Nasa mall kami ngayon, bibili kami ng mga gamit namin para sa pasukan. Kasama din namin sina Lola at Nanay. Hindi na sumama si Papa dahil may importante daw siyang lakad.
Excited na excited na kami ni Sherly dahil matagal tagal na din nung last kami pumunta dito sa mall.
"WOW!" Ani Sherly, malaki kasi yung mall, as in malaki talaga hihihi.
Pumunta na kami sa bilihan at namili kami ng mga gamit namin gaya ng uniform, bag, mga notebook at books, lapis, at mga papel.
Pagkatapos naming mamili, pupunta daw kami sa eskwelahan namin sabi ni Lola.
Excited na akong pumunta dun, sabi ni Nanay malaki at maganda daw dun. Naikwento din ni Lola na sa La Salle din nag aaral si Nanay noon.
Pagdating namin sa ischool, nagulat kami ni Sherly dahil ang lugar ay napakalawak at may malalaking gusali.
Nanatili kami doon ng dalawang oras dahil ang tagal matapos nung pina proseso ni Lola.
Pagka uwi namin sa bahay, wala pa si Tatay. Palagi na nga umaalis si Tatay, ang tagal naman niya umuwi. Nagtataka na nga kami eh.
Sa bahay na din kumain si Lola ng hapunan dahil alas otso ng gabi na.
_____________
Hi Loves! Sorry because this update is a short one even though I said that I would be updating with a long one. Sorry talaga. Babawi ako sa inyo. See you! hehe
Date: May 25, 2021
YOU ARE READING
Successing Success
Ficción GeneralShane is a multi millionaire who went through a lot of ups and downs. Join her as she share her story. This is a work of fiction. On going.