CHAPTER 10

446 8 0
                                    


CHAPTER 10

"hmp!" akmang nasambit ko ng matapos mabuksan ang pintuan

bigla na lang kasi ulit siya na yumakap sakin at amoy ko agad ang alak sa kanya. Hindi ko rin siya ganon na maitayo ng maayos dahil sa bigat niya.

"why did you drunk?"

ngunit hindi agad ako ganon na nakakuha pa ng sagot mula sa kanya. Napahalukipkip na lang rin ako at dali dali siyang inakay papalabas ng condo hanggang sa makarating kami sa harapan ng elevator.

agad rin na nagulat ang mga tao ng makita siya na akay akay ko kaya naman nginitian ko na lang din agad sila para hindi na nila ibaling at pagsayangan pa ng oras na punan kami ng pansing dalawa. Yon nga lang ng hindi ko na talaga siya nakayang akayin ay tumawag at awtomatiko na rin akong nagpatulong sa ilang gwardiya na naroon.

"saan po ma'am?"  tanong din agad sakin ng gwardiya

"sa parking lot lang po manong."

agad rin na tumango ang gwardiya at dali dali na rin siyang kumilos na kunin ang kaliwang braso niya at ilagay yon sa balikat niya. Ngunit hindi rin naging ganoon kadali na marating namin ang parking lot dahil nga sa bigat niya at halos magpa gewang gewang pa kami.

hinanap ko rin ang sasakyan niya na hindi rin naman ako ganon na nahirapang mahanap dahil sa bandang bungad lang rin naman siya nag park.

"salamat po manong!" ngiti at agad rin na pasasalamat ko sa kanya matapos namin na maisakay si Aiden sa shutgon seat ng sasakyan niya.

"wala pong anuman ma'am sige po dito na rin po ako." tanging sambit niya at mabilis ng umalis at naglakad papalayo samin

kaagad na rin ako na sumakay sa driver's seat ng sasakyan niya at sinimulang hanapin kung saan ba ang isususok ang susi para maihatid ko na siya sa kanila ngunit ganon na lang rin akong napailing ng malaman na kailangan lang palang pindutin ang button na katabi ng manibela para magsimulang gumana ang makina!

nyemas!

pero bago ko simulan ang pagmamaneho nilingon ko muna si Aiden na ngayon ay talagang bagsak at wala ng kamalay malay. Matagal ko pa siya na tinitigan. Doon ko lang rin napansin na may sugat ang kaliwa niyang kamay at namumula iyon. Pero agad ko na lang rin na iniwas ang paningin at sinimulan ng magmaneho.


ganon pa rin tulad kanina malawak at solo namin ang kalsada dahil ng tignan ko ang oras ay alas kwatro pa lang din pala. Mabuti na lang rin at katabi lang ng building ng condo ko noon ang building ng condo niya kaya naman hindi ako ganon na mapapagod magmaneho. Kaso talagang kinailangan nga lang din talaga na ihatid ko siya sa condo niya dahil hindi siya pu pwede na mag stay sa condo ng kapatid ko dahil baka magtampo yon at mag isip kaagad ng kung ano.


matapos na maiparada ang sasakyan niya sa 5th floor ay sandali pa muna akong sumandal sa kinauupuan ko at tahimik lang na bumuntong hininga saka ulit itinuon ang paningin sa katabi ko na si Aiden. Pinakikiramdaman siya kung magigising na ba ulit siya ngunit talagang tulog na tulog siya. Kaya naman wala na rin akong nagawa kundi ilabas ang phone ko para sana tawagan ang mga kaibigan ko kaso bigla ko na lang rin agad naisip na maissue ang mga iyon kaya napangiwi na lang ako at isinilid ulit iyon sa bulsa ko at doon sinimulan na uyug uyugin ang tuhod niya.


kahit na ang totoo ay naiinis talaga ako sa biglaang ginawa niya sakin. Pero bilib din ako sa sarili ko eh kasi kahit na ginanon niya ako at nainis ako sa kanya heto ako ngayon at hinatid pa siya sa sarili niyang condo. Kaso nga lang ang sakit ng ulo ko dahil iilang oras lang ang naitulog ko.

The Secluded Yore (Flight Attendant Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon