Chapter 18: Joohyun

421 8 0
                                    

Seulgi's Point of View

"Bababa, babanana... nanana~"

Mabilis na pinatay ko ang phone ko nang magring ito. Marami akong tinatapos na papeles at ang magaling kong kapatid ay may ibang pinagkakaabalahan.

Mukhang may adventure na nangyayari sa kanilang dalawa ni Jennie at hindi man lang niya ako nagawang isama.

"Bababa, babanana... nanana~"

Muli kong pinatay ng tawag ang kung sino mang nilalang na tumatawag sa kabilang linya. I can't do multi tasking, I'm stick to one.

Sumandal ako sa swivel chair at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin na pinasadya ko. Gusto kong minu-minutong nakikita ang kagandahang ibinigay sa akin ng Diyos.

Why was I born with this drop-dead gorgeous and oh so sexy body? I mean, it's too much. Okay lang naman sa akin ang tama lang.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera.

Click~

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa phone. Napabuntong hininga na lang ako. I'm perfect.

I pressed the home button and to my surprise, ilang missed calls galing kay Irene ang nakaflash sa screen.

Sabi ko na nga ba. Pabebe lang 'to pero deep inside? She's dying for my attention.

Tinawagan ko ito ngunit siya na naman ngayon ang hindi sumasagot. Nagtampo? Hay...

Nagvibrate ang phone ko at natatawa sa text sa akin ni Irene.

"How dare you! YOU HAVE NO RIGHT TO IGNORE ME! JERK!"

Humalakhak ako at ini-screenshot ang kanyang message at ginawa itong wallpaper. Oh well, not bad. Lagi na lang kasi picture ko ang wallpaper ko.

Umayos ako ng upo nang may kumatok. Nahihiyang pumasok ang secretary ko at naglakad papunta sa akin.

"Do you need anything, ma'am?"

Bakit ba ang abnormal ng secretary ko? Gusto niyang utusan ko siya eh wala naman akong iuutos.

Napatingin ako sa kanyang dibdib dahil yumuko ito. Well, awesome. But, I am not interested.

"Actually, I want you to close the door and get outside. Don't stress me."

Ngumuso ito at inirapan ako. Tumalikod ito at nagmartsa paalis. Napatingin ako sa kanyang legs and I can't help it but to whistle.

"Oh, wait!" I stopped her.

Malawak ang ngising humarap ito sa akin. Hindi ko matanggal ang mata ko sa maputi at makinis niyang binti.

"Yes, ma'am? Do you need me— I mean, anything ma'am?"

"Hubad."

Nanlaki ang mata nito at medjo namula pa ang mukha. Halos mangisay ito sa kilig.

"Ay, okay po ma'am. Hihi. Sabi niyo eh."

Nanlaki ang mata ko nang aktong huhubarin niya ang blouse niya. "Hey! Don't flirt with me. Hubarin mo ang heels mo." Utos ko.

(A/N: Oh, kala nyo ah. HAHAHA)

Bagay 'yon kay Irene. Mahilig 'yon sa high heels eh. Nahihiya naman akong bumili dahil ang ganda ko naman masyado para bumili ng heels. And, kailangan ko rin ng pambawi sa kanya.

Nagtatampo 'yon dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag. Kahit na hindi ako marunong maglambing, gagawin ko.

Inis na binato niya sa sofa ang heels at tumakbo palabas.

Chasing YG | JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon