Maulap at dama sa malamig na hangin ang nagbabadyang ulan. Habang ako ay nakaupo sa malaking tipak ng nilulumot na bato sa gilid ng sapa, dumagundong sa 'di kalayuan ang kulog.
Naalis nito ang aking atensyon sa mga tutubi at palakang naglalaro sa gilid ng sapa. Napalingon ako sa pinanggalingan ng kulog at nakaramdam ng lamig nang muling umihip ang hangin.
Noon ko lang din napansin ang isang bulaklak ng Chrysanthemum na tumutubo sa may paanan ko lang.
"Sana maging maayos na ang lahat para sa kaniya." banggit ko nang sumagi sa aking isipan ang taong aking natulungan noong isang araw lang, ang Luna ng Chrysanthemum Pack.
Kasabay ng pagdilim ng paligid dulot ng pagtabon ng makakapal na ulap sa sinag ng araw ang pagdilim ng aking expresyon.
If the memories of that kind Luna can make me smile, Chrysanthemum pack's Alpha makes my blood boil in disgust and anger. He is one of the worst. Not only that he is abusing the poor woman, nambababae rin siya.
A wicked grin carved on my face.
Kagaya ng mga naunang Alpha sa kaniya, wala pa rin itong naggawang laban sa aking abilidad na malaman ang pinakamasahol na sikreto ng mga taong kagaya niya.
I have this ability to know the deepest, darkest secrets of werewolves and it only requires one touch—a direct contact with their skin while they're in their wolf form so that this knowledge can transfer to me.
That Alpha's darkest secret is a grave offense against the Werewolf Council. Nagbebenta siya ng lycan syrup, the serum being used to turn humans into werewolves, sa mga mayayamang tao kahit hindi pa sila dumadaan sa compatibility testing.
Sa pamamagitan ng test na 'to, malalaman kung safe na ipaggamit sa isang tao ang lycan syrup. The compatibility test also determines the chance of someone going rogue. They need to be sure for the otherwise lead to death or chaos in the werewolf society.
Hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng samples, bantay sarado kasi ang lycan syrup ng Council. All I know is he has stocks of smuggled lycan syrup from an unknown source and he distributes them illegally. If their Council found out, the conditions I set for him are a hundred times better than the Council's punishment.
Sabihin na lang natin na inutusan ko siyang irespeto at itrato nang napakabuti ang Luna, at sa oras na makarating sa akin na may ginagawa na naman siyang hindi kaaya-aya, maliban sa aking ganti, sisiguraduhin kong Council mismo ang mag-totorture sa kaniya.
I removed my hood revealing my long dark red hair. Buhol-buhol ang mga hibla, wala akong oras mag-ayos ng sarili dahil bakit pa? Para sa akin hindi ito importante. I slightly leaned forward at nakita ko ang repleksyon ng aking mukha sa tubig ng sapa.
My brown eyes blinked back at me and that was when I noticed my pimples increased in number. My lips were crack and dry. Kayumanggi pa rin ang aking balat at pango ang ilong, walang magbabago roon.
Another thing that won't change is the long scar diagonally carved from my nose to my left ear.
"You're not their standards of beauty," I told myself, "But I still love you."
Love yourself, that's the greatest, life-saving lesson every hardship has taught me.
Marami pa akong sugat na hindi naghilom ng maayos, itinatago lang ng aking kasuotan ang karamihan. This one on my face is the most visible, but don't be mistaken, I am no longer ashamed of my scars. They all remind me that I fought up to my very best and it is enough. I treat them as battle scars, each angle beautiful in my eyes.
Ang iba sa mga peklat na 'to ay dulot ng mga Alpha na sinubukan akong kalabanin matapos ko silang pagbantaan. Samantalang ang karamihan naman ay bunga ng aking madugong pagtakas mula sa pack ng dati kong mate.
BINABASA MO ANG
She Who Got Rejected ✔️
WerewolfSTAND-ALONE novel of The Power Assembly series | Completed | Tagalog-English WARNING: Mature. Reader discretion is advised. BLURB: Redemption-the only known human mate who got rejected by a werewolf Alpha. He chose a female werewolf to be his Luna a...