CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Ylona's POV


Pagdating namin sa mall kumain muna kami kasi ang ingay na ni Hans di na daw matiis ng kanyang bulate ang gutom. Hindi padin naman kami kumakain so dumiritso nalang kami sa isang fastfood chain at nag order.



Kaming anim ay magkakaibigan na since highschool. We meet Hans nung nasa secondary palang kami, binubully kasi siya non dahil sa taglay niyang kapayatan at kami ni Sabrina ang nagtanggol sa kanya. Char! superhero lang ang peg! Kinausap lang naman namin yung bullies no! kala niyo naman kumarate pa kami para matigil. Syempre takot lang nila kay Sabrina, may pagka maldita pa naman tong babaeng to. But kung titignan niyo si Hans ngayon, wag kayo! dami nang umiyak na babae dito. Habang si Franz naman ay sa college na namin nakilala, di kasi sila same ng school ni Hans, nag highschool kasi siya ay sa States kasi andon ang mommy niya, habang ang daddy naman nila ay nandito sa Pilipinas kaya magkaiba sila ng school pero di naman malayo ang loob nila sa isa't isa, close padin sila, talagang madaldal lang talaga si Hans at kabaliktaran naman si Franz. Hindi sila broken family ah, sadyang may business lang sila sa ibang bansa kaya kailangan ang mommy nila don.



Si Kathryn at Fatima naman, na meet ko sila nong sumasali pa ako ng beauty contest. Naging kalaban ko si Kathryn habang si Fatima naman ang kanyang make-up artist na bestfriend pa niya. Natalo ko siya sa contest noon but di naman ganoon kalayo ang rank namin, ako ang kinurohang Queen habang siya naman ang 1st runner up. Di naman big deal sa amin yun pareho, basta naging magaan nalang ang loob naming sa isa't isa kaya kami naging magkaibigan.



"Hoi unggoy! Return mo nga yang manok ko!" sigaw ni Kathryn kay Hans nang makita niyang kinuha ni Hans ang drumstick niya.




"Unggoy daw? Hoi Fatima isauli mo daw ang manok niya!"



"Ulol ka talaga Hans! Isauli mo sarili mo total mukha ka namang manok!" angal naman ni Fatima sa sinabi ni Hans.



"edi manok din si Franz! hala Franz oh manok ka daw" pagsumbong ni Hanz sa kakambal. Umiling lang naman si Franz, ano paba ang e eexpect namin?




"luh? Ikaw lang naman ang mukhang manok, dinadamay mo pa kapatid mo!" pabalang namang sagot ni Fatima.



"hahahahaha" sabay naming tawa dahil di na maipinta ang mukha ni Hans. Yan kasi eh! Pinapakialaman pa kasi ang tahimik na kumakain.



***

Pagkatapos naming kumain ay namili na din kami ng ireregalo para kay Selena. Hindi pa kami ganoong magkakilala, nag meet lang kami sa family gathering nila Sabrina, dahil nga magpinsan sila syempre present siya at ininvite lang ang family namin.



"Sab! Ano ba sa tingin mo ang magugustuhan ni Selena?" tanong ko kay Sabrina habang namimili kami dito sa may boutique. Dress? Pantalon? Shirt? Ay ano ba 'yan sure naman ako na maaaford to ni Selena lahat.

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now