JOURNEY 32

12 1 30
                                    

Chapter 32

Left alone

24th of july, and I am here standing in front of my old school when I was in high school.

Yes, two years had passed and I am now a college student but still not giving up on waiting and finding Vans. Dalawang taon na rin siyang wala, walang paramdam kahit isang tuldok lang na text. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kinakaya ko pa rin na wala siya.

But I am not losing any hope here, I am still waiting Vans and I am getting nervous because I think he really got inside together with Ma'am Elice.

Sana... hindi.

Pero mula rin noong magpaalam si ma'am Elice na mag sick leave siya, hindi na rin siya nagpakita sa school. Hindi naman ito naging big deal sa iba. Sa'kin lang talaga kasi iyon na lang ang dahilan kung bakit biglang nawala si Vans.

For the years had passed inisip ko na, na kasama niya lang ang kuya niya kaya siya biglang nawala. That he... met another woman kaya hindi na niya ako naisip na tawagan.

I know masakit isipin na ganoon nga ang nangyari. Pero mas masakit kung iisipin ko na nakulong siya sa story na ginawa ko. And there's no escape anymore.

Lalo na dahil ang taong importante sa akin, the only person who's beside me all the time and the person I love the most suddenly gone. Sinong hindi masasaktan doon, it's like someone took the other half of my body.

I am losing my mind now. Biglang nagtubig na naman ang mata ko. Sa loob ng dalawang taon sinubukan kong hindi siya isipin. I diverted my mind on other stuffs, ginawa kong maging busy ang sarili ko sa school. Nakipag kaibigan ako sa marami, I also became an author in a lot of writing platforms.

Pero totoo nga na kapag mahal mo ang isang tao, lalabas at lalabas pa rin siya sa isip mo. And Vans will never be gone in my memory. Nakaukit na siya sa puso at isip ko, hinding hindi na mabubura iyon.

Kaya rin siguro hindi ko na mabuksan ang puso ko sa ibang tao na nag try na ligawan ako. Until now... he is still the only one.

Now, it's summer break. Vans malapit na akong mag third year college. Please, magpakita ka na.

Lord, give me some hope... kasi kaunti nalang po... mawawalan na ako ng pag-asa.

Ngayong may free time ako, sinubukan kong bumisita sa school namin dati. I want to reminisce our memories together here, especially doon sa lugar na madalas naming tambayan ni Vans. Kung saan ko siya huling nakasama. Oo, sasaktan ko lang ang sarili ko dito but I want to do it. Kahit ngayon lang.

Pero nang makarating ako sa harap ng library, naisip ko rin na humiram ng libro.

“Narizz, hija? Ikaw na ba iyan?” The woman beside me, broke the silence of the whole room when I heard her spoke beside me.

Nakatayo na ako sa bukana ng pintuan papasok sa loob ng library. Naghahalong amoy ng mga lumang libro at bagong labas na mga libro sa box ang bubungad sa iyo. I miss this feeling, may library rin naman sa school namin ngayon pero mas gusto ko pa rin ang feeling dito.

Tumingin ako sa nagsalita at bumungad sa akin si Ma’am Priscilla na siyang librarian dito. Maraming nagbago sa kanya. Mas lalong dumami ang dating kakaunti niya lang na wrinkles sa mukha at mas tumingkad ang kulay puti niyang buhok.

“Hello po, kamusta po kayo?” bati ko sa kanya sa mahinang boses. Kilala niya na rin kasi kami at lagi nga kaming nagagawi rito ni Vans noon.

“Okay pa rin naman hija, malapit na akong magritiro, buti at naabutan mo pa ako dito. Hindi kaagad kita nakilala, mas lalo kang gumanda.” Uminit ang pisngi ko sa huli kong narinig.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon