"Goodbye world." Pumikit si Denden unti-unting humakbang sa may ledge ng rooftop na yon. Sumulyap sya sa baba. Isang malalim na hininga ang hinugot nya’t pinakawalan at akmang hahakbang na pahulog nang,
"Aaaaaaah!" bigla syang napaikot at naatras sa sigaw na yon.
"Aaaaaah!" Isang babaeng morena ang umiinom ng alak ang umakyat sa ledge at tila tangka ding magpakamatay. "Ayoko na!" Hinagis nito ang bote at tatalon na sana nang,
"Hoy, teka!teka!" sigaw niya.
"Bakit?!" sigaw ni Alyssa sa kanya.
"Magpapakamatay ka ba?!"
"Obvious ba?!"
"Teka ako muna! Wag kang sasabay! Nauna ako dito!" saad ni Denden.
"Bakit, pagaari mo ba ‘to ha?!"
"Dun ka na lang sa kabilang side! Nauna ako dito eh!"
Inis na sumimangot si Alyssa. “O bilisan mo na! Tumalon ka na!”
Umiwas sya ng tingin at pumikit ulit. Itinaas na nya ang paa nya pero di pa rin sya humahakbang. Napadilat sya nang may humawak sa balikat nya. “Hoy, anong ginagawa mo?!”
"Itutulak na kita! Ang bagal mo eh!" sambit ni Alyssa.
"Aaah! Teka, ayoko! Bitawan mo ‘ko!" lumayo sya rito. "Manyak!"
"Hoy miss! Wag kang feeling ah! Tatalon ka lang ang kupad mo pa!"
"Fine! Sige, mauna ka na!" Niyakap niya ang sarili habang nakatingin sa babaeng gusto nang magpatihulog. Pahakbang na ito nang biglang lumindol at kapwa sila natakot at napababa sa nakaangat na ledge. They ended up sitting on the floor, leaning on the wall, beside each other.
Madali silang nakamove on sa lindol at nagsimula si Denden na humikbi at niyakap ang mga tuhod.
Habang si Alyssa nama’y sinuntok-suntok ang dibdib. “Ang sakit!” sigaw nito. “Sh*t!”
Lalo namang lumakas ang iyak nya sa paglakas ng sigaw nito.
"Wag ka ngang sumigaw!"
"Wag kang umiyak!"
"Di ko kaya. Ang sakit-sakit eh." iyak ni Denden.
"Mas masakit ang nangyari dito." sigaw ni Alyssa sabay turo sa puso nito. "Durog na durog!"
"Akala mo sayo lang ang durog?! Itong sa akin di lang durog, kinuha pa!"
"Kinuha tapos nung binalik basag na basag na." naiiyak na sabi ni Alyssa.
"Ginawa ko lahat para sa kanya." iyak ni Denden. "Yung mga pangarap nya ang pinili ko ding maging pangarap."
"Iniwan ko ang mundo ko para sumama sa mundo niya. Sinuko ko lahat."
"Pero ano ginawa nya? Iniwan niya ko! Binalewala nya lahat, potek!"
"Eh ako? Pinagpalit sa amoy lupa!" galit na sambit ni Alyssa. "Biruin mo yun?! Dun pa talaga?!"
Huminga sya nang malalim at pilit tumigil sa pagiyak. “Baka talagang hindi ka nya mahal.”
"Gaya nung umiwan sa iyo?" tinitigan sya ni Alyssa. "Lumalaki ilong mo pag humihikbi, kaya siguro iniwan ka."
"Mas gusto siguro ng ex mo yung amoy lupa kesa sa amoy dilis."
"Hoy! Sinong amoy dilis?! Isang araw lang ako di nakaligo ah! Dahil iniwan nya ko!"
"Hoy ka rin! Di malaki ang ilong ko ‘no! Baka yang sau! Dumodoble yung size pag sumisigaw ka!"
"Wag mo ngang nililipat sa ‘kin ang kapintasan ng ilong mo!"
Inis silang umirap sa isa’t isa at umiwas ng tingin. Pumagitna ang katahimikan hanggang kapwa sila napabuntong hininga.
“Gaano kayo katagal?” tanong ni Denden kay Alyssa.
"Six months. Kayo?"
"Six months din."
"Third party din?"
"Myembro pala sya ng federation, sira-ulong gumby yon" seryosong sagot ni Denden at biglang napabulalas sa tawa si Alyssa.
"Hoy, wag ka ngang tumawa dyan! Eh yung pinagpalit sa iyo ilang taon?"
"Senior citizen na. January-December love affair. Nakakadiri!"
"Kaya pa bang mambuntis ng ganun katanda?" nagtinginan sila’t kapwa tumawa, nang matagal.
Ngumiti sa kanya si Alyssa pagkatapos. “Bakit ka magpapakamatay sa ganun lang?”
"Eh bakit ikaw?"
"Ginawa ko lang yun para gumaan pakiramdam ko."
"Ako rin. Pero kung natulak mo nga ‘ko kanina, hihilahin talaga kita para pati ikaw mamatay." at nginitian nila ang isa’t isa.
"I’m Alyssa."
"Dennise."
Umakyat ulit sila sa ledge hindi na para magpakamatay kundi umupo at magpahangin. “Balak kong magbakasyon para makalimot.” si Alyssa. “Ikaw?”
"Ganun din. Magpapagupit din ako."
"Effective ba yun?"
"Sabi nila." Tumango-tango si Alyssa. "Sabi din nila, di ka raw makakapagmove on nang ganung kadali. Unti-unti, dahan-dahan, hanggang-"
"Hanggang sa marealize mong di na pala masakit." Ngumiti si Denden at tumango. "Goodluck ah."
"Sa iyo din."
(Makalipas ang isang dekada choss taon lang.)
Pagdilat ni Alyssa ay ngumiti sya sa buong mundo.“Wooohoooo!” sigaw nya sabay taas ng mga kamay. Tumawa sya’t gumaan ang pakiramdam.
"Yaaahooooo!" napalingon sya sa babaeng nakaakyat din sa ledge.
"Goooooogle!" Lumingon si Denden at napangiti sa babaeng lumalapit sa kanya.
"Goooogle!" sigaw nito.
"Yahoooo!" ganti nya. Saka sila nagtawanan. "Mukhang okay ka na ah."
"Kaw din."
"Sabi sayo effective ang magpagupit eh." Nahihiyang ngumiti si Alyssa.
"At maligo."
"Tss!" Nanatili silang nakangiti sa isa’t isa. "Isang taon na."
"Oo nga."
"Open ka nang makipagdate ulit?"
"Hmm..oo, parang." sagot ni Denden. "Ikaw?"
"Actually, kaya nga ako nandito. Nagbakasali na baka…andito din yung balak kong yayaing lumabas." Nagtaas ng kilay si Denden habang nakangiti pa rin.
"Sakto, puwede na syang makipagdate ulit."
"San mo ba sya balak yayain?"
Ngumiti si Alyssa. “Sa puso ko.” Nagtinginan sila’t sabay na nagtawanan.