita Erin", paalala niya sa akin.

"Yeah, I'm on my way", sagot ko.

"Thanks, you never fail me this time, son", mababanaag ang saya sa boses niya dahil sa magandang balitang nakuha niya. Sa totoo lang, may sarili akong penthouse na pwede kong tuluyan ngayong gabi pero mas pinili kong dumeretso sa bahay dahil nga sa napagkasunduan namin ni Dad.

Our home sucks right now, Mom was left us since I am in grade school, that time, I witnessed Dad's miserable moments. Kaya hindi na ko kumontra pa nang magkaroon siya ng bagong partner last year, Tita Erin.

Bumusina ako ng tatlong beses at agad na binuksan ng guard ang gate. Ipinarada ko ang lexus ko sa garahe at agad ding bumaba.

"Iho! Kumusta? Ang tagal mo nang hindi tumutuloy dito, namiss kita", bungad sa akin ni Manang Loleng pagbukas niya ng pintuan.

"Namiss ko din po kayo", sinserong sabi ko.

"Pumasok ka na iho, at alam kong gutom ka na", nakangiting aniya.

Tahimik akong sumunod sa kaniya pero napukaw ng atensyon ko ang babaeng bumababa ng hagdan habang may kausap sa phone.

"Josh napag-usapan na natin 'to diba? Mahalaga ang gabi na 'to para kay mama, nangako ako sa kaniya kaya hindi ako makakasama sa'yo", nakangusong sabi niya.

Napako ang tingin ko sa mapupulang labi niya, bumaba ang tingin ko sa maputing leeg niya na naka-expose dahil sa suot niyang off shoulder, bumaba ang tingin ko sa malaman niyang hinaharap pababa sa flat niyang tiyan hanggang sa dumako ang tingin ko sa mahahabang legs niya na naka-expose din dahil sa suot nitong maong short.

"Hey Kiosk", nabaling ang atensyon ko sa likod ko nang marinig ko ang baritanong boses ni Dad.

"Hey Dad", naiilang kong tugon.

"Oh iha, akala ko ba magpapahinga ka?", nagulat ako nang tumagos ang tingin niya sa aking likuran.

"I changed my mind Tito, bigla po kasi akong nagutom", nagulat ako nang tumabi ito sa akin.

I can smell her natural scent that sends tingle in my nose.

"I forgot to introduce you to my son iha. Meet Kiosk, my son.", saad ni Dad.

"Uhm Hello Kiosk", humarap ito sa akin at inilahad ang kaniyang kamay, nakangiti din ito at kitang kita ko ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin. Tinanggap ko naman ang kamay niya. Her hand was soft and perfectly fit with my hand.

"Kiosk, this is Caramel, your Tita Erin's daughter.", literal na nabitawan ko ang kamay niya dahil sa sinabi ni Dad.

Definitely, she's my Stepsister.

Ngayon ko lang din napansin si Tita Erin na nasa likod ni Dad at sinserong nakangiti sa amin.

"Let's take our dinner now Killan", paanyaya ni Tita kay Dad.

"Yeah, let's go kiddos", pambibiro niya sa amin.

Kasalukuyan na kaming nasa sala at nanonood ng movie, Tita Erin's idea.

"By the way Kiosk, please take care of our house for the remaining weeks this month, I will be leaving tomorrow with Erin and I want you to stay until we're back.", seryosong sabi ni Dad na bumasag sa katahimikan sa pagitan naming lahat.

"I guess you left me no choice", I shrugged.

Gaya ng sabi ni Dad, nanatili ako dito sa bahay. Kaninang 3:00 am ay umalis na siya kasama si Tita Erin.

Si Caramel? I dunno. Pagkagising ko ay hindi ko na nasilayan kahit anino niya.

Tinapos ko na ang pagkain ko na inihanda ni manang, I need to work today so I did.

Mabilis na lumipas ang oras. I'm so busy that's why hindi ko na namamalayan pa ang oras. It's already 8:00 pm at kailangan ko nang umuwi dahil may bagyong paparating ngayon at ayokong magpalipas ng gabi sa opisina ko.

"Ang aga mo ata iho", saad ni manang habang ipinaghahain ako ng pagkain.

"May paparating na bagyo manang, ayoko namang maabutan non at magpalipas ng gabi sa kumpanya", natatawang saad ko dito.

"Sabagay, balik lang ako sa kusina iho, kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako", magiliw na saad ni manang.

Saglit kong tinapos ang aking pagkain dahil medyo inaantok na din ako, ramdam ko din ang natural na lamig dahil na din siguro sa bagyo.

Nang matapos ako ay umakyat na ako sa kwarto para magpahinga. I take a shower before went to bed.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell sa baba. Sino naman kaya ang mambubulabog ng ganitong disoras ng gabi?

Fuck!

Ang akala ko'y titigil na ang pagtunog niyon sa pag-aakalang may isang nag-approached man lang sa gumagawa ng ingay na 'yon. Pero mas naging sunod sunod lang ang pagpindot niya doon na tila ba gigil na gigil.

Wala na akong nagawa pa kundi babain kung sino mang hangal ang gumagawa ng ingay, I had no choice, sira na din naman ang tulog ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng kung sino pagbukas ko ng gate.

"Hmm, ang bango mo", nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Caramel? What are you doing here?", gulat kong tanong.

Basang basa siya dala na din siguro ng pagbuhos ng malakas na ulan na ngayon ko lang din napansin dahil masyadong napukaw ni Caramel ang atensyon ko.

"Hey I think it's better if we go inside", mahinahong saad ko pero wala akong narinig na kahit anong reaksyon mula sa kaniya, naramdaman ko na lang ang pagbigat niya.

What the?

Wala akong ibang naiisip na paraan kundi ang buhatin siya papunta sa loob.

Dinala ko siya sa kwarto ko dahil hindi ko alam kung malinis ba ang mga guest rooms namin.

Nang mailapag ko siya sa kama ay nakita ko ang kabuuan niya. Napalunok ako dahil sa ganda ng katawan niya pero hindi ito ang tamang panahon para makaramdam ako nito. She's my stepsister after all. Napaiwas ako ng tingin nang dumapo ang paningin ko sa hinaharap niya.

Napagdesisyunan kong gisingin si manang para siya ang mag-asikaso kay Caramel.

"Oh manang? Bakit gising ka pa?", nagulat ako nang makita ko si manang na nanonood ng tv sa sala.

"Tumawag kasi sakin ang anak ko iho, matindi pala ang bagyong dadarating dito sa bansa, tignan mo ang balita, hindi pa man dumadating si Bagyong Toto ay matindi na ang pinsalang nagawa sa ibang lugar.", malungkot na saad niya.

Tumingin ako sa tv at totoo nga ang sinasabi ni manang.

"Eh ikaw? Bakit gising ka pa?", tanong niya.

"S-si Caramel po kasi manang", napakamot ako sa batok ko.

"Oh? Anong meron sa anak ni Ma'am Erin?", takang tanong niya.

"She's upstairs, nasa kwarto ko po manang, basang basa, she need to changed her clothes pero nakatulog", naiilang kong saad.

"Ah ganon ba? Aakyatin ko siya doon, ako na ang bahala, buti na lamang at may naiwang damit ang mga pinsan mo sa guest room", agad na nagpaalam sa akin si manang.

"Mas mabuting manatili muna tayo sa loob ng ating tahanan sa susunod pang mga araw upang tayo ay maging ligtas, magsiguro, makibalita!", paalala ng newscaster sa tv.

I guess I'm trapped right now.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped with my Stepsister (Quarantine Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon