siya

13 0 0
                                    

Siya
by: KAPL

Hindi ko mawari
Bakit ba siya lagi ang iyong pinipili?
Ako ang nandito
Pero siya parin ang hanap mo
Nakakatawa no?

Siya ang gusto mo, pero nasasaktan ako
Siya ang gusto mo, pero ako ang umaasa sayo
Siya ang gusto, pero ako ang nag hihintay sayo

Bakit ba kasi ikaw pa ?
Bakit ba kasi nandiyan ka pa kung siya naman ang gusto mo diba?
Bakit ba? Bakit nga ba?

Alam mo ba yung masakit?
Yun yung handa akong tumulong sayo kahit pa nasasaktan na ko,
Yung kahit na naalala mo lang ako dahil kailangan mo ko ....
Para makuha mo yung matamis niyang oo.

Pwede ba? Pwede bang iwasan mo nalang ako? Pwede bang wag ka ng humingi ng tulong ko?
Dahil sa bawat pakiusap mo, nagiging marupok lang ako

Tama na! Pano ko ba kasi sasabihin na ayaw na kitang makita kasi ang sakit-sakit na?
Pano ko ba sasabihin na ayaw ko na makasama ka?
Alam ko namang kahit umiyak ako
Hindi mo maririnig lahat ng hiling ko,
Hanggang panaginip nalang ako,
Hanggang pangarap nalang ako,
At oo alam ko na hanggang dun nalang ako.

Pero ano bang magagawa ko ?
Ganun naman lagi eh, wala akong magawa kundi tanggapin nalang lahat ng ito.

Ang suwerte mo, gusto ka ng taong gusto ko
Ang suwerte mo, wala ka pang nagagawa pero mahal ka na niya,
Ehh ako, kahit pa kasama niya ko sa lahat
Hindi niya ko makikita
Kasi para sakanya
Ikaw lang at wala ng iba

hahaha teka bat parang antanga ko yata?

.... Saglit .....
Sana kung sakali mang umalis ako
Sana piliin mo siya,
Sana mapansin mo siya,
Kasi ako mismo,
Alam ko yung feeling na umaasang mapansin niya rin ako pero wala akong magawa kundi umasa lang na makita niya ko,
Sana wag mo siyang saktan,
kasi ako,
gustong gusto kong mahalin ng totoo yung taong hindi naman ako gusto

Itong tulang ito,
Parang kanta ni moira na 'paubaya'
Sa kantang yun siya yung nauna pero iba ang wakas,
Siya ang kasama pero hanap iba
Pero sa tula kong ito
Ako yung kasama pero mag kaibigan lang kaming dalawa
Ako yung kasama pero iba ang hanap niya,
Ako yung kaibigan at hanggang kaibigan lang talaga  :)

Mood Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon