Tadhana

125 6 1
                                    

A/n:Gaya ng sabi ko sa description,
•Masyadong malalalim ang mga salitang ginamit.
•Medyo magulo ang kwento nito. Di ko nga alam kung paano naging Tadhana yung title nito.
•Halos lahat ng mga salita dito, Tagalog. 2 sentences lang yung English dito.
Tapos magulo sya kasi wala silang pangalan. Anyway, yung bottomline ko dito is.... Malalaman niyo nalang pagkatapos ng kwento. Ayun lang... so enjoy? Sana maintindihan niyo na lang.
Yung cover nga pala, gawa ko yan. Except doon sa picture. Nakita ko lang kasi yung picture sa internet kaya ginamit ko na lang. Narinig ko nga na iyan yung cover sa Finding Cinderella 2. Pero credits nalang sa gumawa at sa nagmamay-ari ng picture na ito. Ayun lang, at nagpapasalamat ako sa inyo dahil binabasa at iniintindi niyo 'tong kwento na ito kahit magulo.

Destinie's POV

Minsan may mga bagay talaga na hindi natin maintindihan. Ngunit sa huli, tsaka mo palang mapapagtanto kung bakit ganoon ang nangyari. Minsan, malalaman mo nalang yung sagot kapag wala na, huli na. Kaya nga mapaglaro ang tadhana diba? Minsan, yung mga ayaw mong mangyari, nangyayari. Minsan, yung hindi inaasahan, iyon yung mangyayari. Gayunpaman, ganoon naman talaga ang buhay diba? Kaya may tinatawag na FATE at DESTINY. Minsan, ang hirap intindihin. May mga naniniwala at hindi naniniwala. Pero ako, kung tatanungin niyo, I know it's cliche and weird, but I fell in love. I fell in love to a person that would never fall in love with me. Kaya, nawalan ako ng pag-asa. Hindi na ako naniwala sa mga fate at destiny na yan. Akala ko hindi na ako iibig muli. Hanggang sa dumating sya. Dumating sya sa buhay ko at tsaka ko palang nalaman. I really never fell in love. Yung sinasabi kong love sa taong di ako mamahalin, it's not true. Kasi paghanga lang iyon. Nung nakilala ko siya, bumukas ulit ang puso ko. Naging magkaibigan kami, haggang sa naging magka-ibigan kami. Cliche right? But I guess iyon nga ang nagagawa ng fate at destiny. Haggang sa isang di inaasahang pangyayari ang nangyari. Naranasan mo na ba yon? Ang sakit sakit kasi eh. Matagal na pala siyang may sakit sa puso ngunit di niya manlang sinasabi sakin. Pero ang sabi niya sakin, huwag daw akong malungkot at hanapin ko daw ang tamang magmamahal para sakin. Huwag ko daw isara ang
pintuan sa puso ko. Kasi kapag sinara ko yon, mawawala na din siya sa puso ko. Hanapin ko daw ang tamang tao para sakin. Yung mamahalin ako ng sobra sobra. Gagawin ang lahat para sakin. Pwede pa niya yon gawin. Ngunit nawala na siya. Sinunod ko siya, hinanap ko ang taong tama para sakin. Noong mawawalan ako ng pag-asa, bigla siyang dumating. Bumalik ulit ang pag-asa ko. Kasi naging magkaibigan kami tapos isang araw, nagtapat siya sakin. Nagtapat yung lalaking nagustuhan ko noon bago pa man dumating ang lalaking nagmahal sakin ng sobra sobra. Naisip ko, siguro siya ang sinasabi sakin. Who would've thought na ang dating gusto ko ay minahal ako noon pa man at ngayon nagmamahalan kami. Ang tadhana nga naman talaga. Mapaglaro. Ang daming obstacles na akong na-overcome kaya ngayon, alam ko na ang destiny at fate ko. Ang aking destiny ay sya at fated kami na magmahalan. Ngunit hindi ko sila makakalimutan. Ang lalaking minahal ako at mahal ko ng sobra at ang lalaking napangasawa ko.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon