Taga maynila lang kami pero hindi kami gaya nang mga ibang tao diyan na may pera araw araw.
Parehong Government Employee ang mga magulang ko. Kaya meron kaming makakain araw araw.
Pero hindi kami kumakain ng mga fastfoods dahil ang pera namin ay sapat lang sa pagbili ng aming pagkain at pag bayad nga mga bills at renta sa bahay namin.
Kaya minsan lang kami nakakabili ng mga laruan.
Naglalaro kami ngayon ni Sherly ng doll house. Si Sherly ay makababatang kapatid ko.
6 years old na ako at siya naman ay 4 years old pa lamang. Pero hindi kami nag-aaral.
Nang biglang tinawag kami ng aming Nanay, " Shane, Sherly, hali kayo dito".
At nag unahan pa kami ni Sherly papunta kila Mama. Nang makarating kami sa sala, may isang ginang na naka upo sa aming upuan.
"Mga anak, siya ang Lola niyo", ani Nanay.
"Hi! Ang cute cute naman ng mga apo ko", ani Lola sabay pisil sa aming mga mukha.
" Hello po", sabay kaming nagsalita ni Sherly.
" Meron pala akong mga regalo para sa inyo", at ipinakita niya sa aming ang mga regalong dinala niya at pinabukas samin.
" Wow ang ganda ganda po ng mga nito", ani ko.
" Bakit po ang daming niyong ibinigay sa amin? ", tanong ko.
" Dahil ngayon ko pa lang kayo nakita," ani Lola at ngumiti pa.
At simula ng araw na yun, pumupunta na kami sa Amusement Park taga Sabado. At ang saya saya namin.
At kapag nasa trabaho sila Mama at Papa, pumupunta si Lola dito sa bahay para makipag laro samin at siya na din ang nagbabantay samin.
Minsan nga namimiss na namin sina Mama at Papa dahil mas maraming oras ko silang hindi nakikita.
Pero okayy lang samin yun dahil para sa pamilya din namin yung pagtatrabaho nila.
________________________________
Helloo! Sorry if its short, I'll try to make longer chapters.The reason why it is in tagalog is because when Shane was still a kid, she doesn't know how to speak in English.
So when she grows up, she'll eventually start to speak in English.
Date: November 10, 2020
Edited on: March 1, 2021
YOU ARE READING
Successing Success
General FictionShane is a multi millionaire who went through a lot of ups and downs. Join her as she share her story. This is a work of fiction. On going.