Chapter 33
Dream
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko na umiiyak sa dibdib ni Vann. Pilit niya akong inaangat noon para tignan ang mukha ko pero hindi ko rin kaya na makita siya...
He will just remind of Vans face, and I don't think if it would comfort me. Mas mararamdaman ko lang ang guilt sa lahat.
Dahil kasalanan ko... kasalanan ko kung bakit narito kami, kasi ako ang gumawa ng lahat. I shouldn't have created this story...
Yes, I should blame myself forever. Pero palaisipan sa akin kung bakit siya napasok dito sa loob? He is not meant to be here in the first place. I should talk ma'am Elice.
Ma'am... if you are hearing me now, please let me know everything that confuses me. Talk to me...
Ilang segundo akong naghintay ng boses sa isip ko pero walang lumabas doon na boses ni ma'am Elice. At natigil na ang iyak ko dahil nabalik na ako sa on camera.
"Anong pinag-usapan niyo ni tita?" Kuryosong tanong ni Vann sa akin. Hindi na ako nakayakap sa kanya, balik na kami sa posisyon namin bago magkaroon ng gap kanina.
Nakakatawa lang na hindi ko na kailangang punasan pa ang luha ko kanina para lang mawala iyon sa buong mukha ko dahil pagkabalik palang namin sa scene, maayos na ulit ang itsura ko.
Hindi mugto at namumula ang mata, walang bakas na galing sa pag-iyak.
Pero iyong puso ko, masakit pa rin. Mas sumobra ang sakit dahil hindi ko ito maramdaman ngayon. Because I am in Narizz body.
"She said that... I should only pointed all the blame to Leila. Na huwag ko na raw banggitin si Leon dahil hindi naman daw niya iyon sinasadya."
I heard him cursed softly after I said that. Pero wala naman siyang sinabi na kahit ano.
"It's nonsense. Hinding hindi ko iyon susundin. I am not indebted with them anyway, sila ang may utang sa amin." Halos bulong ko nalang iyon na sinabi... nag iwas pa ako ng tingin kay Vann nang mapansing nakatitig siya sa akin.
"Narizz... ayoko pa sanang sabihin ito sa iyo ngayon. I wanted you to rest but, I don't want to sleep at night without saying this to you." Mahinahon niyang sinabi habang nakatingin pa rin sa akin. Mabilis naman akong bumaling sa kanya.
"What is it?" Agap kong tanong.
He sighed deeply. "Hindi sa kinakampihan ko ang pamilya ko, but they are innocent too Narizz. I mean my parents, kahapon nakausap ko si Mama. They found out that tita is betraying us. We are keeping a monsters in our family for a lot of years now."
Natigilan ako sa pasimula niya at tatlong beses na napakurap. Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy siya.
"Natanong ko kasi kay Mama kung bakit hindi nila tinupad ang pangako nila sa iyo, na tutulungan nila ang Mama mo. At naikwento ko rin 'yung sinabi mo kung paano... nawala ang Mama mo. But you know what's her reaction? Nagulat siya, kasi sigurado raw siya na inabot niya ang tulong sa mismong doctor na naka-assign sa Mama mo noon."
Napaawang ang labi ko roon, unti unti ko pang natutop iyon.
"But she also said to me a while ago... the same exact thing pero baliktad. According to your tita siya raw ang nagbigay ng tulong sa doctor but your mother payed him because she want us to be away together," nalilito kong paliwanag kay Vann.
"Narizz, trust me on this one. Hindi dahil siya ang ina ko. I know her, she would never do such thing like that lalo na kapag buhay ang involve. She only thought ang kinamatay ng Mama mo ay talagang nagkataon lang pero kahapon... she realized it was her sister's doing. Leon's mother," huminto siya doon at suminghap.
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...