CHAPTER 2: Finding Lucas II

3 0 0
                                    

"Lucas?" kunot noong tugon ni papa

"Sino iyon anak?" pahabol ni mama at bigla silang tumingin sa akin ng sabay

"Saan mo nakuha yang pangalan na yan anak?"

"Sa internet po" palusot ko dahil ayaw kong malaman nila

"Ma, may isa ka pa bang kaibigan maliban sa binanggit mo kanina?" tanong ko nanaman dahil gusto kong malaman ang mga kaagutan sa mga katanungan na tumatakbo sa aking isipan

"Ahhh yung isa, siya naman ay namatay dahil sa kalungkutan kasi yung kaibigan niya at yung asawa niya namatay" paliwanag ni mama

"Ano pong pangalan niya mama?" tanong ko nanaman, sorry na kung tanong ako ng tanong

"Bakit kanina ka pa tanong nang tanong, Gilliane?" wika ni papa at medyo naghinala na sa akin dahil sa kakatanong ko

"Kilala mo ba sila? Bakit napaka interesado mo sa buhay nila?" pahabol ni mama

"Sorry po, curious lang" tugon ko at biglang yumuko baka pagalitan nila ako.

Ilang minuto na ang nakalipas, at nakarating na kami sa aming destinasyon.

"I'll find you Lucas no matter how long it is, I'll never get tired because I love you" nang mabigkas ko ang mga salitang iyan binatukan ako ni papa

"Sino ang Lucas na yan? Crush mo siguro noh? Nasa sementeryo tayo para bisitahin ang mga kaibigan naming ng mama mo, hindi para hanapin yang Lucas na sinasabi mo" wika ni papa at binigyan ako ng matalas na tingin

Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap kay Lucas dahil napakaraming puntod at kailangan ko lang sundan sila mama at papa baka mapagalitan nila ako.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa nila nahahanap ang kanilang kaibigan

"Ma, Pa, Uwi na tayo kanina pa natin hinahanap yung mga kaibigan niyo, baka hindi naman sila nakalibing dito" pagrereklamo ko kasi kanina pa ako naiinitan sayang yung skin care ko

"Manahimik ka Gilliane" sigaw ni papa

Biglang tumingin lahat ng tao sa amin at napatahimik lang kami. Nakakahiyang pangyayari.

Napatahimik nalang din ako at hindi na pa nagsalita muli at tumingin na lamang ako sa aking dinadaanan

Habang naglalakad ako may isa akong nabunggo na lalake tila makaluma ang kaniyang suot

"Ayo tayo pre ahhh, araw ng mga patay ngayon hindi fashion show" pabiro ko sa kaniya

Bigla akong nginitian, kasabay ng pagngiti niya ay may alikabok na dumapo sa aking mata, pagdilat ko ay wala na ang lalakeng kausap ko kanina

"Sino yung nakausap ko?" tugon ko sa aking sarili at bigla akong kinilabutan dahil may malakas na hangin at may paruparo nadumaan sa akin

Sinundan ko ang paru-paro at nagbabakasakaling ituturo niya sa akin ang daan papunta kay Lucas

Habang sinusundan ko ang paru-paro nawala sa isipan ko na sunda sila mama tanging pagsunod lang sa paru-paro ang nasa isipan ko.

Lumipad ng mabilisan ang paru-paro at dumapo sa isang lalake

"Ito na siguro si Lucas" pagbabakasakali ko.

Bigla akong kinurot ng lalake ang aking ilong at pagkadilat ko, si papa pala ito, sa kaniya dumapo ang paru-paro.

"Lucas nanaman, Gilliane"

"Sa susunod nating bisita dito isama mo na si Lucas ahh" pambibiro ng aking mga magulang

"How will I bring him here kung hindi ko naman siya mahanap?" bulong ko sa sarili ko

"Aba, Huwag mo kaming ginaganyan, samahan mo nalang kami magdasal" tugon ni mama at bigla akong napatingin sa kanilang dinadasalan.

Laking gulat ko sa aking nakita

.

.

.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang pangalan sa puntod. Umasa akong baka si Lucas at si Brenon na ang bibisitahin nila mama ngunit hindi pala kaya nanlaki ang aking mga mata

"John Stephen Montefalco"

"Michelle Lin" yan ang mga nakaukit sa lapida nila

"Dasal na po tayo" wika ko

Yumuko ako at pinikit ko ang aking mga mata

Imbes na magdasal ang aking gawin, biglang pumasok sa aking isipan ang nakaraan na ninanais kong balikan.

I saw how Lucas and I died in our past life

Ngunit may mga impormasyon na akong hindi maalala, at yun ay kung saan nilibing ang labi ni Lucas at Katarina.

Tila nabangungot ako sa aking nakita nang bigla akong tinapik ni papa

"Anak, tara na" wika ni mama

Tumahimik ako dahil sa aking mga nakita at napaisip kung paano ko mahahanap si Lucas.

"Paano kita mahahanap?"

"Sino na kaya si Lucas sa aming present life?"

"Hinahanap pa ba ako ni Lucas?"

"Do he exist here?"

"Mahal pa ba niya ako?"

Yan ang mga katanungan na bumabagabag sa akin, gusto kong mahanap yung mga sagot sa aking mga katanungan

Nanatili akong tahimik hanggang sa may nakaramdam na ako ng kakaiba, tila malapit lang si Lucas sa akin

Inikot ko ang aking tingin sa paligid ngunit hindi ko alam kung sino si Lucas sa kanila

Ngunit may isang pumukaw sa aking atensyon, isang lalake na nakaupo sa puntod na walang bumisita, tila pamilyar siya sa aking tingin.

Sinubukan kong alalahanin ang mukha ni Lucas, ngunit ako'y nahihirapan sa mga sandaling iyon

Napapikit lamang ako at hindi ko namamalayan ang pagtulo ng mga luha galling sa aking mata.

Bigla kong nilapitan ang lalakeng pinaghihinalaan kong si Lucas, tila sabik at saya lang ang mga naramdaman ko sa mga oras na iyon

Bago ako lumapit sa kaniya tinignan ko muna ang kaniyang lapida upang makasigurado

Napakadumi ng kaniyang lapida ngunit sinubukan koi tong linisin para malaman ang katotohanan

Kumuha ako ng stick ng Banana Cue galling sa kabilang puntod, para linisan ang mga ruming nakaimbak sa bawat letra ng lapida at tila hindi ako pinapansin ng lalake na nakaupo sa harap ng silid

Napakarumi ito at walang bumisita ni isa. Nalulungkot ako dahil wala nang natitirang nagmamahal sa kaniya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon