Kabanata 35

9.8K 180 3
                                    

A/N: this is the last chapter. I hope you'll like it. Thank you for a huge support in this story. I'll post the Epilogue or Wakas within another day. Enjoy :-)


****

Kabanata 35

"WELL done," nakangiti kong sabi.

"It's perfect..." komento ng kapatid ko saka niya ako nilingon. "Is this the time when I should say let's take a picture?" natatawang tanong ni Khali.

I rolled my eyes before I come close to her side. Agad niyang sinulit ang pagkakataon para makakuha ng maraming picture naming dalawa.

"Tama na," sabi ko matapos ang ilang mga shot. "Maliligo muna ako." Sabi ko at muling tiningnan ang Christmas tree na kami mismo ni Khali ang nag-ayos.

I smiled. This is the first time that me and Khali decorates our Christmas tree. Noong mga nakaraang Pasko kasi ay ang mga katulong namin ang laging naghahanda para mag-decorate sa Christmas tree namin. Buti na lang ngayon, pinayagan na rin kami sa wakas ni Mommy para kami mismo ni Khali ang mag-decorate.

Last year, green and red ang theme ng Christmas tree namin. Like as usual sa naka-ugali-ang theme for Christmas tree here in the Philippines. Ngayon naman, pareho naming gusto ni Khali ang silver theme kaya kami na mismo ang nag-decorate. May kalakihan ang Christmas tree namin kaya kina-kailangan ko pang tumungtong sa bakal na hagdanan na si Daddy mismo ang humahawak dito para siguradong hindi gumalaw sa tuwing aakyatin ko ito.

Iniwan ko si Daddy at Khali sa living room, umakyat na ako sa kuwarto ko para maligo.

Pasado alas nuebe ata ng umaga kanina nang magsimula kami ni Khali sa pag-di-decorate at ngayong pasado alas sais ng gabi na kami natapos. I'm tired, a little. But I'm also proud that me and Khali made it.

December 22 na ngayon. Ilang araw na rin simula 'nong naka-uwi ako rito sa mansiyon namin dito sa Maynila. Malapit na ang pasko pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Kinaumagahan, matapos 'yong nangyaring sagutan namin nila Mrs. Goson, Tita Sarah, at Papa, hinatid agad kami ni Papa rito sa Maynila. Yeah. Kami. Isinabay na rin niya si Draco sa akin. Sa pagkaka-alam ko kasi, dito raw sila nila Tita Macy mag-ce-celebrate ng kanilang Pasko sa Maynila, doon ata sa kapatid ni Tita Macy na taga-rito sa Maynila. At dahil ilang araw na lang din ay bakasyon na, pina-una na kami nila Papa dito sa Maynila.

If I know, ginawa lang excuse nila Papa ang "Christmas Vacation" para papuntahin ako rito sa Maynila. Alam ko naman na gusto lang nila akong iiwas muna sa kaguluhan doon sa San Del Monte.

And to be honest, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong desisyon ko sa sinabi ni Mrs. Goson. Kung pipiliin ko bang mademanda o tuluyan na lang umalis doon sa probinsiya.

Nakapag-isip-isip ako nitong mga nakaraang araw na kahit idemanda nila ako, wala pa ring kasiguraduhan kung makukulong ako. Like duh? Syempre lalabanan ko ang ide-demanda nila sa akin. I have the strong alibi: pinagtanggol ko lang ang sarili ko.

Was it wrong to defend myself from Diane? Si Mr. Goson na nga ang nagsabi, nakita nila ang CCTV. Kung ganoon, nakita rin nila na si Diane ang unang nanakit. Hindi ko nga siya pinatulan eh. Tinulak ko siya, oo. But I didn't meant to hurt her, indeed. And I think, sapat na ang dahilang 'yon kung bakit ko naitulak si Diane.

But of course. May isa pang banta si Mrs. Goson. Iyon ay ang maaaring mabunyag ang sekreto ng Pamilya ko kung sakali mang totohanin niya ang bantang pagsabi roon sa pinaka-matinding kalaban ng Company nila Daddy ang tungkol sa pinakatatagong sekreto ng Pamilya namin.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon