Nagising ako ng maramdaman ko na may pumasok pero hindi pa rin ako tumatayo. Pinakiramdam ko muna kung sino ito.
Naramdaman ko ang paglubog ng isang bahagi ng kama senyales na may umupo
"Tsk....Baby Mowni gumising ka na" nang marinig ko ang boses ni Kuya Lance ay bumangon na ako
"Anong oras na?" tanong rito
"Thirty minutes before 9:00" sagot naman nito
"Okay, maliligo na ako" sabi ko sabay tayo upang pumunta na sa banyo
"Maayos na yung kwarto mo! Nandun na rin ang mga gamit mo!" dagdag pa ni Kuya habang sumisigaw
"Okieee" balik na sigaw ko naman
Paglabas ko ng kwarto ni Leece ay nakita ko si Tsu, Kuya Riden at Leece na nanonood ng Loud House
"Tss...akin si Lucy dyan ah walang agawan" biglang sambit ko kaya naman napatingin sila sa akin
"Akin si Lola dyan!" aniya ni Tsu sabay turo
"Tsk, Leni's mine" malamig na sabi ni Leece
"Ah, basta Luna lang sapat na" dagdag ni Kuya Riden
"Hey, Lana's mine" biglang singit ni Kuya Lance dahilan para magtawanan kami.
Napagdesisyunan ko ng umalis at pumunta sa kwarto. Pagpasok ko ay maayos na ang kwarto ko pati na rin ang pinto
Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nakita ko naman doon ang uniform ko.
"Tsk, school uniform ba toh? Pang sailor moon ata toh eh" angal ko sa sarili ko habang tinitingnan ang uniform na may maikling palda
Nahubad na ako at tuluyan ng naligo. Pagkatapos ko naman ay nagbihis na ako at nagsuklay.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nagtinginan sila sa akin. Pare-pareho silang nakakunot ang noo at madidilim ang mga mukha
"What?!?!" daing ko sa kanila
"There's a jacket in my closet" sersoyong saad ni Leece
"So?" taas kilay kong sabi
"Wear it now!" malakas at seryosong sabi nito
"Why would I?" mataray kong sabi
"Do it now! Or else I'll kiss you" seryosong saad nito pero di ako nagpatinag
"Kuya oh, payag ka nun" nakangusong sabi ko kayla Kuya
"Do what he says or else I'll let him kiss you" saad ni Kuya Lance
"I agree?!?!" sabay na saad ni Kuya Riden at Tsu
"What?!" sigaw ko at wala na akong nagawa kundi kunin ang jacket sa kwarto ni Leece
"Alin dito?!?!" sigaw ko
"The black one?!" sagot naman ni Leece. Nang makita ko ang jacket ay napairap na lang ako. Nagpapapadyak pa ako habang isinusuot ang jacket
"Argh"
Paglabas ko nang kwarto at pagpunta ko sa sofa at lahat sila nakatingin sa akin
"What?!?!Happy now?!?!" nanlalaking mata kong saad sa kanila
"Much better but not satisfied" seryosong saad ni Leece
"What the..! Mukha na nga akong hanger sa suot kong toh eh anong gusto mo hanggang paa yung jacket?!" naghyhysterical na sabi ko
"If it's possible for you to wear something like that...then I'll make you wear it" malamig nitong sambit
"Ang init-init kaya" saad ko sabay kuha ng bag ko habang nagdadabog