Minah's POV:
Malapit na ang summer kaya lulubos-lubusin ko na ang mga oras na makasama ang mga classmates ko lalung-lalo na mga friends ko. Sa susunod kasi na pasukan ay hahantong na ako sa 1st year College. Ewan ko ba sa kanila kung saan sila magco-college! Matanong nga mamaya.
Habang ako ay nagbibihis para sa school, nakikinig naman ako sa radio. Relate ako sa naging experience ng isang babae dun.
"Alam nyo ba yung feeling na may nagka crush sa inyo dati? Tapos narinig mo pa na sinabi niyang forever crush ka niya?" medyo mangiyak-ngiyak pa niyang sabi.
"At tsaka mo lang narealize na inlove ka na pala sa kanya after those 3 years. Narealize mo nga , tiyempo namang nagkaroon na siya ng girlfriend. Nagkataon pa na bestfriend mo." sabi niya
"Hahahahahaha!!" natawa ako kasi ganun din ang nangyari sakin noong grade 6 pa ako. Pero kalimutan na natin yun...
Well, well, well.. Hindi pa pala ako nakakapag - introfuce. Ako nga pala si Minah Gonzales Rosales. Nag-aaral sa isang sikat na school, ang Chromosome University. Sabi nila, kakaiba daw ako na nerd. Kahit na panay ang pagstu-study ko, nagbibigay pa rin ako ng time sa pakikipagkaibigan at pagcocomunicate sa iba. Ayaw ko rin naman na mabuhay ng walang friends nuh! I dont like it!
Pagtingin ko sa clock, nanlaki mga mata ko sa sobrang gulat! 7:30 na pala!! Napahaba ata pagkukwento ko sa inyo.
Pababa na ako ng hagdan nang may kausap si mama. Yun pala driver namin.
"Ihatid mo ulit si Minah ng safe, Manong ah. Alam mo naman nag-iisang anak lang yan." narinig kong pag-uusap nila mama at Manong Ben, driver namin. Halata naman diba?
"Oo naman po Ma'am Denise! At your service!" sabay saludo niyo kay mama. "Ako na po bahala sa anak ninyo."
"Mabuti naman. O siya . Nasaan na ba yun- Ay! Nandito ka na pala, Minah. Ang tagal mo naman."
"Sorry po ma. Hehe." patawa kong sabi.
"Ma'am mauna na po kami." singit ni Manong Ben.
"Sige. Mag-iingat kayo ha?"
"Bye ma.." sabay halik ko sa pisngi ni mama.
_______________
"Si Sir Vincent po pala ay maagang umalis. May emergency meeting daw." sabi ni Manong Ben. Nasa sasakyan na kami papunta sa school.
"Ahh, ganun po ba? Uhmm, Manong pwede pakibilisan ng konti? Mala-late na po kasi ako eh." request kong sagot.
"Naku! Malalagot po ako nyan. Alam nyo naman po siguro si Ma'am Denise."
"Sige po. Basta pakibilisan lang."
__________________
Pagbaba ko sa sasakyan namin, nagpaalam na ako kay Manong.
Dali-dali akong pumunta sa classroom ko. Timing naman at nagpe-pray na sila.
Pagkatapos ng Prayer ay pumunta na ako kaagad sa sit ko, nasa may pinakagitna sa pangalawang row.
"Okay class, let's check your attendance. Hmmmm..." sabi ni Ms. Vina Reyes aka Ms. V sabay ngiwi sa bibig nito.
"I think nobody is absent for today. Before I forgot, Ms. Minah, why are you late? Siguraduhin mong hindi na ito mauulit sa susunod, Understood?"
"Yes, Miss."
Pagkatapos ay nagstart na ang klase namin with Ms. V.
>>>>>>>>>>>>>
After ng encounter ng iba't ibang subjects, break na rin namin. Pumunta agad ako sa cafeteria kasama ang mga close friends ko.
"Ui Minah may naiintindihan ka ba kanina?" sabi ni Gwyneth.
"Oo naman. Bakit hindi mo ba na-gets mga sinabi ni Ms. V kanina?"
"Wala nga eh! Magpapaturo na lang kami kay Papa Dwaine! Diba Gwyneth? Hihihi!!" sabi ni Marie.
"Huh?!"
"Hahaha!! Sabay pa talaga kayo ni Lloyd ah!" sabi ni Gwyneth
"Bahala na. Pero seryoso ba kayo na magpapaturo kayo kay Dwaine??" tanong ni Lloyd
"Oo nga!! Bakit kayo magpapaturo dun Eh palakopya nga yun kaya malaki ang kuha sa mga test." sabi ko
"Ano sabi mo?" Gwyneth
"WALA!" sigaw ko. Yan tuloy nagtinginan mga tao sa akin dito.
Nagring na ang bell kaya lahat kami nagsibalikan na sa mga classroom namin.
"Ui Minah!"
"AY KABAYO! Ano kaba naman Marie! Wag kang manggulat!"
"Hindi kaya kita ginulat. Sinagawan lang kita. Teka lang, pa'no mo naman nasabi na palakopya si Dwaine?"
"Nahuli ko yan dati sumisilip sa papel ko nung nag-exam tayo. Kaya ayun malaki naging kuha nya sa exam. 97/100 score niya while yung sa akin 98/100. Sarap nga sapakin eh!"
"Ah ganun ba? Ow-kay! :)"
Tsk. Iba talaga ang babaeng to. Minsan TAMA, Minsan may TAMA. Tsk . tsk . >__<
(The Next Day)
"Ui. Ikaw si Minah diba? Yung matalino dito sa 'buong' klase? Paggawa naman ng assignment oh!"
Aba, inuutusan ba 'ko nito? Tapos in-emphasize pa niya ang word na Buong?! Tss.. Kapal ng mukha!
"For your information hindi ako gagawa ng assignment mo dahil sayo yan at wala kang karapatan para ibagsak ang mga pagkalaki-laki na mga libro sa desk ko!!"
Alam nyo ba kung ano ang isinagot nya? Ganito lang naman yun.
"Tsk. Smartass~!"
"Better than you, Stupid Dumbass!"
Buti na lang talaga at dumating na ang teacher namin kundi sinipa ko na ang gagong yun papuntang Pluto.
"Okay class. Our lesson for the today is all about Rendezvous. What comes into your mind when you heard the word 'Rendezvous'?
"Ma'am!"
"Yes, Jun?"
"I think ma'am Rendezvous is our lesson for today."
"Hahahahahahhahah!!!"
Habang tumatawa kami ito naman si Dwaine hirap na hirap sa paggawa ng assignment niya.
"Class stop that!"
Laking gulat ko na lang nang makita si Ma'am na nakatingin sa amin ni Dwaine (na hirap na hirap sa pagsagot sa mga katanungan sa assignment namin na very easy).
"Excuse me Mr. Marasigan. I think you are having a hard time in making your assignment. So I request Ms. Rosales to tutor you this lunch time."
Whahaha! Buti nga at nakita rin ni Ma'am ang paghihirap niya- Teka lang pangalan ko yun ah.
"I will repeat, Ms. Rosales tutor Mr. Marasigan because he is having a hard time in his studies. You get it?"
"What?! No way!!" x:(
________________________
Hello po. Sorry kung matagal po ako naka-update. Walang internet connection tapos busy pa sa activities sa school.
A/N: Ano na kaya ang mangyayari sa dalawa? Itu- tutor ba ni Minah si Dwaine? Magkakaayos kaya ang dalawa? Magiging bestfriend na ba sila?

BINABASA MO ANG
My Loving Bestfriend
FanfictionIsang Cold Guy na magiging bestfriend ang isang madaldal na nerd, paano kaya yun? At sa pagtagal ng maraming panahon, or specifically taon, araw, hours and minutes, posible nga ba'ng may magkadevelopan ng feelings?