O kay lamig ng hangin aking sinta
Na humahaplos sa aking balat
Kasing lamig ng iyong mga mata
Na kasinglalim ng pinakamalalim na dagat
Sa ilalim ng kumikislap na ilaw
Hawak mo ang aking mga kamay
Nakakulong sa tugtog at sayaw
ang ating mga pusong walang malay
Sa bawat hakbang patungo sayo
Ay siya ring pag-atras ng iyong paa
Lalapit ako at ika'y lalayo
humahabol sa daloy ng musika
Sa ritmo ng sayaw tayo'y sumasabay
Tahimik na sa isa't isa'y lumalapit
Sana'y ang sayaw ay para ring buhay
Makatotohanan, at hindi kailangang ipilit
Hangga't hawak mo ang aking kamay sinta
Abutin man ng umaga, isasayaw kita

BINABASA MO ANG
Dapit-Umaga (Mga Tula)
PoetryIsang koleksyon ng mga tulang sulat ng kamay na nanginginig at nangangatal, Sulat sa Dapit-Umaga, mula sa puso, mula sa simula at magtatagal