Chapter 2

202 8 2
                                    

Anne Pov

Ina-ayos ko ang jacket ko ng may bigla na lang may humila sakin.

"Andito ka lang pala! Kanina pa ako nag hahanap sayo, hala mag madali at ng maka punta na agad tayo sa bahay ng mga Alcantara"

"Ay nay sino po ba kayo? Mali ho kayo ng na hila"

Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa bago lumapit sakin ng kaunti at nilapit sakin yung tenga niya.

"Ano nga kamo? Hindi kita marinig! Paki lakasan na lang ineng"

"Mali ho kayo ng nahila!"

Medyo may kalakasan na sabi ko.

"Ano!? Abay mamaya na nga tayo mag usap! Napa karaming tao dine sa airport!"

Lumingon-lingon ako sa mag ka bilang gilid ko at nag tatakang tiningnan itong matandang ito.

Asan na ba kasi si kuya?, anak ng butiking pasay naman oh!

Inayos ko ang bitbit ko na bag habang hila-hila ang suitecase trolley ko.

Hmm, magiging interesting ang bakasyon ko ngayon ah.

Pssh! Ano kaya itong papasukan ko?

Bahala na si batman.

Sumakay kami sa isang audi at pumunta sa kung saan basta ako natulog na lang dahil sa pagod sa byahe.

Nagising ako ng tapikin ako ng kasama kong matanda at sinabing andito na kami sa mansyon ng mga Alcantara.

Pina kilala niya ako sa lahat ng tao dito at pina samahan ako sa isang katulong para pumunta sa maid quarters nila.

"Ano ngang pangalan mo?"

"Kaka pakilala ko lang sayo eh! Miles nga ang kulit mo"

"Oh okay, ano ngang trabaho ang pinasukan ko dito?"

Tanong ko sa kanya ulit.

Nalilitong tumigil ito sa isang kwarto at tiningnan ako na parang nasisiraan ako ng bait.

"Katulong? Ano ka ba naman!, may pinag dadaanan ka ba sa inyo?"

Umiling ako dito at umupo sa kama.

"Wala naman naninigurado lang"

"Tulungan na kitang ayusin ang gamit mo ng maka pag pahinga ka na, alam kong pagod ka sa byahe"

"Salamat"

Ano ba tong napa sukan ko? Mapapa subo pa ata ako sa trabaho dito, naman!

Ng ma-ayos ang mga gamit ko ay inaya niya na akong lumabas para kumain.

"Pansin ko lang yung mga damit mo Jade parang mga branded at original"

Napa tango na lang ako dito habang nililibot ang tingin sa mansyon, putek naman oh! Baka mawala ako dito.

Napa kamot ako ng noo at napa tigil ng may maka banggaan ako.

"Stupid! Bat kasi hindi ka natingin sa dinadaanan mo!?"

"Alam mo na palang hindi naka tingin dapat ikaw na lang yung umiwas diba?"

Maka stupid to siya nga yung stupid eh, hinila ako sa braso ni Miles at nilagay ako sa likod niya.

"Ah Ms. Phoenix sorry po pag sasabihan ko na lang po siya"

"You better! Or else im going to teach her personally"

Umalis na siya pag katapos akong irapan, pinag pagan ko ang natapunang damit ko ng tubig.

"Bayan"

"Ano bayan kebago-bago mo pa lang dito mainit na kaagad yung dugo ni Ms. Phoenix sayo"

"Sino ba yon?"

"Anak yon ng amo natin, mag madali tayo ako na lang ang mag lilinis dito"

Hinila niya na ako sa likod ng kusina kung saan kumakain na ang ibang mga kasambahay at pina upo don saka siya umalis ulit para linisan ang sahig na natupunan ng tubig.

"Neng dito ka na sa tabi ko ng masabihan na kita kung ano ang mga rules dito"

Sabi ni manang Gloria ng abutan niya ako ng plato tumango lang ako dito habang nag umpisa ng kumain at ni isa man sa sinabi niya ay wala akong naintindihan.

Tango na lang ako ng tango habang busy sa pag kain ang sarap ng luto ng chicken curry.

I will tell kuya na kumuha kami ng chef para may taga luto na sa bahay, kinapkap ko yung bulsa ng short ko para tingnan kung nandoon yung cellphone ko, pero nganga.

Bigla akong napa tayo na iki na gulat nilang lahat may nabulunan pa nga sa biglaang tayo ko.

"Abay anong nang yayari sayo ineng?"

"Ah yung cellphone ko manang nawawala"

Patay na! Paano ko matatawagan si kuya para mag pa sundo dito kapag ayaw ko na mag trabaho?

Kamalas-malasan nga naman oh!.

Anne's Adventures (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon