CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Ylona's POV


"Anyway, guys this is Franco Dela Torre, pinsan ko" pakilala samin ni Terrence dun sa papabol. OMG Franco? Nice name bagay sakin. Char!


Binati niya lahat ng kaibigan ko at huli naman akong bumati. 




"Ylona, Ylona Venice Lincoln's the name but you can call me yours haha!" jusme diko napigilang sabihin yun! Tanga ka Ylona! Bobo ka! Ang gaga talaga! Dapat kasi dalagang pilipina! Grr.




"Yieee! Landi neto sumbong kita sa kuya mo!" sigaw naman ng iba naming kaibigan. Syempre nagtawanan kami lahat except for Franco.



"Shh! Mga abnoy joke lang kasi yun!" angal ko naman sa kanila habang nahihiyang nakatingin kay Franco. Aba nahihiya din ako no! sadyang yung bunganga ko lang di nakapagpigil.



"Uhm, nice meeting you Ms. Ylona" sabi ni Franco habang nakipag shakehands sakin. Babawiin ko na sana ang kamay pero he pulled me closer to him at bumulong "and as for you to know I take jokes--" he smirks and added "--seriously."



Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko mula sa kanya. Oh no! totoo ba yung narinig ko? syempre naman! Alangan namang guni-guni yun tanga ka talaga Ylona. Jusmeyo dapat kasi di ko sinimulan T_T, dapat di ako matalo! Tama, tama! wag pa apekto Ylona.



"I uh-" di na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya itong pinutol.




"so, nice meeting you guys, una na kami" sabay kindat niya sakin at ngumiti naman sa mga kaibigan kong nagpipigil tili. Grabeh! Parang uminit naman ang mukha ko sa ginawa niya. OMG no! di dapat paapekto Ylona! Oo tama! Tama.



"OMG! Girl! Ang harot! Ehhh namumula!" panunukso ni Kathryn sakin, habang si Sabrina at Fatima naman ay iling-iling lang na tumatawa.



"Pero infairness girl! Gwapo!" sabi ni Kath kasabay pindot-pindot sa tagiliran ko. enebe! Pereng tenge nemen!




"Wag kang maniwala don kay Franco, Yl, talagang ganun yun. Wagkang paapekto kung ayaw mong maging isa sa mga babaeng iiyak dun" tatawang-tawang sabi naman ni Hans. 




Well since mas kilala naman ni Hans yun so hindi talaga ako papaapekto no! duh asa siya! Pero shems! Yung puso ko! natakot ako dun ah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now