CHAPTER 3

15 0 0
                                    

********

"By! Balita ko magkatabi daw kayo ni stephen!?" Pagkalabas ko palang sa classroom ay agad na kumapit sa braso ko si Nicole. Tumango lang ako sa tanong niya.

"So, how was it?" Pagtatanong niya. Tiningnan niya ako na para bang nakaka interesado 'yung sagot ko. I furrowed my brows as I look at her.

"What do you mean 'how was it'?" Patanong 'kong sagot. She sighed.

"How was it? How's being seatmate with Stephen?" She asked again.

"Oks lang" padalang 'kong sagot.

"Mygosh abby! How could you just say 'oks lang' where in fact that your seatmate is every girl's dream guy! Ang manhid mo!" She hysterically said.

Imbis na patulan pa ang pinagsasabi niya ay lumakad na lang ako baka abutin pa kami ng gabi sa kadaldalan niya.

"You're so unbelievable by! Ahhhhh- hoyy taena nang iwan pa! Hoyyy sandali!" Patakbo siyang sumunod sa 'kin.

Time flew so fast, days become weeks and weeks into months, its almost march malapit nanaman ang vacation. For the last 3 months I notice myself becoming socially active already, I don't know if I would be happy dahil marami na akong naging kaibigan at hindi na 'rin nagiging problema sa'kin ang makikipagsalamuha sa iba or I would be a little bit sad dahil 'yung napaka private kong personality ay mamimiss ko , 'yung tipong kahit mag tambling pa ako sa gitna ng school ground ay walang makakakilala sa'kin.

But I'm still thankful na naging sociable na ako, kasi need na 'yun pag nag senior high na ako lalo na pag mag cocollege na ako.

"By, ano nga meaning ng trigonometry?" He asked.

"Basahin mo sa notes mo matt nandyan 'yung sagot" sagot ko sakanya habang busy ako sa pagsusulat ng mga summary notes ko. Sa loob ng 3 months ay naging mag kaibigan na rin kami ni matt.

Nag aaral kasi kami ngayon para sa long quiz namin mamaya sa math, it's a preparation quiz for our finals.

Pagkatapos kong magsulat ay binaling ko sa kanya ang atensyon ko.

"Oh ano pa 'yung mga tanong mo?" I asked.

"Tulungan mo nalang ako by na makapag memorize sa definitions, e rerecite ko sa'yo ang definition tapos titignan mo sa notes ko if sakto ba, ha? Pleaseeeee" favor niya.

"Sige, game" I sighed.

I am listening to him while tying my hair, sakto naman mga sagot niya eh, nag cracram lang talaga ang potek.

"Angle is a two rays with same initi--" napatingin naman ako sa kanya ng naputol siya sa pagsasalita. He's just staring at me, like he saw something that isn't real.

"Hoy! Anyare? May multo ba sa likod ko?" Tanong ko sa kanya habang iwinagayway ko 'yung kamay ko sa mukha niya. Parang sira ang gago.

"Hoy!" Pasigaw 'kong sabi at napakurap naman siya.

"Ahmm. Ano nga ulit meaning ng angle?" He unconsciously asked.

"Para 'kang timang matt!" I joked.

"Stop calling me Matt" he seriously said while not looking at me. Apaka arte.

"Nag iinarte nanaman ang potek, wag mo akong inuutusan d'yan ha wala kang pake 'kung gusto kita tawaging matt!" Nag iinarte nanaman talaga. Kaso daw Stephen ang tawag sa kanya ng lahat kasi 'di niya gusto tawaging matt.

"Edi wow" sabi niya. Tapos tumayo siya at lumabas ng classroom. Tangina parang dahil lang sa tinawag ko siyang matt nag tampo na? Aba nag bibinakla ampotek.

Pagkatapos kong aralin yung summary notes ko ay lumapit si vince at nakipag asaran sa'kin, wala naman 'yang ibang gagawin kapag lumalapit 'yan sa'kin kundi ang mang-asar. Halos mag iisang oras na't hindi pa rin bumabalik si matt. Napatingin ako sa relo ko, 20 minutes nalang ay magsisimula na ang long quiz namin. Nakatingin lang ako sa may pintuan, naka abang na bumalik na si matt.

Napatingin ulit ako sa relo ko, 10 minutes nalang. Tumingin nanaman ako sa pintuan, nagulat ako ng bigla akong kinalabit ni matt, naka upo na pala siya sa tabi ko hindi ko man lang napansin. Mag tatanong na sana ako 'kung saan siya galing ng ilagay niya sa desk ko ang pagkaing dala niya. Kaya kuno't noo ko siyang tiningnan.

"Ahm. Nagutom kasi ako kaya dalawa binili ko pero nabusog agad ako kahit isa pa nakain ko kaya ibinigay ko nalang yan sa'yo, mahilig ka pa naman kumain" sabi niya habang nakatingin lang sa harapan. Tae nito magbibigay na nga lang nanglalait pa halatang hindi bukal sa puso tss.

Magpapasalamat na sana ako ng biglang pumasok na ang math teacher namin. Pagkatapos ng quiz namin ay inutusan naman ako ng teacher na e collect ang lahat ng papers at ihatid sa classroom niya.

Habang nag cocollect ako ng papers our president announced something.

"Guys! Good newwwsss hindi daw papasok 'yung last subject natin may emergency daw kasi so e didismiss tayo ngayon ng maaga!" masayang anunsyo ng president namin.

Agad namang nag si uwian ang mga kaklse ko. Ako naman ay hinatid muna sa ikatlong room 'yung mga papers. Pagkapasok ko sa room ng math teacher ko ay nag kaklase pa sila kaya doon nalang ako sa likuran dumaan at ni lagay nalang sa table niya ang mga papers.

Pagkalabas ko sa room ay nakita ko si matt na parang natatarantang pumasok sa room namin. Kaya kumunot 'yung noo ko. Kaya naglakad ako papuntang room, hindi pa ako nakarating sa room namin ay nakita ko ng lumabas na si matt galing sa loob at umalis.

Habang naglalakad ako papuntang room nababalisa pa'rin ako kung bakit ganon yung mga inaakto ni matt ngayon simula 'nung kanina. Napa iling nalang ako.

Pagkapasok ko sa room namin ay wala ng tao. Kinuha ko na lang 'yung bag ko para maka uwi na 'rin. Aalis na sana ako ng napatigil ako sa harapan ng upuan ko.

"Tang ina sinong nag iwan nito dito?" Napatanong ako sa kawalan.

Kinuha ko ang bulaklak na nakalagay sa desk ko. Habang tinitignan ko 'yung bulaklak ay bigla akong nakaramdam ng kaba, Hindi ko rin sure 'kung kinakabahan ba'ko pero ambilis ng tibok ng puso ko eh!

Ba't may pa ganito? Tae talaga 'kung sino man nag lagay nito dito lakas ng trip niya 'kung sino man siya, o baka nagkamali lang siya. Napailing at napatawa nalang ako ng bahagya sa na isip, umalis na ako sa kinatatayuan ko ng napatigil ako sa may pintuan.

Shit! Shit! Shit! Sabihin niyong mali 'yung naiisip ko! Sabihin niyo!

Naalala ko bigla 'yung mukha ni matt na natatarantang pumasok kanina sa room, tang ina wala naman ng ibang tao pagpasok ko sa room kanina eh! Pero imposible kung siya man ang naglagay! Imposible! Iniling ko ng maraming beses 'yung ulo ko, ahhhhh parang mababaliw ako sa mga iniisip ko!

Nakatulala akong nag lakad sa hallway na tinitingnan maya't maya ang bulaklak at iniiling iling ang ulo, para na akong baliw dito!

Napatingala ako at malakas na napabuntong hininga at tinignan ulit 'yung bulaklak.


Sino ba talaga kasi nag lagay sa dilaw na bulaklak na'to? binabaliw mo ako.....

********

XOXO

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The adventures of heartsWhere stories live. Discover now