First chappy 😘. ENJOY !!!
~~~~~~~~~~~~
Late na naman ako! Tae kasing alarm clock, walang kwenta, di marunong gumising ng tao! Naging alarm clock pa siya! By the way, highway (corny!)
Ako nga pala si Red. Isang IT intern sa isang maliit na kompanya dito sa amin sa Negros Oriental.
Yun lang, di na po ako magpapakilala ng husto kasi di naman po magtatagal ang kwento na ito. Hahaha!
Hala, lumagpas na pala ako.
"Manong, pake tapak po ng break!". Sigaw ko.
"Ikaw talaga Red, bilib talaga ako sa para mo. Hahaha!". Sabi ni Manong Drayber.
"Ganyan talaga yan Manong. Salamat po!".
Bumaba na ako at pumasok sa office namin.
"Good morning Miss Red! Late ka na naman ha? Lagot ka na naman kay Boss niyan." Sabi ni Manong Guard.
"Good morning rin po. Oo nga po eh. Si alarm clock kasi.". Sabay biometrics ko.
"Hahaha! Ok lang yan. Sige na umakyat ka na baka mas mapagalitan ka pa niyan."
"Sige po Manong. Good day po." Sabay lakad takbo ko.
Ok. Ready ka na Red? Mahabang bakbakan na naman ito kay Boss. Lumalakad na ako papunta sa table ko sabay yumuyuko para hindi ako makita ni Boss. Hihihi!
Blag!!!
"Awww!!! Ang sakit." Grabe yung impact ha. Masakit sa pwet.
"Are you alright Miss? I'm very sorry." Ang ganda ng boses niya. *pagtingala* Oh Em! Ang gwapo niya. Ang kinis ng face, matangos yung ilong at ang LEPS! Nakaka-temp! Hahaha!
"Miss? Excuse me? Are you alright?". Sabay wave-wave ng kamay niya.
"A-a-ahhh!!! Yeah!! I'm alright, thank you!!". With my pa-cute smile. Hihihi!
"Oww. I'm very sorry again." Pahinging paumanhin niya ulit. Pinatayo na niya ako.
"It's alright. Di naman ako masyadong nasaktan." Weh? Di nga?
"Ok. By the way, I'm Ronilo Penade, bagong intern dito sa company niyo. Isa akong Accountancy student" Sabay abot niya ng kamay.
"A-ahh!! Ganun ba, parehas pala tayong intern dito pero isang IT student ako. Ako nga pala si Red. Nice to meet you." Inabot ko yung kamay niya. My Gosh, ang lambot te! Hahaha!
"Wow! Nice name. Nice to meet you too. I have to go, inutusan pa pala ako. Hehehe!" Kinamot niya yung batok niya.
"Oww. Ok, bye!" Nag wave na ako sa kanya at tumakbo na siya. Ang gwapo niya! Ang nice din daw ng name ko sabi niya. Oh Em!
Pagdating ko sa table ko para akong baliw kasi nakatulala lang ako. Nakaka-baliw yung kagwapuhan niya talaga. Hahaha!
"Hoy!! Tulala ka na naman jan with matching nakanganga ka pa halos tumulo na yang laway mo oh! Yuck!! Kadiri to. Ano bang nangyayari sayo?" Si Love, ka-intern ko pero magkaiba kami ng course. Psychology student sya. Siya lang din yung close ko dito.
"Hayyy. Love, ang gwapo kasi niya." Daydreaming kong sabi.
"Sino? Yung bagong intern dito noh? Sino nga yun? Si Ro-- Roli-- Rinoli ba yun?"
"Ronilo! Ang ganda ng pangalan niya, binabantot mo." Sabay hampas ko sa kanya.
"Aray naman! Galit ka na nyan. Basta yun na yun pero tama ka gwapo nga siya."
"Gwapo talaga. May bagong crush na ako Love!" Excited kong sabi.
"Heh! Mamaya ka na mag daydreaming at pa crush-crush na yan. Late ka na naman."
"Oo nga eh. Nanjan na ba si Boss?" Sabay silip sa office ni Boss.
"Wala! Buti nga wala siya, may business meeting daw sa Davao. Kung nandito yun sasabihin na talaga nun na quota kana. Straight 3 days ba namang late." Pinagdilatan ba naman ako. Hmp!
"Ehh! Yung alarm clock ko kasi di na naman ako ginising. Yan tuloy *pout*" Pa-cute kong sabi. Buti nalang wala si Boss. Hihihi!
"Eww. Tigilin mo nga yang kaka-pout mo, di bagay. Para kang butiki!! Hahaha!" Kung makalait naman to. Hmp!
"Tse! Mag trabaho na nga lang tayo." Sabi ko.
***
Few weeks later ...
Hahays. Grabe naman yung unang pagkikita at pag-uusap namin ni Ronilo, yun na rin pala ang huli. Ano ba yan. Di na kami nagkausap ulit kasi medyo busy siya then nakakahiya naman kung biglang-bigla na lang akong kakausap sa kanya, parang feeling close ko lang. Hehehe! Hanggang tingin na lang ba ako nito? Kelan kaya kami ulit magkaka-usap? *big sigh*
"Red!"
"Ay! Ambot sa kambing na naay bangs! Ano ka ba Love! Para kang sira! Bakit ka ba nanggugulat? Gusto mong atakihin ako sa puso!?" Para talaga tong sira si Love.
"Hahaha! Ikaw kasi kanina ka pa tinatawag ni crush mo-- este ni Ronilo."
"Sige tawa pa. Pwede mo naman akong-- ano? Sino?"
"Si Ronilo oh" Sabay nguso niya kay Ronilo. Tinignan ko naman.
"Ay, bakit pala?" Gosh!! Kanina ko lang hiniling na sana mapansin niya ako. Ikaw naman Lord masyado kang halata na labs mo talaga ako. Hihihi!
"Sabi ko tinatawag ka ni Boss. Sino ba yang iniisip mo at tulala ka jan?" sabay ngiti niya sakin. Ang ganda ng ngipin niya ang puputi.
"A-ahh! Ikaw-- este wala naman. Hehehe! Bakit ako tinatawag ni Boss?". Tanong ko sa kanya. Tae na dila. Argh!
"Itatanong ko lang Miss Red kung ano ang magandang movie ngayon?" Ay! Ito naman si Boss bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Ahhh! Nakakagulat ka naman Boss." Sabay tapik ko sa dibdib ko. Hmp!
"Ganun po ba, ahmm? Ah! Rurouni Kenshin 3 Boss. Maganda yan. Bakit po pala?"
"Ganun ba? Manonood tayo, ang boring kasi. Sandali lang, mapapanood na ba yan online?" Chineck ni Boss kung meron na ba. Amazing! Hahaha! Ang galing ni Boss kahit office hours nag-aayang manood ng movie. Hahaha!
"Kung wala pa. Eh di, Rurouni-lo nalang." Bulong ni crush. Hanu daw?
"Rurouni-lo nalang daw Boss. Hahaha!" Sabi ng kasama namin.
LOADING ....
(LAUGHTRIP!)
Hahaha! Tawa kaming lahat. Para siyang sira, di halatang joker siya. Pero kahit corny ok lang bawi naman sa kagwapuhan. Hihihi! Ang landi ko 😜.
"Sira ka talaga Ronilo!! Ang corny mo! Hahaha!!" Sigaw sa kanya ni Boss.
"Corny nga pero tumawa naman kayo. Hahaha!!" Sagot naman ni crush.
"Di kami sa joke natawa. Sayo kami natawa, ang corny mo. Hahaha!!" Sagot naman ni Love.
Hahaha! Ang saya namin. Napuno ng tawanan yung office namin. Di na nga kami nakapanood ng movie kasi bumabanat ng jokes itong si crush na ang ko-corny naman. Hihihi!
~~~~
"Love! Sabay na tayo." Habol ko kay Love. Pauwi na kasi kami.
"Ah! Ate Red, pwede pong sumabay?" Sabi ni crush. Ano daw?
Sasabay siya!?
Teka lang, ATE!!?
"Ano sabi mo Ronilo?" Parang may mali yata dun ha. Baka hindi ko lang narinig ng maayos yung sinabi niya.
"Pwede ba akong sumabay sa pag-uwi ninyo ni Miss Love?" Tanong niya ulit.
"Hindi! Anong tawag mo sakin?" Subukan mo lang tawagin ako ulit ng ATE. Kukutungan kita sa eyeballs mo! Kay Love, MISS tapos sakin ATE!
"Ate Red! Bakit, mali ba? Diba Red naman yung pangalan mo?" Sabi na nga ba!
~~~~~~~~~~
May 2 chapters pa guys. Edit2 muna si aketch. Hahaha! Thank you 😍. Lab lab LittleRedYasha neechan 😘.
BINABASA MO ANG
ATEZONED
RomanceNa ATEZONED kana ba? Yung feeling na crush na crush mo siya pero ATE ang tawag niya sayo? Hahai, buhay parang life.