Kabanata 1: pintig ng anghel

15.1K 455 39
                                    

A/N

Ang kwentong ito ay pagpapatuloy o karugtong ng Si Baste at ang tubig sa Bukal. Mas mainam kung uunahin mong basahin ang nabanggit na kwento (part 1) . (*^__^*)

Maraming salamat at enjoy reading....


"Gwaaark...!", puno ng pawis ang noo ni Rosalia. Kanina pa masama ang pakiramdam niya at ngayon naman ay nagduduwal pa siya. Tila umiikot ang kanyang paningin kaya napakapit siya sa may haligi ng kanilang banggerahan.

"Rosalia! Anong nangyayari sayo?", alalang alalang tanong ni Sebastian nang makalapit at maagap na nahawakan ang asawang muntik nang bumagsak sa sahig.

Nakaramdam ng takot ang lalake nang makita ang pamumutla ng asawa na tuluyan na ngang nawalan ng malay.

"Tiya...! Tiya...!", malakas na tawag ni Sebastian kay Minyang na noo'y nakikipag huntahan sa isang kapitbahay.

"Boses ng pamangkin ko yon! maiwanan na nga kita diyan. Saka na natin ituloy ang pinag uusapan natin.", nakangiting sabi ni Minyang.

Parang wala lang na naglakad pabalik ng bahay ang tiyahing tinawag. Sanay na ito na kahit may itatanong lamang ang pamangkin ay parang may sunog kung tumawag sa kanya.

"Bakit, anong nangyari kay Rosalia?!", nag aalalang tanong din nito nang makitang buhat ng pamangkin ang asawa at ipinapasok sa silid.

"Hindi ko nga po alam eh, nang mapasukan ko siya kanina ay nakakapit na sa may banggerahan tapos nawalan na ng malay. Hindi kaya may nakain siya na di nakasundo ng sikmura?", hulang sabi ni Sebastian.

"O eh bakit mo naman nasabi yan, ganun pa rin naman ang mga kinakain natin dito ah. Kinain din natin ang mga kinain niya pero wala naman tayong naramdamang kakaiba. Ayos lang ang sikmura ko.", sabi ng nagtatakang tiyahin habang tinatapik tapik pa ang tiyan at pinakikiramdaman.

"Bakit kaya panay ang suka niya kanina? Hindi kaya may naka usog?", nasabi na lang ni Sebastian dahil sa kawalan ng maisip na dahilan.

"Ano?! Nagsusuka ba kamo?!", tuwang tuwang tanong ni Minyang sa pamangking nagtatanong ang mga mata sa nakikitang tuwa sa kanya.

"Nakupo, Diyos ko! Maraming salamat po! Maraming salamat po! Magkaka apo na ako..! Balaeng Marina! Balaeng Alfonso! Magkaka apo na tayooo!", tuwang tuwang pinagsisigawan ni Minyang. Nagmamadali itong lumabas ng pintuan at humahangos na naglakad papunta sa gawi ng tirahan ng mga magulang ni Rosalia.

Naiwan naman ang pamangkin na hindi makahuma sa napakagandang balita na narinig mula sa tiyahin. Napatingin siya sa mukha ng nakapikit na asawa.

"Rosalia, magkakaroon na nga ba tayo ng anak? Talaga bang buntis ka?", pagkasabi ng ganun ay nangiti siya. Nahalikan ang labi ng asawang unti unti nang binabalikan ng kulay.

"Talaga, balae?! Magkaka apo na tayo?!", malapad na malapad ang pagkakangiting tanong ni Marina kay Minyang.

"Naku..., balae! Ipapuputol ko ang leeg ko kapag nagkabisala ang sinabi ko. Nakita ko ang leeg ni Rosalia.., napakabilis ng pintig. At ang pulso ay ganun din, sigurado akong may isa pang buhay na pumipintig sa loob ng sinapupunan niya!", excited na excited na sagot ng tinanong.

Pagkatapos hablutin ang bandana ay magkahawak nang lumabas ng bahay ang mag balae. Hindi alintana ang pagkalabusaw ng alikabok na tila usok sa daan dahil sa nagkukumahog na paglakad. Sa mga mukha ay hindi nawawala ang pagkakangiti. Pumipintig sa sinapupunan ni Rosalia ang kanilang Anghel.

SBAATSB 2- Anghel ng Baryo MasapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon