53

4.9K 155 12
                                    

11-10

Lily

11:16 pm

Lily:

Jiro

Jiro:

Lily

Lily:

Thank you

Jiro:

Saan?

Lily:

Wala, sa lahat

Sainyong tatlo

Jiro:

Nukaba

Anong nakain mo ha?

Napakaseryoso mo naman

Lily:

Hahahahaha grabe ka!

Hindi ba ako nagseseryoso??

Jiro:

Hindi

Lily:

Seryoso nga ako sa'yo e

Jiro:

Tignan mo parang gago!

Lily:

HAHAHAHAHAHAH

Totoo naman!

Ikaw lang naman nagiisip na joke joke ko lang 'to!

Dedicated kaya ako sa'yo

Jiro:

Ewan ko sa'yo

Bumalik ka na nga sa pagiging seryoso mo!

Lily:

Ayun nga, panira ka kasi!

Pero thank you sa lahat ng nagawa niyo para sa akin tsaka sa support niyo lagi

Tsaka sa pag aalaga

Like saglit niyo pa lang naman ako nakilala pero feeling ko kasama ko na kayo simula pa una

Jiro:

Sus ayon lang naman pala!

Tandaan mo ikaw ang nagligtas sa akin

Papatayin ako ni Lucas kung hindi mo ako pinahiram noon

Lily:

Sabi sa'yo

Para talaga tayo sa isa't isa

Swak na swak

Jiro:

Bakit ba ang dali sa'yo landiin ako ha?!

Nakailang boyfriend ka na ba?

Lily:

Apat

Pero 'wag ka magselos kasi dalawa diyan hindi naman serious kasi batang bata pa ako no'n

Curious lang ako sa boyfriend boyfriend na 'yan noon

Jiro:

Eh yung dalawa?

Lily:

Ayon seryoso

Legit iniyakan ko hehe

Jiro:

Ows ?!?!?

Bakit???

Lily:

'Yung isa niloko ako

'Yung huli okay naman, masaya naman kaya lang nakipaghiwalay kasi  pareho na rin kaming walang oras

Feeling namin walang patutunguhan inantay ko lang na umayaw na siya

Kasi kung ipupush niya pa kami

Siyempre ako rin ipupush ko pa

E ayaw na niya

Edi wala na

Jiro:

Kaya ayoko ng ganiyan ganiyan e

Hassle lang

Lily:

Kaya ba tinaguan mo ko nung nalaman mong type kita?

'Wag mo na ideny!!!

Nahuli na kita

Jiro:

Oo na hahahaha

Hassle nga kasi mga babae

Or feelings in general

Lily:

Hahahahahaha kita naman sa'yo maka reject ka sa mga banat ko wagas e!

Pero to be honest, naiintindihan ko naman talaga kung ayaw mo

Okay na din ako na friends tayo, no hard feelings

Pero totoo talagang gusto kita pero hindi naman to the point na ipipilit ko

Ayoko naman din na uncomfortable ka sa akin

Natutuwa lang ako minsan kapag flustered ka sa mga banat ko at kapag kinikilabutan ka HAHAHA bwiset

Kaya paminsan minsan pag may chance binibiro biro kita ng gano'n

Ano na bakit seen lang?

Namatay ka sa kilig?!

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon