Kabanata 3: pangako ni Balbon

7.7K 352 13
                                    

Hindi mapakali si Balbon.., kanina pa ito nagpapaikot ikot sa buong bakuran. Nakasisiguro siya na panganib ang hatid ng lalaking aaligid aligid sa asawa ng lalaking kanyang pinaglilingkuran. Hindi siya dapat magpabaya, hindi siya dapat makalingat!

Muli niyang inamoy ang bakas na iniwan ng lalaking nakatayo sa likod ng malaking katawan ng punong kamatsile. Umungol si Balbon at muling lumabas ang matatalim na pangil na kumikislap sa tama ng liwanag na nagmumula sa apoy ng sulo.

Hindi siya maaaring magkamali..., tiktik ang lalaking yon!

Napaigtad siya nang marinig ang pagtawag ni Sebastian sa kanya. Agad na ibinalik sa normal ang kani kanina lamang ay mabangis na anyo. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo palapit sa lalake.

"Halika na sa loob, Balbon.", aya ni Sebastian.

"Aww! Aww!", tahol ng alaga. Nakataas ang mga tenga nito maging ang balahibo sa batok.

Agad na hinimas ng lalake ang ulo at likod ng nababalisang alaga.

"Ayaw mo bang matulog sa loob ng bahay natin?", tanong ni Sebastian.

Hindi malaman ni Balbon kung ano ang pipiliin. Kung sa labas siya magbabantay ay maaabangan niya ang pagdating ng tiktik. Kung sa loob naman siya ng bahay ay mababantayan niya si Rosalia.

Nag atubili si Balbon.., muling tumingin sa gawi ng punong kamatsile.

"Halika na, Balbon! PAsok na tayo.., naghihintay na si Rosalia sayo..", nakangiting utos ni Sebastian na sinunod naman niya.

Naisip ni Balbon na mas mapro protektahan niya si Rosalia at ang sanggol nito kung mananatili siya sa tabi ng babae.

"Goodnight.., Balbon!", nakangiting sabi ni Rosalia habang hinihimas ang ulo't likuran niya. Nakadukwang ito sa higaang papag. Agad naman niyang inilapit pa ang ulo at inamoy amoy ang palad nito bilang tugon sa sinabi ng buntis. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Sebastian na nakangiti ring nakatunghay sa kanya.

Tama ang nag iisang anak ng kanilang alpha. Mapagmahal at mabait si Baste na ngayon ay si Sebastian na.

Mula nang burahin ng Ingkong ang lahat ng alaala at gawing alamat na lamang si Baste at ang tubig sa bukal ay nawala na rin ang kakayanan ng lalake na makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwan. Nawala na rin ang kakayanan nitong maintindihan ang nais niyang sabihin. Hindi na ito tulad noon na nakakausap ng kanilang prinsipe ang isipan .

Tandang tanda pa niya ang lahat ng sinabi ng kanyang ama. Ang pangyayaring naganap sa pagkakatagpo ni Baste sa noon ay sutil na anak ng kanilang pinuno.

"Hindi ba't mahigpit kong ipinagbabawal sa iyo ang lumabas sa ating nasasakupan!", galit na galit na tinig ni Senturi.., ang alpha ng mga lobo. Ito ang nagtataglay ng pambihirang lakas at katapangan sa buong pamayanan ng mga lobong naninirahan sa pusod ng kakahuyan. Ang lahat ng kanilang kauri ay may respeto at malaking takot sa kanya. Lahat ay napapasunod nito..., maliban sa nag iisang anak.

''Namasyal lamang ako, Ama. Hindi naman ako lumayo. Nakakainip dito kaya naglaro ako sa labas. Patawad.., Ama ko hindi na mauulit.'', katwiran at pangako ng anak sa matapang at galit na ama.

Subalit dahil sa likas na katigasan ng ulo ay muling naglaro ang anak ni Senturi sa labas at napalayo. Natakot na ito sa galit ng ama kaya hindi na nagawa pang bumalik.

Ipinasya nitong sumama sa batang nagpakain ng kaimito at naging mabuting magkaibigan ang dalawa.

Hanggang sa gabing ipinagtanggol nito ang kaibigan sa kamay ng buhong na si Arsenio.

Naroroon ang kanyang ama sa tabi ng kanilang alpha na ama ni Bantay. Nais na nitong lusubin ang tiyuhin ng binata subalit pinigilan ng prinsipe dahil sa pag aalalang masaktan ang kaibigan at ang tiyahin nito.

Hanggang sa magbuwis ito ng sariling buhay..., bago pa ito tuluyang pumanaw ay hiniling nito sa ama na bantayan at pangalagaan hanggang sa kahuli hulihang dugo ni Baste na mananalaytay sa ugat ng mga magiging punla nito. Nangako naman ang alpha na pagbigyan ang hiling ng anak.

At ngayong nasa sinapupunan ni Rosalia ang dugo't laman ng kaibigan ng kanilang prinsipeng si Bantay ay ipinapangako niyang gagawin ang lahat upang protektahan ang mag ina maging kapalit man ng kanyang buhay.

SBAATSB 2- Anghel ng Baryo MasapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon