Chapter 2

2 2 0
                                    


First Day

Calla's Point Of View

Maaga akong nagising beybe!

5:36 a.m palang hehe. Hindi talagaako nakatulog dahil sa pagka-excite.

Hindi pa ako nakakain kaya magluluto na lang ako. Nagtungo ako sa kusina at binuksan ang freezer. Naglabas na lang ako ng hotdog at kumuha ng dalawang itlog sa ibabang bahagi——ng ref wag ka!

Pinirito ko ito bago nagsalang kanin. Hindi ako sanay na kumakain ng bagong luto sa umaga. Bahaw at tutong kasi ang laging sinasangag ni Nay sa tuwing umaga. Hayst... Namimjss ko tuloy...

Nakapagluto na ako ng kakainin ko. Fried rice, itlog at hotdog. Nagtimpla na din ako ng gatas. Oo gatas, sabi kasi ni Tatay, tatangkad ako kapag uminom ako ng gatas.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang malungkot. Dati lagi kaming magkakasalong kumain nila Tatay, Nanay at Lolo. Pero ngayon mag-isa na ako. Gusto ko na tuloy umuwi hayst!

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang aking pinagkainan.

5:48 a.m pa lang?!

Maaga parin kaya nagtungo na ako sa sala. Napansin ko na naman ang mga kahon na nakapatong sa mesa. Apat na kahon at iba't-iba ang laki.

Pumulot ako ng isa at binuksan ito.

Holimardtres!

Cellphone! Pinakalatest na brand ng iphone!

Nako naman oo! Naexcite tuloy akong bukasan ang iba pa. Sunod-sunod kong binuksan ang mga ito. Laptop, wifi at printer!

Ang gara talaga ni Ninong. Walang magawa sa pera!

Inayos ko na lang muna ang mga ito bago ako nagtungo sa banyo para maligo.

-----

"Kingina!" inis kong sigaw dahil sa damit ko!

Hindi nila nabanggit na ganito kaiksi ang uniporme!

Magara. Maganda. Pero maiksi!

Kulay asul ang uniporme. Stripes ang palda nito na 2inch above the knees. Hindi ko maiexplain! Tulong author!

A/N: Nasa media po ang pic ng umiforms. For boys and girls na po iyon pakitingnan na lang po. Tanga c babae eh hehe....

Salamat author! At taena mo din hihi...

No choice na ang ganda ko mga tukmol! Wala na akong magagawa kundi suotin ito. Kung nandito lang si Lolo siguradong kukurutin ako nun!

Inayos ko na lang ang damit ko bago magsapatos. Required ba talaga na may takong?

Labag na talaga sa kalooban ko ang mga nangyayari!

Bago ako tuluyang lumabas, sinilid ko na sa bag ko ang cellphone at ilang mga chocolate sa ref hehe. May napansin pa akong papel sa ibabaw ng ref kaya minabuti kong basahin iyon.

Baka suicide note ni Ninong——joke!

Calla,

Nasa ibabaw ng ref ang isang sobre. Doon nakasilid ang credit card mo hija, hindi maaaring cash ang gamit sa Ford Saittle University. Goodluck and have a good day hija!

Ninong mong pogi<3 

Badwords Ninong. Joke! Gaya ng nakasulat, nagtungo na ako sa kusina at inabot ang sobre sa ibabaw ng ref. Card nga ang laman nito. Minabuti ko itong ilagay sa wallet bago umali. Mahirap na, baka magkasalisihan hihi...

Promdi In The City (On-Going|Fast Updates) Where stories live. Discover now