ATEZONED CHAPPY 3 & LAST CHAPPY

153 8 4
                                    

This is the last chapter guys! Hope you liked it and ENJOY :D!

~~~~~~~~~~

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at sinalampak ko agad yung mukha ko sa unan. Masakit talaga, hindi lang yung may girlfriend na pala siya kundi tinawag pa niya akong ATE 😭. Pati rin yata yung pagsalampak ko sa unan, napasobra yata ako. Hahaha!

Paano ko kaya siya haharapin bukas? Papansinin ko pa kaya siya o iiwasan nalang? Argh! Di ko alam ang gagawin ko kasi baka pag nagkausap kami or kahit siguro nagkaharap lang, tutulo na yung luha ko. Huhuhu!

Bahala na si batman! Sana makatulog ako ngayon kahit iyak ako ng iyak 😭.

***

Grabe! Di talaga ako nakatulog kagabi. Magang maga yung mga mata ko sa kakaiyak. Buti nalang kahit puyat, di naman ako nalate. Kung pwede nga lang hindi ako papasok pero hindi pwede kasi marami akong tatapusing trabaho ngayon. Patapos na kasi yung internship ko.

"Oh Miss Love! Di ka na late pero anong nangyari sayo? Bakit ganyan yang mga mata mo, magang maga?" Si Manong Guard.

"Hehehe! Nakaka-iyak kasi yung pinanood kung kdrama kagabi Manong, napa sobra yata yung iyak ko. Hehehe!" Plastik kung sagot at tawa kay Manong Guard.

"Naku! Ganyan din yung anak ko. Ok lang yan Miss Red. Akyat na po kayo." Tumango ako kay Manong Guard at nagsimula ng maglakad.

"Mamahalin ka rin no'n." Sabi ni Manong Guard.

"Po? Ano po ulit yun? Di ko po kasi masyadong narinig." Pero di na ako sinagot ni Manong, tumalikod na siya sakin. Huh? Ano ba yun?

Bakit yun nasabi ni Manong Guard? Baka di yun para sakin. Assuming lang ako masyado. Hahaha!

Pagpasok ko sa office at pagsinu-swerte ka nga naman.

"Ate Red! Good morning!" Kainis ang mokong na gwapong ito. Ngumiti lang ako sa kanya at nagmadaling pumunta sa table ko.

"Uy Ate Red, yun lang yung bati mo sakin? Ang ganda ng pagkakasabi ko sayo ng good morning tapos ngiti mo lang yung sagot mo? Tapos bakit magang maga yang mga mata mo Ate?" Nagmamaktol na sabi niya.

"Eh di, good morning rin Ronilo. Ok na? Huwag munang pakialaman yung mata ko. Sige na pumunta kana sa table mo marami pa akong gagawin." Lumungkot yung mukha niya at parang may sasabihin pa pero umalis na lang siya. Napasobra na naman yata ako 😭.

***

Hay salamat at tapos na rin ako. Tamang tama lunch time na namin. Tinignan ko yung table ni Ronilo pero wala siya dun. Saan kaya yun pumunta? Aayain ko sana siyang mag lunch at ililibre ko na rin para pang peace offering ko sa ginawa ko kanya kanina. Hehehe! Hindi rin nakatiis eh. Hahaha!

"Love, lunch na tayo?" Aya ko kay Love habang nagliligpit ng mga gamit ko.

"Sige! San tayo kakain?" Tanong niya habang nagliligpit na rin.

"Dyan lang sa canteen. Napansin mo ba si Ronilo, Love? Bakit wala siya sa table niya?"

"Ha? Di mo alam Red, last na niyang ngayong araw na ito at nakita ko bago lang, umalis na si Ronilo dala-dala niya yung mga gamit niya." What the!

"Ano! Bakit? Bago lang ba?" Nagpa-panic kong sabi.

"Oo. Kasi sabi niya-- Hoy! Saan ka ba?" Di ko na siya pinatapos magsalita kasi baka di ko na mahabol si Ronilo. Di pa ako nakakapagsorry at kahit hindi niya suklian yung pagmamahal ko ok lang at least umamin ako. Charot! Hahaha! Alam ko masyadong mabilis pero di naman siguro nasusukat ang pagmamahal sa isang tao sa haba ng pagkakilala ninyo. Charot ulit! Hahaha!

ATEZONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon