01-01
Lily
7:52 am
Lily:
Bakit gising ka na?
Jiro:
Hindi ako makatulog
Lily:
Malamig ba diyan sa sala?
may kumot ka ba diyan?
Jiro:
Meron hahaha
Lily:
Hindi ka komportable?
Jiro:
Hahaha ano ka ba
Hindi naman ako anak mayaman sanay ako dito
Lily:
Matulog ka na aba hahaha
Jiro:
E bakit ikaw gising ka na?
Lily:
Naalimpungatan lang ako
Tas naisip kita
Jiro:
Naks naman
Lily:
Bakit ka pa kasi pumunta ng madaling araw
Pwede namang ngayong umaga o hapon na lang
Jiro:
Hindi nga kasi ako mapakali sa tanong mo sa akin
Lily:
Sabi mo 'yon ah, maghihintay ka
Jiro:
Oo naman
Tingin mo ba mabilis ako magkakagusto sa iba?
Baka nga ikaw diyan e
Makakita ka lang ng blue eyes palitan mo na ako
Lily:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Ayoko nga ng englishero ang kulit talaga!
Jiro:
Sabi mo 'yan talaga
Lily:
Oo nga hahahaha
Mag aaral lang ako do'n
Tapos kapag mayaman ka na puntahan mo ko
Jiro:
Pano kapag hindi ako yumaman?
Lily:
Hiram ka kay Lucas ng pera
HAHABAHAHABA RICH AF 'YON
Jiro:
Ano ilalagay ko kapag mag aapply ng visa hahahahahaha
Lily:
Sige na nga ako na lang uuwi
Jiro:
Oo nga naman
Lily:
Sige na, matulog ka na
Jiro:
Uwi na kaya ako?
Maaga naman na
Lily:
Kapag ikaw hindi naabutan ni Papa diyan at tinakasan mo siya
Bahala ka hahahaha
Jiro:
Ayoko na nga e
Natatakot na ako sa Papa mo
Lily:
Mas nakakatakot si Mama
Pacool lang si Papa kunwari
Jiro:
Mabait naman sa akin si Tita
Binilinan lang ako na hindi pa siya ready sa susunod na apo
Lily:
Weh? Sinabi ni mama 'yon?!?!
Jiro:
Oo nga
Lily:
Kakahiya talaga si Mama hahahahahahaha
Jiro:
Baba ka na lang dito
Lily:
Sige haha umaga naman na
Kain na lang tayo
Jiro:
Tama 'yan hahaha
BINABASA MO ANG
The Perfect Two
Novela JuvenilJiro, a BS Chemistry major is contented with the life he has with his friends, he's never interested with girls. He is more interested with the love life of his friends rather than his own because he doesn't want to have one at all, he thinks it's j...