Dessa smiled while gazing back at Arkhee. Her heart was happy with what she heard from him and her face couldn't deny it anymore.
Before she can say anything, he continued expressing himself. "I did stupid things and I made you angry for so many times. I know it's hard for someone like you to like me. I'm not as smart as you and I don't save lives like you do. I'm just a nobody compared to you...but I'll do everything if that would mean that you'd give me a chance that you'll like me back too..."
Halos natutunaw ang puso ni Dessa sa mga narinig. Sa kabila ng pagiging isang napakayaman at successful businessman ay napaka mapagkumbaba nito at hindi man lang iniisip na ang sarili nitong mga nakamit sa buhay ay dapat rin namang ipagmalaki.
Hindi na siya magtataka pa kung mahulog na ng lubos ang loob niya sa lalaki at tuluyan na niyang mahalin ito. Kinakabahan man ay napagdesisyonan niyang magsabi na rin dito ng totoo.
"I like --" hindi na niya naituloy pa ang gusto niyang sabihin kay Arkhee dahil may kung sinong matangkad na lalaki ang pumagitna sa kanilang dalawa at bumati ng napakagiliw.
"Olá lovebirds! Mukhang seryoso kayo sa pinag – uusapan niyo! Is it a confession of love?" nilingon siya ni Ash na halatang nanunukso na naman. Sa palagay niya ay ipinanganak ang taong ito upang mang – asar.
"Maybe. Who knows..." kibit – balikat niyang sagot. Hindi niya papatulan ang pang – aasar nito. Kahit pa mukhang nabasa nito sa kanyang pagmumukha na may gusto siyang ipagtapat kay Arkhee.
"Por favor Ashhhhhh! She was about to say something!?!? You idiot! Go away!" naiinis na sigaw ni Arkhee sa kaibigan.
"Oh really? What are you about to say Doctor? Hmmm?" mapang – asar talaga itong si Ash.
"Me? Nothing in particular. I don't think it concerns you. Now, if you'll excuse me. I think you two have something to sort out." She mischievously smiled at Arkhee. Halata kasi sa ekspresyon nito ang inis dahil hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin para rito. Tumalikod siya sa mga ito sabay sambit ng bye sa salitang Portuguese. "Tchau!"
"Teka sandali Dess --" pahabol pang tawag sa kaniya ni Arkhee ngunit hindi na niya pinansin ito at dali – dali na siyang naglakad papunta sa hotel nila.
"Forgive me for disturbing your moment meu amor but we have to go to Kristoff." Narinig niya pang sinabi ni Ash. Hindi na lumingon si Dessa hanggang sa makarating siya sa hotel. Mabilis niyang tinungo ang elevator at kapag kuwan ay nakabalik na rin siya sa kanyang silid.
Halos manlupaypay siya ng sa wakas ay makaupo siya sa sofa. Nanghihina ang mga tuhod niya at parang ngayon lang rumehistro sa buong katawan niya ang mga nangyari sa kanila ni Arkhee Almeida. She teased him which led him to steal a kiss from her. He confessed for real and she almost did too! Ano bang pumasok sa utak niya at kamuntikan na siyang umamin sa totoo niyang nararamdaman para rito?
You almost made a mistake Dessalina!
She sighed in relief. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon upang maipagtapat niya ang saloobin para kay Arkhee. Tadhana na ang gumawa ng paraan upang mapigilan siya na sabihin ang kung ano mang feelings na meron siya para rito.
-----
Kinagabihan, matapos nilang mataimtim na mag – dinner ni Arkhee ay niyaya siya nitong maglakad – lakad muna sa beach. Si Arkhee ang tipo ng lalaking hindi mahilig sa crowd at party.
Pumayag naman si Dessa kahit pakiramdam niya ay parang may isang malaking distansya sa kanilang dalawa. Hindi masyado itong umimik nang kumakain sila ng hapunan at mukhang naimpluwensyahan rin siya ng pagkailang nito dahil hindi rin siya makapagsimula ng conversation.
BINABASA MO ANG
Unpredictable [COMPLETED]
DragosteArkhee is unpredictable. Dessa wants everything well planned and anticipated. Both are from two different worlds. Will they meet halfway and accept each other's flaws? ©All rights reserved. Hope you enjoy my first ever Taglish novel that I've writt...