CHAPTER 17

372 7 0
                                    


CHAPTER 17

"what's wrong with you Chands?"

agad ko na inayos ang sarili ko ng marinig ko ang boses ni Sam. Nakatayo pa rin kasi ako at hindi alam na nakabalik na pala siya. Pumunta siya sa harapan ko at bigla na lang din akong kinaltukan. Pero hindi ko iyon pinalampas at binawian din siya.

"aray ha? ayaw talaga patalo eh no?" sabi niya sabay tawa pa. Mabilis din siyang umalis sa harapan ko at naupo doon sa couch. " infairness ah? si Aiden nakakaloka kanina." kinikilig na sabi pa niya ulit.

nakangiti ako na hinarap din siya at saka tumango tango na parang ewan. Lumapit at umupo rin ako sa couch para tabihan siya.

"well I didn't expect it too." tanging nasabi ko

"pero bago yon maiba muna tayo." sabi pa niya at agad akong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa saka ngumiti ng nakakaloko. "bakit iba na ang suot mo? Isa pa umalis ka ng naka mesh top then now you're wearing long sleeve. Bakit nahiya ka ng ipakita yang joga mo?" sabay halakhak pa niya.

"gago! wag ako Samantha ha? alam kong may alam ka tungkol dito." asik ko sa kanya.

agad din naman na umawang ang labi niya at minsan pang itinaas ang kilay. Umaakto na parang wala talaga siyang alam tungkol doon.

"close pala kayo huh?" nakangiti pa na sabi ko.

"he just texted me and asked me about your styles. But I didn't know na ang ipapasuot niya sayo ay isang long sleeve." minsan pa niyang sinuyod ang pang itaas ko saka nanaman tumawa. Siraulo na yata to eh!

"mukhang jan pa lang sinasabi na niya at wina warning-an ka na wag ng magsusuot ulit ng ganon. Grabe talaga. Manliligaw pa lang yan ha? paano pa kaya kapag official na talaga kayong dalawa?" nakangiti at kinikilig na sabi niya.

masaya ako sa sinabi niya pero agad na lang din nawala ang bigla ang saya ko ng maalala ang nangyari kanina sa pagitan ni Aiden at Haishen. Napabuntong hininga ako at basta na lang din siyang siniko.

"ano yan? bakit naniniko ka bigla?" sabi pa niya.

"bakit pala pinapasok mo si Haishen dito? at paano niya nalaman 'tong unit ko ha?" pag iiba at tanong ko rin agad sa kanya.

"ah yon ba?" umayos siya ng upo at minsan pang bumuntong hininga bago nagsalitang muli. "ewan ko rin wala akong alam doon. Nagulat na nga lang din ako eh dahil akala ko ikaw na yon. Pero hindi pala." sabay ngiwi niya.

"pero bakit mo pinapa-"

"fyi! hindi ko siya pinapasok inday! pagkabukas ko ng pinto dumare daretso siya ng pasok mukhang gago lang akala niya yata nasa mall siya. Sinabi ko pa nga sa kanya niya tresspassing ginagawa niya pero ang sabi lang niya sa'kin wala daw siyang pakialam dahil ang hindi daw ako ang pinunta niya kung hindi ikaw." mahabang paliwanag niya. 

"ganon?" tanging nasabi ko na lang rin at iniiwas ang paningin sa kanya. 

"oo Chands. Naiinis na nga ako kanina pa doon eh mabuti na lang din at dumating ka dahil kung hindi, nako baka nabugbog ko na yon." Agad na lang rin siya na tumayo pagkatapos niyon kaya napalingon din ako sa kanya. 

"bakit tumayo ka?" taka na tanong ko rin agad. 

ngumiti siya at mabilis na lang din na ipinakita ang phone niya sa'kin. "someone's wanted to meet with me." animo'y kinikilig na sabi niya rin agad at mabilis na naglakad papunta sa kwarto niya. 

napabuntong hininga na lang din ako sa iniasta niya at agad ko rin na nagets iyon. Ewan ko ba kung hanggang kailan siya ganon.  Pero hindi ko na rin pa kinareer na isipin kung ano ba iyong kasiyahan niya at sa halip ay inintindi ko na lang din ang sakin. 

The Secluded Yore (Flight Attendant Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon