Chapter 13: Race

435 15 0
                                    

Jennie's Point of View

Kinagat ko ang labi ko habang pinapanuod ang paggalaw ng kamay ng orasan sa gitna. Lahat sila ay abala sa pakikinig habang ako ay abala sa pagtingin at pag antay sa oras.

"May lakad ka?" Bulong ni Hanbin.

Umiling ako at sinandal ang likod ko sa upuan. Kinalma ko ang sarili ko. Makakaabot ako. Kailangan naroon ako. Kailangan kong mapanood 'yon.

Nararamdaman ko pa arin ang tingin na ipinupukol sa akin ni Hanbin kahit na hindi ko siya lingunin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at pagtayo kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Yes, Mr. Hanbin?"

"Uhm, we have an emergency meeting. Can you excuse us?"

Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? May emergency meeting ba sila? napatingin ako sa prof ko at naghintay kung papayagan niya si Hanbin.

"Okay, you may go."

Naramdaman kong hinawakan ako ni Hanbin sa balikat kaya napatingin ako muli sa kanya. Sinensyasan niya ako sumunod kaya kahit na nag aalinlangan ako ay mabilis na sumunod ako.

Naabutan ko siyang nakatayo sa gilid ng classroom namin. Nauna itong naglakad nang makita ako. Hindi ko alam pero sumunod ako sa kanya.

"I made us an excuse so maybe I could come with you?"

Napanganga ako. He did that on purpose. Tinulungan niya ako pero may kapalit at alam niyang hindi ko siya katang tanggihan sa pagkakataong ito. Napatingin ako sa oras sa phone ko at napamura nang konting oras na lang ang naroon.

Naroon na rin si Lisa since wala silang pasok sa last subject. Kaklase ko sa isang subject si Hanbin kaya pareho kami ng last subject.

"Fine."

Nauna na akong naglakad sa kanya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmura nang sabihin ko 'yon. Nauna siyang tumakbo sa akin papunta sa parking lot kaya minabuti kong pabilisin na rin ang paggalaw ng paa ko.

Malayo pa lang ay pinatunog ko na ang kotse ko kaya nakapasok agad ito na animo'y iiwan ko siya kapag hindi niya agad ginawa 'yon. No, hindi ako ganong tao. Marunong akong tumanaw ng utang na loob.

Pagkapasok ko ay isang ngisi agad ang ibinungad niya sa akin. Inirapan ko na lang siya at mabilis na pinaandar ang aking sasakyan. I mean, kay Lisa pala itong sasakyan na ito, pinahiram niya lang sa akin. Sabi niya lahat ng pag-aari niya ay akin din kaya akin din itong sasakyan na ito.

"Hindi naman halatang masaya kang kasama ako ah."

"Shut up." Mariin kong wika.

Sumipol ito at pinaglaruan ang bintana na animo'y bored na ito sa byahe. Pwede naman siyang bumaba kung sasabihin niya lang. It would be a pleasure to kick him out. 

"Saan ba tayo pupunta?"

Mas idiniin ko pa ang paa ko para pabilisin ang takbo ng sasakyan ko. Napangisi na lang ako nang mag-ala Irene ako sa paglagpas sa red light.

"Mad driver." Bulong ni Hanbin na nakangisi.

Aish! Bakit ba kasi ang layo ng lugar na iyon? Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Baka mag-umpisa na 'yon. Ugh!

"Hmm." Sandali akong napasulyap kay Hanbin nang makita kong nakakunot ang kilay nito habang nakatingin sa side mirror.

"Iliko mo." Utos niya na ikinakunot ng noo ko.

"What?"

Wala akong panahon makipaglokohan sa kanya. May oras akong hinahabol at may larong papanoorin. If I can't be on time, I might skip the best part of the race.

Chasing YG | JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon