02

7.2K 149 71
                                        

09-18

Yellina Mendoza

12:12 pm

Alison:

YEN!

Nasaan ka?!?!?

Yellina:

Nakain na bakit?

Tapos ka na ba pagalitan ni sir?

Alison:

Oo HAHAHAHA

Yellina:

Wow masaya ka pa ha hahaha

Ano sabi ni sir?

Alison:

Hanapin ko raw 'yung nanghiram tapos dapat daw ID niya 'yung gamitin kung manghihiram ng kahit ano sa lab

Yellina:

Bakit nga naman kasi bida bida ka ha at hinayaan mo na under sa'yo 'yung hiniram?

Alison:

Simpleng babae lang naman ako Yen

Tinatamaan ng kalandian

Yellina:

O e paano mo hahanapin 'yon?

Alison:

Bakit ko pa hahanapin

E kilala ko naman

Yellina:

Paano???

Alison:

Nakita ko ID niya kanina

Siyempre gwapo edi nag automatic 'yung mata ko sa ID niya

Chem major si Kuyang hapon

Yellina:

Ang bilis talaga ng mata mo!

Hapon???

Alison:

Yamada apelyido e

Tsaka nasa mukha naman

Yellina:

Pati yung mga gwapong nakakasabay mo sa jeep ID talaga unang tinitignan mo e no?

Alison:

Siyempre!

Kung sa mukha ka lang titingin anong mapapala mo?

Kapag bumaba na 'yon katapusan na rin ng pantasiya mo

Yellina:

Oo na! Nagbigay ka nanaman ng tips!

Single naman

Alison:

Wala ka rin namang boyfriend

Yellina:

Ewan ko ba Lily, ang landi landi mo pero wala kang boyfriend

Alison:

Nasobrahan yata ako sa landi teh!

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon