ENJOY :D!
~~~~~~~~
"ANO!? ATE RED!?" Alam mo yung parang lalabas na yung ugat mo sa noo kasi tinawag ka niyang ATE!
"O-oo. Ba-bakit ba? Tama naman ako diba? Miss Love, diba Red naman talaga yung pangalan niya? Bakit ka ba nagagalit?" Natatakot niyang sabi. Kainis tung gwapong to!
"Hahaha! Oo, tama ka Ron. ATE Red ang pangalan niya. Hahaha!" Sagot naman ng bruhang Love nato. Diniin pa talaga yung ATE. Ang lakas pang tumawa. KAINIS!
"Excuse me Mr. Ronilo Penada!!! Ba--"
"Bakit dadaan ka Ate Red? Sige, daan ka lang." Tumabi talaga sya sa daan na parang pinapadaan niya talaga ako. Ang mokong nato!
"Hahaha! Ikaw na talaga Ronilo!" Kantiyaw naman nitong si Love.
"Tse!" Sigaw ko kay Love. Tawa pa rin ng tawa. Binalingan ko ulit ang mokong na gwapo. Naku! Kung di lang ako nasasayangan sa mukha nito kanina ko pa ito sinapak, binatukan, tinadyakan ng mga HALIK KO. Charot! Hahaha! Back to ATE part.
"Hoy! Ikaw ha! Pilosopo ka! Di pa ako tapos! Bakit mo ako tinatawag na ATE kung maka ATE ka parang ang tanda ko na sayo ah! Eh sa pagkaka-alam ko 11 months lang ang agwat natin!" Sinigawan ko na talaga siya. Ang sakit sa bangs! Tawagin ka ba namang ATE ng crush mo! Kunti nalang mapipigtas na talaga yung ugat ko sa leeg sa lakas ng sigaw ko.
"Ahhh! Hahaha! Akala ko kung ano na ang ikinagagalit mo, yun lang pala. Syempre 1 month nalang 1 year na ang agwat natin malamang mag ATE talaga ako sayo. Respeto yun sayo!"
"Pero teka nga, hmmm? Paano mo nalaman na 11 months ang agwat natin? Di naman tayo ganun nagkaka-usap ha. Ngayon nga lang ulit. Ikaw Ate Red ha, CRUSH mo ko noh?". Shet!
"A-anong pinagsasabi mo jan Ro-ronilo! Crush agad! Di kita crush ha! Ba-bakit naman ako magkaka crush sayo eh hindi ka naman gwapo, hindi ka matangkad at hindi talaga kita type!" Shet! Mabubuking pa ako nito.
"Uyyy, defensive ka masyado. Talaga hindi mo ko type?" Sabay lapit ng mukha niya sakin. Shet! Ang bango ng hininga niya at ang LEPS ulit!
"Hi-hindi nga! Pwede ba lumayo ka nga!" Tinulak ko sya sa dibdib. Hihihi! Sabay tsansing na rin, infernes matigas. Shet! Ang landi ko!
"Hahaha! Bakit ka nagba-blush?" Lumapit ulit yung mukha niya at hinawakan niya na yung pisngi ko. Shet! Ika-ilang shet ko na ba ito? Shet ulit!
"Ga-ganyan talaga yung mu-mukha ko. Na-naparami siguro yung blush on ko-ko. Para ka talagang sira. Sapakin kaya ki-kita!" Shet! Ang walang hiya talaga nito.
"Hmmm? Talaga? Kaya mo? Kung halikan na lang kaya kita?" Sabay
LAPIT
LAPIT
LAPIT
LAPIT
Kunti nalang talaga, pagkakataon ko na ito ng--
"Roni ko!" Sino yun? Lumayo siya at ang pinakamasakit--
"Honey ko!" Sabay lapit kay girl at kiniss niya sa cheeks 😭.
"Bakit ka nandito Honey? Diba dapat susunduin kita ngayon? 4:15 palang ha. Diba 5:30 pa yung uwian mo?" At nag landian na sila sa harap namin. Argh! Mga PDA!
"Wala daw kasi yung Prof. sa last class namin kaya pumunta nalang ako dito para i-surprise ka. Hehehe!" Sabi ni girl.
"Ikaw talaga." Sagot ni Ron. Sabay ipit ng buhok ni girl sa tenga niya at ang PINAKAMASAKIT EVER SA LAHAT. Kiniss niya sa noo 😭.
"A-aah! Ate Red si ano pala--"
"A-ahh! Si-sige Ronilo una na kami ni Love, tutal nandito na pala yung girlfriend mo. Nakakahiya naman kung sasabay pa kami. Si-sige babye!" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Tumalikod na ako at hinatak si Love na walang kamalay malay sa mga sumunod na pangyayari. Hahaha!
~~~~~~
2 chapters down and 1 to go. Hahaha! Thank you 😘
BINABASA MO ANG
ATEZONED
RomanceNa ATEZONED kana ba? Yung feeling na crush na crush mo siya pero ATE ang tawag niya sayo? Hahai, buhay parang life.