I will miss this room, all the memories, everything. How I wish na hindi ko na kailangan lumipat, parang hindi ko kaya mag-isa. Sa buong buhay ko palagi ko na kasama sina mommy at dad and my friends pero ngayon I feel like I'm alone once again.
Isang linggo palang pagkatapos ng graduation ko. We only did a mini celebration because of what happen a few weeks ago, only my relatives and closest friends where invited.
Akala ko na hindi lalala ng ganito ang business ni dad at hindi na kami aabot sa ganito but I was wrong.
"I guess this is another journey for me to tackle." Mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa maleta na dala ko. I can see that my eyes are getting blurry. Ugh! hindi ito ang tamang oras para mag drama Lynx, ano ba keep it together.
Napabalik agad ako sa realidad when someone knocked na kasunod naman non ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Anak are you ready? Naghihintay na ang mga kaibigan mo sa baba para magpaalam sayo." I heard moms soft voice. Tumango naman ako sa kanya at sumonod na. Pagkababako sa hagdanan ay sinalobong agad ako ng mahigpit na yakap galing sa mga kaibigan ko.
"Ikaw ha! wag mo kaming kakalimotan don baka makakita kana ng bagong mga kaibigan at ipagpalit kami." Sabi ni Avy na mangiyakngiyak ang mga mata ganon din sila Via at Zaina. Si Avy talaga kahit kailan napaka OA parang hindi na kami magkikita.
"Take care of yourself okay, If you ever feel lonely just contact us, we will always be there for you." Zaina said. She is always kind and caring, among the four of us she has the softest heart kahit na siya pinakabata sa aming tatlo.
"Hoy pagkarating mo don contact us immediately so that alam naming okay kalang, clear? payakap nga ulit." Agad naman akong niyakap ni via ulit ng mahigpit. Syempre hindi nakipag talo ang dalawa at nakisali narin. Naramdam ko nalang na nabasa ang pisngi ko sa sarili kong luha. Gosh! I can't believe that we can be this emotional.
"Oh tama na baka hindi na tuloyang makaalis si Lynx." Natatawang sabi ni Via pero marirnig mo parin ang lungot sa tuno ng boses nito.
"Edi mas mabuti nga yun para dito nalang siya kasama natin." NAgulat nalang ako at maslalo pa akong niyakap ng mahigpit ni Avy. Hay...stubborn as always, mamimiss ko to.
"Avy ano kaba balak mo bang patayin si Lynx sa ginagawa mo?!" Sabi ni Zaina saby hila kay Avy.
"Sige na, baka maabotan kayo ng gabi sa byahe papunta don." Dagdag ni Zaina. I said my goodbyes to them tapos lumabas na kami sa bahay at pumasok na ako sa loob ng kotse. Nakatayo lang sila sa gilid ng sasakyan waving their hands as dad stared the engine of the car and I just stared at them hanggang hindi ko na sila makita. Naramdaman kong bumibigat ang mga mata ko, hindi ko nalang na malayan na nakatulog na pala ako.
Nakaramdam ako ng init galing sa binta kaya napamulat ako. Namangha ako sa napakagandang mga bundok na makikita mo sa kalayuan tapos ang mga kahoy na nagtataasan, napakagandang tingnan. Binuksan ko ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin, I noticed that there was village right ahead of us. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagmasid sa paligid.
"Anak maghanda kana, malapit na tayo." Napalingon ako kay mommy at umupo na ako ng maayos. After 15 minutes ay huminto kami sa isang bahay, maliit lang ito compara sa bahay namin sa manila.
Pagkalabas ko sa kotse ay nakita kong merong kausap si dad at mommy, sila nasiguro ang sinasabi ni dad na kaibigan nila na magbabantay saakin dito.
"Lynx hali ka rito." Tawag saakin ni dad kaya luampit ako sa kanila.
"Sila ang magbabantay sayo dito. Cannor at Ellen si Lynx anak namin, Lynx sina Canor at Ellen." Pagpapakilala saakin dad.
"Hello po." Bati ko naman sa kanila.
"Ay napakandang bata, halina pasok na kayo alam kong pagod kayo sa taas ng binyahe niyo patungo rito."
Pinapasok nila kami at pinaupo sa sala nila. Kahit hindi gaano malaki ang bahay nila ay cozy at maganda parin tignan. Napalinga-linga ako sa paligid at napansin ang mga plaka ng mga awards, pagmamay ari siguro ng anak nila.
"Hindi na kami mag tatagal pa. Lynx handa na ang mga papers mo para sa bagong paaralan na papasokan mo." Pormal na sabi ni dad saakin sabay tayo. Ganon din si mommy. Nagpaalam na sila saakin at pareho hinalikan ang aking pisngi kaya napa buntong hininga nalang ako.
"Oh iha tara, ituturo ko sayo ang kwarto mo." Malumanay na sabi saakin ni Tita Ellen.
Sumonod ako sa kaniya at huminto kami sa tapat ng isang pinto, ito na siguro ang kwarto ko. Tinulongan ako nila Tita Ellen at Tito Cannor sa mga bagahi ko.
"Pasensiya kana iha ha kung hindi gaano malaki ang kwarto mo kompara sa dati mong kwarto" Sabi ni Tita Ellen habang naka tayo sa tapat ng pinto.
"Okay lang po. Salamat po sa pagpapatuloy saakin dito." I gave her a smile as a sign na okay lang. Palagi naman nila ako iniiwan sa mga yaya ko at sa mga iba pang tao na hindi ko gaano ka kilala noon kaya nasanay na rin ako.
"Gusto mo ba tulongan na kita sa mga gamit mo or magpapahinga ka muna, mukhang pagod ka sa biyahe niyo." Ngumiti siya saakin ng napakalawak at lumapit saakin ng kunti. A small smile crept on my face.
"Ako nalang po dito kaya ko naman." I told her.
"Ahh sige sige. Tawagin mo nalang kami kung meron kang kailangan nandoon lang kami sa baba." Sabi niya saakin with a smile and with that my door closed. Humiga ako sa kama na sakto lang saakin at napabuntong hininga.
Pagkatapos kong gomraduate ng senior high ay inasikaso agad ni papa ang mga gamit at papers ko para makalipat na ako dito. It was sad kasi hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko. Meron rin naman dito ang kurso na gusto ko kaya okay lang din naman.
Bumangon ako sa higaan at pumunta sa bintana para maka langhap ng sariwang hangin. Pagbukas ko sa pinto ay agad bomungad saaking balat ang hangin. Hmm... napakasarap sa pakiramdam. The wind blowing my hair while I close my eyes, it felt so relaxing yung feeling na gusto mong magpadala dito sa kawalan.
'Ano ba tong mga pinagiisip ko!' Napangisi ako still closing my eyes at napabuntong hininga. I stayed like that for some seconds when I suddenly felt something weird yung parang may nakatingin sayo kaya agad kong binuka ang aking mata. I looked around pero wala naman akong nakita.
'Baka guniguni ko lang yun'
I immediately closed the window and my curtains. "Makapagpahinga na nga baka dahil lang to sa pagod." Humiga ulit ako sa kama and by any seconds everything went black.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
:)
BINABASA MO ANG
Rage of Hearts (Unordinary Lassies Series #1)
RomanceUnordinary Lassies Series #1 Elain Lynxani, a girl that woke up in luxury. Her life was almost perfect. She almost had everything. Yet, all of that was slowly fading away and she somehow can't do anything. With no choice, she was forced to leave her...