Nag-angat ng mukha si Denden at tumingin kay Alyssa. “I’m an idiot.” Sambit nito. Saka ito tumayo at sinuklay ang buhok gamit ang kamay nito. “I’m so stupid.”
“Are you drunk?!”
“Alam kong salita lang ang sorry, and it may not be heavy enough to express how deeply and how seriously sorry I am. But I don’t know what to say except from I’m so sorry. I shouldn’t have left.”
“Den umuwi ka na okay? I’m tired and I’m-‘
“No!” sigaw ni Denden. “For once, please Ly, please hear me out!”
“I told you-“
“You hate me, I know! I understand. Pero, pakinggan mo muna ‘ko-“
“Ayokong kausapin ka-‘
“I will do all the talking!” sambit ni Denden. “Fine! Don’t talk to me, but, please…please. Just listen!” Hindi alam ni Alyssa kung bakit sa mga pagkakataong iyo’y tila tinusok ang puso niya habang nakikita niya ang lungkot sa mga mata ni Denden. “I’m sorry. Umalis ako, iniwan kita, and I completely erased myself from your life without leaving any reason why. Hindi ako umalis dahil hindi na kita mahal, umalis ako kasi mahal kita.”
“That doesn’t make any sense-“
“Because I’m not through explaining yet!” mabilis na sagot ni Denden. “Patapusin mo muna ’ko. Okay?” Nanahimik ulit si Alyssa. “Five years ago, you met a lonely girl. A girl who doesn’t have anyone in her life because she ran away from home dahil ayaw niya sa pamilya niya na sobrang sirang-sira na and she chose to be alone. She’s troubled, sick, alcoholic, and aggressive, and she’s wasted. She doesn’t have a life. And you fell in love with her.” Kasabay nun ang pag-iyak ni Denden. “You took care of her and you changed her. Pero after three years, ang hindi mo alam, hindi pa rin siya magaling. Hindi mo nakikita iyong mga bote ng alak na iiniinom ko araw-araw, na kapag gabi nagwawala ako at nagagalit ako nang hindi ko alam kung bakit. Pilit kong hindi pinakita sa iyo na sinsisira ko pa rin ang buhay ko dahil mahal kita at ayokong madamay ka sa ginagawa ko.” And Denden started crying harder. “I was so sick, and you can’t be with me. You deserve better. Hindi mo kailangan makasama ang isang walang kwentang taong tulad ko.”
“Denden. What happened?” And Alyssa’s was finally broken down nang maramdaman niyang may hindi pa sinasabi si Denden sa kanya. Umiiyak lang ito nang umiiyak. “What happened?!” tanong niya ulit.
Denden looked at her. “I almost killed someone.”
“What?!” Hindi nakapagsalita pa si Denden at umiyak na lang siya nang umiyak. Unti-unti siyang hinila ni Alyssa hanggang sa yakapin siya nito.
Dumilat si Denden at saka lang niya na-realize na nakatulog pala siya. Pagbangon niya’y nakita niyang nakahiga siya sa kama ni Alyssa. Tumayo siya’t lumabas ng kuwarto saka niya natanaw na nagluluto sa may kitchen si Alyssa.
Lumapit siya sa may bar at tahimik siyang umupo doon. Hindi siya umimik ngunit naramdaman din ni Alyssa na naroon siya’t kaya nilingon siya nito. Nagtinginan silang dalawa.
“Okay ka na?” tanong nito. Tumango nga lang siya.
“Babalik na ‘ko sa LA.” Biglang sambit ni Denden. “Hindi pa tapos iyong therapy ko eh, ang totoo tumakas lang ako…para makita ka.”
“Were you in rehab?” tanong ni Alyssa umiling si Denden.
“Hindi. Sa bahay lang. Nung umalis ako last two years, bumalik ako kina Papa. And after a month, nag-start iyong therapy ko. I wasn’t able to call you or even send you and email because I wasn’t allowed.”
“Part of the therapy?” Tumango ulit si Denden.
Napabuntong-hininga si Alyssa saka nito pinatay ang stove at muling hinarap si Denden.
“Iyong taong-“
“Hindi ko alam kung paano naayos ni Papa iyong kaso. Hindi ako hinanap ng mga pulis.”
“Why didn’t you tell me?” si Alyssa. “We were together for three years Den, why didn’t you tell me? All along akala ko okay ka na, na masaya ka sa ‘kin-“
“Masaya ako sa iyo Ly.”
“Bakit hindi ko man lang nalaman na may sakit ka? Why didn’t you tell me?! why?!”
“Dahil ayaw kong masira ang buhay mo.”
“What?”
“You’re a good person. A very good daughter, edukado, mahal ng maraming tao, napakaayos ng buhay mo at ayokong dahil sa ‘kin masira lahat iyon.”
“But I love you!” sambit ni Alyssa sabay lapit kay Denden. “At kahit lasengga ka pa, nerbyosa ka, lagi kang nawawala sa sarili mo, lagi kang galit, kung anu-ano ginagawa mo, I will never leave you! I will stay with you no matter what, you know that!”
“But you don’t need to do that!”
“What’s that supposed to mean!”
“Hindi ako gagaling ng kasama ka.” Sagot ni Denden. Napakunot-noo si Alyssa.
“At gagaling ka nang ikaw lang mag-isa?”
“Bumalik na ‘ko sa pamilya ko, tinutulungan nila ako.”
“Kaya ko din namang tulungan ka Den!” Umiling-iling si Denden. Tumayo siya’t lumapit kay Alyssa.
“Alam mo? Mahal na mahal kita. Ikaw ang gusto kong makita sa bawat paggising ko. Gusto ko, boses mo huli kong maririnig bago ako matulog. Gusto ko lagi kitang kasama.” At umiyak na naman siya habang hinahaplos niya ang mukha ni Alyssa. “Pero hindi tulad ko ang kailangan mo sa buhay mo. Hindi kita kayang alagaan.”
“Ikaw ang kailangan ko Denden.” Mahinang sambit ni Alyssa. “Kailangan kita sa tabi ko. I miss you so much.”
Denden wiped Alyssa’s tears and she tried to smile. “Isang araw, darating din iyong taong kayang gawin ang lahat ng hindi ko nagawa at hindi ko magagawa. Iyong taong hindi ka iiwan, hindi matatakot, hindi ka sasaktan.” Umiling-iling si Alyssa.
“You’re not leaving me again!” diin ni Alyssa.
“I’m so sorry. I love you. But I-“ hindi na natuloy ni Denden ang sinasabi niya nang biglang sakupin ng mga labi ni Alyssa ang mga labi niya. At kapwa na rin nila ginusto ang sunod na nangyari.
……………………..