chapter 1: Father

7 1 0
                                    

Charol's P.O.V

Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan ni tatay kakatapos lang namin maghapunan. Kung nagtataka kayo kung nasan ang 'ina' ko hindi ko din alam never nabanggit sakin ni tatay yun lumaki ako ng walang aruga ng isang ina. Napakaswerte ko kase hindi ako pinabayaan ng aking ama inalagaan niya ako at pinalaki bilang isang maayos na babae.

"Tay ano pong gusto niyong kunin kong course?"
Napatawa siya

"Alam mo anak susuportahan kita kahit anong gusto mong kuhanin" sagot niya.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig yon mula sa kanya. Hindi ko na kailangang hanapin ang sinasabi nilang ina dahil si tatay palang ay sapat na para tumayong magulang sa akin.

Nagiisa akong anak kaya sobrang close namin ng tatay ko 10 years old palang ako pero mulat na ako sa mundo alam ko na ang nangyayari sa paligid ko. Ang sayang pagmasdan ng mga ngiti niya na animoy walang problema.

"Tay pede po ba magtanong?"

"Ediba nga anak nagtatanong kana" pagbibiro niya at sabay kaming natawa

"Mahal niyo po ba si mama?"

"Masisilang kaba sa mundo kung hindi? Syempre minahal ko siya higit pa sa sarili ko at yon ang pagkakamali ko. Minahal ko siya na hindi ko na naisip kung anong posibleng mangyari sa susunod na mga araw" huminto siya at ang kanina'y ngiti ay napawi sa labi niya

"Hindi ko manlang narinig mula sa labi niya kung mahal niya ba ako. Nabuntis ko siya pero ayaw niya pumayag magpakasal hanggang sa ipinanganak ka na niya at iniwan sa akin umalis siya at hindi na nagpakita sa atin doon ako nagising sa katotohan na hindi niya pala ako mahal." Pagpatuloy niya

Naiiyak ako ramdam ko ang lungkot niya bawat pagbigkas ng kwento mula sa kanilang nakaraan, ngayon niya lang ito nasabi sa akin galit ako sa aking ina hindi niya manlang kami kinamusta pero ayokong magtanim ng sama ng loob gayunpaman dahil ina ko parin siya kahit papaano.

Huminga ng malalim si tatay

"Anak ano kaba matulog kananga at gabi na magsisimba tayo bukas wag mo na pakaisipin ang kinuwento ko sayo mananatiling ala ala nalang ang lahat" pagbasag niya sa katahimikan

Ngumiti ako

"Opo tay, good night"

Umakyat na ako sa aking kwarto. Hindi gaanong malaki ang aming bahay ngunit hindi rin naman maliit pero atleast may sarili kaming bahay at 2 lang naman kaming nakatira dito

Natulog na ako sapagkat tuwing linggo ay nagsisimba kami at pinapasyal ako ni tatay

Kinabukasan nagising ako sa katok ng pinto mula sa baba. Pagkababa ko ay eksaktong binuksan ni tatay ang pinto at may bumungad sa aming mga pulis

"Ikaw ba si marcelo veselli?" Tanong ng iang matangkad na pulis

"Ako nga po anong kailangan nila?" Sagot ni tatay

"May nagsabi sa amin na ikaw daw ang suspect sa pagkamatay ng piskal kaya maaari kaba naming maimbitahan sa prisinto?"

Kinakabahan ako pero hindi ako naniniwalang magagawa yon ni tatay

"Sasama po ako sa inyo ng maayos, at papatunayan na wala akong kasalanan" tumingin si tatay sa akin "anak sasama muna ako sa kanila ha? Babalik agad ako magaral ka muna"

"Tay diba magsisimba pa tayo?" Naluluhang tanong ko

Hindi na nakasagot ang aking ama dahil binitbit na siya ng pulis. Tanaw na tanaw ko sila pero may naiwang isang pulis mukha siyang mabait at lumapit siya sa akin

"Ako nga pala si Jamie vargas. Alam kong napagbintangan lang ang tatay mo pero mahirap malinis ang pangalan niya dahil may kapangyarihan ang nagbintang" sabi niya

Nakaramdam ako ng galit

"Heto, tawagan mo ako pag kailangan mo ng tulong ko"wika niya at sumakay na siya sa kotse at umalis

Lumipas ang gabi at maghapon ay hindi bumabalik si tatay nagaalala na ako sa kanya hindi ako makapasok sa school naisipan kong tawagan si sir jamje baka matulungan nkya ako

Dinial ko yung number niya at kaagad namang may sumagot
"hello po sir kamusta po ang tatay ko?" Pagaalala kong tanong ngunit walàng sumagot sa kabilang linya bigla nitong pinutol ang tawag naiinis ako akala ko tutulungan niya ako

Pakinig kong may dumating na sasakyan kaagad kong binuksan ang pinto at nakita si sir jamie

"Halika sumama ka sa akin may hearing ngayon ang papa mo"

Akalako ay hindi niya ako tutulungan agad naman akong nagbihis at sumama sa kanya hindi ako pamakali tanging iniisip ko lamang ngayon ay ang tatay ko. Nakarating kami sa korte ngunit patapos na ang hearing

"Marcelo Veselli ikaw ay napatunayang guilty sa pagpatay sa piskal na si carlos biden at ang pagkakulong ng pang habang buhay"

Napatingin ang lahat sa akin sa pagbukas ko ng pinto

Naluluha ako sa mga paratang nila sa tatay ko

"Bakit dahil lang napagbintangan siya ng isang lintik na kung sino manyan eh mapapatunayan na siyang guilty? E ano pang silbi ng batas kung hindi rin naman pala mapaparinig ang boses ng isang tao na wala namang kasalanan? Ganyan na ba ang nangyayari sa panahon ngayon basta mataas ka ligtas ka?" Pinagmasdan ko sila ng nagagalit kong mga mata lalo na yung mukhang creepy na witness "tatandaan ko yang mga pagmumukha niyo babalikan ko kayo at lilinisin ang pangalan ng tatay ko" pagpatuloy ko, galit na galit ako sa kanila

Biglang may humawak sa aking mga braso

"Bitawan niyo siya ako na ang bahala sa kanya. Hayaan muna natin siyang makausap ang tatay niya" wika ni sir jamie

Tumakbo ako sa aking ama at agad siyang niyakap ng mahigpit humahagulhol ako sa dibdib niya
"Tay pinapangako ko po sa inyo na papatunayan ko sa kanila na wala kayong kasalanan hindi ko hahayaan na makulong kayo habang buhay" tuloy padin ang pagiyak ko

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya "anak intindihin mo ang sarili mo alalahanin mo ang mga payo ko sayo mawawala muna ako sa tabi mo at tandaan mo na mahal na mahal na mahal na mahal ka ni tatay kahit anong mangyari ha? May tiwala ako sayo aayusin mo ang buhay mo at piliin mo palagi ang tama" may inabot siya sa aking papel at hinila na siya ng mga pulis

"Taaaaayy mahal na mahal kita wag mo papabayaan sarili mo alam kong wala kang kasalanan" hagulhol ko
Halos hindi na ako makahinga ng ayos



At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon