Kabanata 2: halimuyak ng sanggol

8.1K 366 7
                                    

Sa paanan ng Masapa ay may isang lalaking malikot ang mga mata, tila may hinahanap subalit ingat na ingat na may makapansin sa kanya.

Muli nitong nilanghap ang hangin..., napangiti ito.

"Hmmn...! Napakabango! Sa gawing yon nanggagaling ang mabangong amoy. Kakaiba ang amoy na yon.., nag aanyaya ng isang napakasarap na hapunan. Kailangang matagpuan ko ang pinanggagalingan nun. Kailangan kong sundan ang hangin.", bulong ng lalaking mailap at may namumulang mata. Bahagya pa nitong itinakip ang buhok sa may noo upang hindi ito mapansin ng iba.

Maingat itong pumanik ng Baryo Masapa.

Wala namang nakapansin sa lalaking may pasan pasang isang kaing na may lamang mga saging. Malaya itong nakapaglakad at nakapag manman sa mga kabahayan na nadadaanan.

Maraming maybahay ang may sanggol sa loob ng sinapupunan subalit hindi ang amoy ng mga ito ang nais niya.

Muli itong naghintay sa paghampas ng hangin, hangin na makapagtuturo sa kanya sa napakasarap na amoy na hinahanap niya. Ang amoy ng isang sanggol na pinanabikan niyang matikman.

Nang muling umihip ang hangin ay nalanghap niyang muli ang amoy na ninanais.

"Malapit na..., malapit na ako! Nandito na lamang sa paligid ko ang amoy na yon!", ngiting ngiting bulong ng lalaki.

Muli itong humakbang.., sinusundan ang hangin na parang may mga daliring naituturo ang hinahanap nito.

''Hayun! Nagmumula ang halimuyak ng napakabangong sanggol sa kanyang sinapupunan.'', bulong ng nakangising lalake habang pinanonood ang pagkain ng manggang hilaw ni Rosalia. Kahit nakatabing ang magbalae sa babaeng buntis at nasisilip lamang niya ay nakasisiguro siyang iyon na nga ang kanina pa niya hinahanap.

"Grrr...! ", galit na galit na ungol ni Balbon. Nakaharap ito sa lalaking nakakubli sa katawan ng malaking puno.

Sabay sabay na napalingon ang apat sa gawi ni Balbon. Agad na tumayo si Sebastian nang makita ang tila takot na lalaki kaya nakatago sa puno na inuungulan ng alaga.

"Balbon..., huwag kang ganyan. Natatakot sa pag ungol mo ang lalaking yon. Halika na dito.", aya sa asong galit na galit at nagbabanta ang pagtahol.

"Pasensya na po kayo ginoo. Hindi naman po nanakit ang alaga namin. Marahil ay hindi lang po kayo nakilala.", hinging paumanhin ni Sebastian sa lalaking yumukod naman bilang pagtanggap sa paghingi niya ng paumanhin.

Umakmang aalis na ang lalake kaya muling inaya ni Sebastian si Balbon na sumabay sa kanya.

Sumunod naman ang aso sa utos ng amo subalit muling nilingon ang lalaki. Nagsasalita ang tingin nito.

"Hindi mo ako mapipigil, Balbon. Mamaya ay babalikan ko ang babaeng yan at unti unti kong sisipsipin ang masarap na sanggol na nasa loob ng kanyang katawan.", nakangising sagot ng lalaki sa nagbabantang tingin ni Balbon sa kanya.

SBAATSB 2- Anghel ng Baryo MasapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon