How long are you willing to wait?
That was the only question I asked Bang.
But she did not give any response. Instead, she just looked at me indifferently and handed me a note. And with that, I already had an inkling of what her answer was. I kept mum…and left, disheartened.
As I walk in my lonesome, I realized that I am not really a fan of the so-called LDRs, but I knew I had to give it a chance. I knew we had to give it a try. Maybe. Just maybe it will work for us. But to my dismay, even just the idea of it did not push through with her. She opted to end the relationship.
The note said it all.
Alam mo, ang drama mo lang.
Huh? Sabay tingin ko sa katabi kong hawak ang isang tasang kape.
Ang OA mo kaya. Ang laki mong tao, ang emo mo lang. Dinaig mo pa ako sa pagka emotera. Siguro, deprived ka nung kabataan mo noh? Di ka ba nabigyan ng enough love and appreciation ng parents mo dati?
Tuloy tuloy na sambit ng babaeng nakaupo sa tabi ko.
Excuse me, miss. Ok ka lang? Ako ba ang kausap mo? Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at nagsalita lang ulit.
Minsan kailangan mong ipursue ang taong mahal mo. O kahit na nga yung taong gusto mo pa lang eh…para nalalaman mo kung may chance nga.
Miss, may problema ka ba? Ayos ka lang? Tanong ko ulit.
Tinignan lang niya ako at ngumiti.
Ang ganda ng mga mata niya. Blue.
Kita tayo ulit bukas. Dito. Ituloy natin yang pagdradrama mo.
At umalis nalang siyang bigla. Walang sabi sabi.
Ang weird nung babaeng yun. Sayang. Maganda pa naman.
Binasa ko muli ang mga salitang isinulat ko kani kanina lang. Tama siya. Ang drama ko lang nga. Nakakahiya.
Shit. Nabasa niya yung sinusulat ko?
Ngayon ko lang narealize na yun ang tinutukoy nung babae. Ang slow ko lang.
Inayos ko ang gamit ko. Magsusulat na sana ako ulit ngunit napatigil ako. Naisip ko na naman siya. Tumigil na ang mundo ko. Nagawi ang mga mata ko sa relo malapit sa counter. Alas siyete na pala, uuwi na rin ako.
***
Tumunog ang chimes sa pintuan. Ito na naman ako umeeksena sa loob ng coffee shop. Wala naman akong choice kasi. Hindi ko naman kayang pigilan ang pagtunog ng mga palawit na iyon.
Lumapit ako sa counter at nag order ng paborito kong kape. Walang nakaupo sa usual spot ko. Napangiti ako. Peace and quiet. Makakapagsulat ako ulit. Sa wakas.
Late ka. Kanina pa ako naghihintay dito. Yan ang bungad sa akin nung babaeng katabi ko kahapon. Nandito siya ulit.
Excited akong umupo sa favorite spot ko.
Sinave ko yang seat para sa iyo.
Talaga? Salamat ha. Nagsmile ako sa kanya.
You’re welcome. Game?
Game? Pagtataka ko.
Oo. Ituloy mo na yang pag eemote mo.
Excuse me?