Epilogue

1K 24 0
                                    

This will be the last part of Chasing YG. Thank you so much for reading!

-**-

Nayeon's Point of View

Natanaw ko na agad ng site kung saan siya nag tatrabaho. Konti na lang at mabubuo na ang building. Medjo makalat pa at kahit nasa loob pa ako ng sasakyan ay dinig na dinig ko na agad ang mga sigaw ng makina sa paligid.

Nagbayad ako ng taxi bago bumaba. Nilipad ng hangin ang buhok ko kaya hinawakan ko ang suot kong dress dahil baka masilipan pa ako rito. Ang swerte naman nila kung makakakita sila agad ng langit.

Napatingin ako sa suot kong high heels. Hindi ako nababagay  sa lugar na ito. Masyadong maalikabok at maraming lalaki.

"Miss? May kailangan ka?"

Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. Pawis na pawis ang kanyang katawan at pinapaypayan ang sarili gamit ang kulay orange niyang... Helmet? Hindi ko alam kung anong tawag doon sa suot nila sa ulo.

"Sino 'yan?" Tinukso siya ng mga kasamahan niya.

God! I hate drugs.

Magsasalita pa sana ako nang maaninag sa hindi kalayuan ang isang lalaking nakatayo. Nakatalikod ito sa akin habang seryosong may kausap. May tinuturo pa siya sa papel at nagtatanguan sila.

Tumingin ako sa binatang naghihintay pa rin ng sagot ko. "Thank you." Sagot ko na lang dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.

"Miss penge number?!"

Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na lang ako palayo. Hindi pa rin niya ako nakikita dahil busy siya sa kanyang kausap. Pero infairness, kahit nakatalikod siya kitang-kita ko na agad ang lapad ng kanyang katawan.

Huminto muna ako para ayusin ang dress ko. Inayos ko rin ang buhok ko at muling tinignan sa dala kong salamin ang mukha ko baka kasi may dumi.

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanila at mabilis siyang niyakap.

"I miss you so much, Kook."

Halos maiyak ako sa saya. Sa wakas, sa tagal ng panahong nawalay siya sa akin ay ngayo'y muli ko na siyang nayakap.

"Miss? Teka..."

Napanganga ako nang humarap ito. "Oh— Shit. Shrek?" Bulalas ko.

Ang laki ng ilong niya at mataba ang pisngi. Kulay itim na rin ang kanyang ngipin dahil nakangiti siya. Hindi siya si Jungkook.

"Niyakap mo ako." Lumawak ang ngiti sa kanyang tuyong labi. "Panagutan mo ako." Sabi pa niya.

Napaatras ako. "W-What? Ang kapal ng mukh— Shrek!" Sigaw ko.

Namula ang buong mukha ko sa galit. Napahiya ako. Akala ko siya na si Jungkook. Akala ko lang pala dahil isa siyang ogre.

"May problema ba rito?"

Automatic na napatingin ako sa aking likod kung saan nakatayo ang isang lalaking kilalang-kilala ko. Nakakunot ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Engr. Jeon? Heto kasing babaeng 'to. Bigla na lang akong niyakap. Akala naman niya type ko siya."

Hindi ko na 'yon pinansin dahil hindi maalis ang tingin ko kay Jungkook na nakakunot ang noo. God... Siya na ba talaga 'to? Bakit ganon? Parang naging malamig ang pakikitungo niya.

"Nayeon?"

Parang may bumara sa aking lalamunan nang banggitin niya ang aking pangalan at ang katotohanang... Napakalamig ng kanyang boses.

Chasing YG | JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon