Labimpito

87 0 0
                                        

(Inspired by Troye Sivan's Seventeen)

Masyado pang maaga para sumikat ang araw
At ang aking langit ay hindi pa handa
Ngunit sa aking mga mata'y malinaw
Na ikaw ang gustong makasama

Sa paglaki ay nakapikit ang mga mata
At sa pagtanda'y umiiwas sa liwanag
Na wari'y hindi maintindihan ang nadarama-
Isang tagpong hindi maipaliwanag

Subalit ang sabi mo, "ang gusto ay gusto,
Kahit ipagkait ay siyang hahanapin.
Hindi man kailangan ay hinahanap ng puso
At balang araw ay matatanggap din."

At sa tagpong iyon ay nagkakulay ang mundo
Kinulayan ng iyong mga tingin at mga ngiti
Sa huli ay malalaman at maiintidihan ang totoo
Walang araw o oras ang makakapagsabi

Dahil labimpito ang taong hinintay ko
Maaga man ngunit tunay ang pag ibig na ito

Dapit-Umaga (Mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon