Chapter 6

4.9K 174 3
                                    

"Ah, ganun ba," sagot ko, "Basta kapag nagkaproblema, alam mo na kung sino ang lalapitan." Sinubukan kong ngumiti, I ended up forcing a smile on my face.

Sandy grinned at me again, "That's why idol kita! You're so badass, Red, alam mo 'yon? Anyway," Uminom ako ng tubig upang mapahinahon ang sarili, "Kayo ba ni Alekxus, kailan ang kasal?" I choke and coughed repeatedly.

Hinagod ni Alekxus ang likod ko saying, "There, there...hinay-hinay lang, baby. Ikakasal pa tayo."

Pinagsamaan ko siya ng tingin. Bumaling ako pabalik kay Sandy at seryosong sinabing, "Masamang biro 'yan, Sandy."

The whole pack is aware of my identity as Red Hood and they support my purpose. Naisangla ko na rin ang kwintas na ibinigay ng Luna ng Chrysanthemum Pack.

Sa pamamagitan ng pera na nalikom galing dito kasama ng donasyon na mula mismo sa Oxalis Pack, I'm good to operate until the end of this year without worrying for money I will use to support those who need my help.

May mga pagkakataon kasi na tinutulungan kong magkaroon ng panibagong identity ang mga naabuso, babae man o lalaki, yes, abuse happens on males too, and I don't discriminate. Halos pantay ang dami ng natulungan ko kung kasarian ang pag-uusapan.

At instances like this, maraming papeles na nilalakad at mga bagay na inaayos upang sila'y makatakas at magkaroon ng buhay gamit ang bagong pangalan. Malaking pera ang nagagastos sa mga misyon na 'yon.

Ipinatong na naman ni Alekxus ang braso sa upuan at balak ko sana siyang muling pagbantaan nang biglang may pumasok na gwardiya sa loob ng silid.

Pansin kaagad na guard ito sapagkat nakasuot siya ng gray shirt na may marka ng Oxalis Pack sa may tapat ng kanang parte ng dibdib.

Nanahimik ang lahat, nahinto ang masayang pagdiriwang. Maging ang pagkain ay tila nakalimutan.

All of us stiffened in our seats, preparing for what is to come. There's distress on the guard's face.

Namumutla at pinapag-pawisan ito. Sinundan siya ng tatlong guards na namumutla rin. Unlike the first one, hindi sila pinagpapawisan.

Mukhang malayo pa ang pinanggalingan ng naunang gwardiya. He could be a guard from the outer perimeter of Oxalis Pack's territory.

"Alpha!" tawag ng mga guards sabay yuko bilang paggalang sa pinuno ng pack.

"Speak!" utos ng tatay ni Alekxus.

'Yung gwardiyang pawisan ang nagsalita, "May limang werewolves ang natagpuang patay sa loob ng teritoryo natin, malapit sa border," The werewolves around me growled in disbelief, some in anger, "The bodies are still warm, Alpha, kung sino man ang may kagagawan nito, sinadyang iiwan ang mga bangkay sa ating teritoryo!"

Nagsitayuan na mula sa pagkakaupo ang ibang miyembro. Too many agitated werewolves of Oxalis Pack are raising their concerns and questions at the same time.

At ang nangingibabaw sa mga 'to ay ang mensaheng someone out there is trying to frame us for the death of those werewolves.

May gustong sumira sa malinis na imahe ng Oxalis Pack. Hindi ito ang unang beses na may nainggit sa pack nila Alekxus, but this method, five werewolves dead is so far the worst.

"Silence!" malakas na utos ng Alpha. Bumalik ang kaayusan, isang tensyonadong katahimikan ang bumalot sa silid. "Sit down!" utos pa niya at sumunod naman sila. "Hindi pa siya tapos. Let the guard finish speaking!"

That's what I think too.

"Meron pa?"

"That news is already bad. Hindi pa pala tapos?"

"Whoever did this, we'll make them pay for framing us! Inosente tayo!"

Bulunagan ng ibang pack members.

Nagpatuloy ang gwardiya ng outer perimeter, "Lahat ng patay na werewolf ay miyembro ng isang pack," Everyone cursed, maging ako ay napamura sa aking isipan. "The five dead werewolves are from Oleander Pack."

Nagkagulo na naman sa silid.

It's my turn to turn pale.

Of all packs...

Bakit sila pa?

She Who Got Rejected ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon