mystery man

282 5 3
                                    

Tumunog ang bell ng school, hugyat na tapos na ang mga klase. Dumiretsyo agad si Vinz papunta sa garden para tagpuin si Kris. Habang naglalakad si Vinz na naka headsey ay bigla syang tumigil para pumili ng kanta sa cellphone nya.

May isang matangkad na lalaki na astig na naglalakad at iginagala ang kanyang mga mata sa school. Diretsyong nag lalakad ang lalaki habang nakatingala. Sa harap ng lalaki ay si Vinz na naka tigil. Dahil naka tingala ang lalaki ay dirediretsyo lang sya sa pag lalakad hangang sa mabanga na niya si Vinz.

"naku, sorry. Ayos ka lang ba?" iniabot ng lalaki ang kamay niya at tinulungan si Vinz na maka tayo.

"ah salamat. Pasensya kana din at naka tigil ako sa daan. Sige paalam"

Naglakad na papalayo si Vinz at ganun din ang ginawa ng lalaki. Pumasok ang lalaki sa sa loob ng school at naglakad at sumakay ng elevator. Lumabas ang lalaki ng elevator at pagkalabas nya ay nag turn right sya at kumatok sa pinaka last na pinto.

"Pasok!"

pumasok ang lalaki at bumati

"Hi Ma!"

"Ohh..... Hi! anak"

Tumayo ang principal at naki pag beso beso sa kanyang anak.

"May kailangan kaba anak?"

"Wala naman Ma.. Gagala lang sana ako sa campus para hindi ako maligaw bukas"

"Ah ganun ba? gusto mo bang i-tour kita?"

"Hindi na Ma, sasauluhin ko lang tong campus"

"ok sige nak. see you in 2 hours para sabay na tayo umuwi"

"ok Ma, bye"

"bye, anak"

Lumabas na ang lalaki at sinara ang pinto.

Tinabihan ni Vinz si Kris sa bench at nagsimula sila mag usap.

"Kris, salamat at pumunta ka"

"Hindi ako pumunta dito dahil pinakiusapan mo ako"

Habang aka upo ang dalawa sa brnch ay nakita sila ng astig at sobrang gwapo na anak ng principal. Dadaan na lang sana sila ng lalaki mula sa likod pero biglang nakuha ni kris ang attention nya dahil lang sa sinabi nya kay Vinz

"Hindi ako nag punta dito dahil pinakiusapan mo ako. Nag punta ako dito dahil gusto kong malaman kung pano mo nagawang sabihin ang totoo kay Dan kahit na alam mong pwede kayong maghiwalay"

"Simple lang! Mahal ko si Dan at alam kong mahal nya din ako, kaya may tiwala ako na paniniwalaan ako ni Dan"

"H-ha! Yun lang?"

"lang? Kris, diba sinabi mo sakin na mahal mo si Dan?"

"Oo, ano naman ngayon?"

"kung ikaw ang nasa posisyon ko, gagawin mo rin ba ang ginawa ko?"

"syempre hindi! Mahal ko si Dan kaya alam kong masasaktan sya kapag nalaman nyang may ibang humalik sa mahal nya. Hinding hindi ako gagawa ng kahit anong makakasakit sa kan..ya..."

Napa tungo si Kris at tumulo ang kanyang mga luha

"sinubukan kong saktan ang damdamin ni Dan gamit ang kinuha kong picture na kahalikan mo ang isang babae para lang maghiwalay kayo..... Nung mga oras na yun hindi ko alam na pwede ko palang masaktan ang taong mahal ko"

"ganun ba? Hayaan mona lang yun. Alam mo sabi nila the Truth will set you free at tama sila. Kahit gaano man kapangit ang katotohaan, kahit gaano man ito kasakit malalagpasan mo din basta gustuhin mo. Kris, tao lang tayo, kaya wag mo nang alalahanin ang ginawa mo kanina. Isipin mo na lang kung pano ka makaka bawi at gamitin mo ang matututunan mo sa nangyari kanina"

"madali mo lang yan nasasabi dahil hindi mo pa nararanasan ang mabigo sa pag-ibig"

"kung hindi ko pa nararanasan na mabigo sa pag-ibig, pano naging kami ni Dan? Hinding hindi magiging kami ni Dan kami pa ni Prince. Mahal na mahal ko dati si Prince kahit na may naging kahati na ako sa kanya. Dalawa kaming minahal ni Prince ng sabay kaya ayos ng samin ng isa nya pang partner pero dumating ang araw na mas madalas na silang lumabas na magka sama kaya naman umalis na ako para maging masaya silang dalawa"

"bakit ka umalis? Bakit hindi mo ipinag laban ang pag mamahal mo kay Prince?"

"Alam na ni Prince na mahal ko sya, bago pa man dumating sa buhay namin si Angel ang isa nya pang partner kaya wala akong kailangang ipag laban dahil alam na lahat ni Prince kung gaano ko sya kamahal noon"

"hindi ko alam kung kakayanin kong gawin ang ginawa mo. Hindi ako kasing lakas mo"

"hindi ako malakas. Marami lang talagang mga tao na tumulong sakin. Ang pamilya ko, mga kaibigan lalong lalo na si Dan. Kung ako lang mag isa noon, siguradong hindi ko kakayanin"

"kung ganon, hindi ako pwede magpatalo sayo na mas bata pa sakin! Bilang nakakatanda kailangan ako ang nag sasabi ng mga bagay na yan sayo at hindi yung kabaliktaran!. Vinz! Susuko na ako kay Dan pero oas na saktan mo sya aakitin ko agad sya"

"edi hindi ka parin sumuko kapag nangyari yun"

"ay, oo nga noh? Tse bahala na! Umuwi na lang tayo!"

Sabay tumayo ang dalawa pero tumakbo si Kris agad papalayo sabay lingon kay Vinz at sigaw

"Vinz! Pwede ba kitang maging kaibigan?! Kaibigan na aalalay sakin!?"

Ngumiti si Vinz at sumagot ng malakas

"Oo naman! Anytime!"

Tumakbo na muli papalayo si Kris na may ngiti sa kanyang mukha.

Ang anak ng principal ay nakinig sa usapan nina Kris at Vinz mula sa simula hangang sa katapusan. Naka ngiti ang lalaki at sinabi sa sarili nya "hindi ako bakla or bisex pero hindi masyadong binabae ang lalaking toh pero mahinhin katulad ng isang babae. Get ready Vinz, I'll quickly start my move para paibigin ka kahit na may boyfriend kana, aangkinin kita dahil ikaw ang kailangan ko para sumaya"

Whoa! Ang tagal kong hindi nag update haha. Thank you guys sa pag supporta nyo sa story ko! Napaka saya ko dahil more than 1700 reads na ang story ko haha.
Support nyo pa sana ang story ko by Leaving your Comments, voting, following me, adding to your RL/Library and sharing :-) <3 I love you all so much :-* :-D

Falling in love with my ex boyfriend's brother (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon