Kabanata 8

10.1K 311 15
                                    

Kabanata 8

Mabilis lang natapos ang party nung gabing iyon. Natulog kami sa hinandang kwarto para sa amin. Isa para kina Papa at Tita Macy. At tig-isa rin naman kami ni Draco.

Kinabukasan naman, maaga kaming tumulak pauwi. Ni hindi man lang kami ulit nagkita ni Loch nung umagang iyon bago kami umuwi.

Tuwing naaalala ko iyong tagpong iyon sa kusina nina Loch, hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng pisngi. Lalo pa tuwing naaalala ko rin iyong mga malalim na tingin ni Loch.

Dumating ang araw ng sabado. Normal lang sana ang araw na iyon para sa akin. Ngunit bigla akong isinama ni Papa papuntang munisipyo. Kailangan ko daw kumuha ng Barangay clearance. Doon ko lang naalala na hinihingian pala ako nun sa school. Buti na lang at napaki-usapan iyon ni Tita Macy na sa pasukan ko na lang daw iyon ibibigay.

Matapos nilang hingin ang ilang impormasyon na kailangan nila para gawan ako ng Barangay clearance, lumabas na ako ng office. Habang si Papa naman ay tumungo saglit sa opisina ng Barangay Captain. Naupo ako sa isang maliit na sofa habang hinihintay si Papa.

Napapalingon sa akin ang ibang mga nagtra-trabaho dito sa Barangay. Pero iyon lang naman. Hanggang lingon lang sila.

Nalaman kong may tatlong Barangay pala ang San Del Monte. Una ay ang Barangay Libertad. Sabi ni Papa iyon daw iyong mga nadaanan naming kabahayan bago marating ang sentro. Pangalawa ang Central na tinatawag rin nilang sentro, kung saan lahat ng bilihin na kakailanganin ng buong San Del Monte ay naroroon. Sa Central lang din ang may permanenteng malakas na signal dahil mataas ang lupang kinatatayuan nito kompara sa ibang Barangay. Dito rin matatagpuan ang malaking simbahan at ang auditorium sa buong probinsya. Pangalawa naman ang Barangay Baybay. Ito naman iyong Barangay kung saan nakatayo ang bahay nina Papa. Pangunahing hanap-buhay ng mga taga Baybay eh syempre pangingisda. Ito ang Barangay na pangalawa sa Central na madalas may maraming tao. Marami kasi ang nag swi-swimming sa dagat. Ang panghuli naman ay ang Barangay Anito. Ito iyong Barangay kung saan malapit sa kabundukan at sakahan. Masagana ang pagsasaka sa Barangay na ito. Dito rin sa Barangay na ito nakatayo ang SDMCC.

Lumipas ang limang minuto pero wala pa rin si Papa. Sa sobrang bored ko, pinagkakalkal ko ang gallery ng cellphone ko. Muli ay namiss ko ang Manila. Muntik pa akong maiyak nang sumunod na picture eh iyong picture naming buong pamilya. Masayang naka akbay si Daddy kay Mommy. Habang nakaupo naman kami pareho ni Khali.

Agad kong pinatay ang cellphone ko sa pag-aakalang si Papa na iyong dumating. Ngunit ganun na lang ang gulat ko nang makita ko si Migo.

"I knew it. It's you, Zari." Amusement showed in his face.

Napatayo naman agad ako. "Hey. It's nice to see you again, Migo." Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya. "Buti naman at naaalala mo pa ang pangalan ko." Pabiro niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Of course." Sabi ko.

Tumango siya. "So, anong ginagawa ng isang Zari dito sa Barangay?" Usisa niya.

"Oh. I just need Barangay Clearance. That's why......"

Kumunot ang noo niya saka napalingon sa paligid. Tila may hinahanap. "Mag-isa ka lang?" Pagtataka niya.

Agaran akong umiling. "Nah. Kasama ko si Papa." Sabi ko at saka tinuro iyong opisina nung Kapitan. Mukhang nagets niya naman ako kasi napatango agad siya.

"By the way, pasensya ka na talaga kay Mich ha? Nag over react lang talaga siya. She told me also if ever na magkita ulit tayo, humihingi siya ng sorry." Napakamot siya sa batok niya.

Ngumiti naman ako saka tumango. "It's okay. Mali rin naman iyong pinakilala ako ni Draco as his girlfriend." Napangiwi ako.

"Actually, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na may kapatid pala si Draco." Aniya.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon